JHOPEEEEEEEEEE (65)

66 1 14
                                    

Napatingin ako sa anim na lalaking nakaupo sa couch, nababakas ko pa rin ang lungkot sa kanilang mga mata,

Sino ba kasing hindi malulungkot pag namatayan diba?

Ilang araw na ang nakalipas nung mangyari yung insidente sa lodge, minabuti ko munang ipasarado ito dahil dito, at dahil wala na rin namang gustong mag check in dahil sa eskandalong nangyari,

Hindi ako pumayag na hindi pagbayaran nung mag-asawa yung nangyaring yun kaya dinampot din sila agad ng pulis,

Grabe yung naging experience ng bangtan at ng iba pang guest na nagstay sa lodge ko.

Nakakalungkot, maging ako ay ayoko ng maalala pa yung nangyari-

"Jagi, why are you staring at them like that? I'm jealous", napatingin ako kay Hoseok na kalalabas lang ng kwarto at buhat buhat si Janeah,

"Jagi di pa magaling yung sugat mo, binuhat mo na agad si Janeah", iika ika akong lumapit sakanila at kinuha yung anak ko sa pagkakabuhat niya,

"Magaling na ko jagi, kahit nga ikaw kaya ko ng buhatin eh", sabi niya saka naglalambing na humawak sa beywang ko,

"Hyung yung saksak lang pala ang makakapagpabalik kay Angel sayo eh dapat dati ka pa nagpasaksak", tatawa tawang sabi ni JK,

"Kung alam ko nga lang eh-aray jagi", hinampas ko siya sa braso dahil hindi ko gusto yung biruan nila,

Grabe yung impact sakin nung pagkakasaksak niya nun noh!

To think na iyun pa ang dahilan para marealize ko na hindi ko pala kaya na tuluyang mawala siya samin ng anak niya, na kailangan ko siya, na mahal ko pa pala siya.

At hindi ko rin makakalimutang pinagkaisahan nila ko para marealize ko ang lahat-

"A-Aray sis ang sakit ng balakang ko! A-Ayos ka lang ba? Tss nadagdagan pa yung sugat sa kamay mo", parehas kaming nahirapang tumayo mula sa pagkakasemplang,

Tumango na lang ako sakanya kahit ang totoo ay sobrang sakit at ang hirap ilakad ng paa at binti kong napuruhan dahil natumbahan ng motor na sinasakyan namin, hindi ko rin alintana ang mga gasgas sa braso at binti ko dahil gusto ko agad makarating sa hospital na pinagdalhan kay Hoseok,

Maging yung kamay kong nalapatan na ng first aid kanina ay kumirot ulit dahil sa pagkakasadsad.

"Ikaw ayos ka lang ba?", nag-aalalang tanong ko sakanya,

"Oo medyo nabawi ko yung pag out of balance natin eh, ikaw di biro yung pagkakahulog mo, I think it's not a good idea na ikaw ang magdrive, masyado kang balisa and taranta, c'mon if grabe yung pagkakasemplang natin baka mas malala pa natamo mo kaysa kay Hoseok", sabi niya saka niya itinayo yung motor at sinabing siya nalang ang magdadrive,

"Hindi ako mapapanatag pag di ko nakitang ayos siya Cynth. Kaya tara na bilisan mong magmaneho", sabi ko at hirap na hirap maihakbang yung paa ko makaangkas lang sa motor,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon