Chapter 1 (No Prologue)

437 5 2
                                    

Feel free to read!

-------------------------------------

KARA'S POV

"Mrs. Ramos, pagbigyan niyo naman ako oh? Promise ko po, babawi po ako ngayong finals!" 

"I'm sorry, Ms. Reyes pero ang liliit ng grades mo sa subject ko. Mubawi ka nalang sa finals. Good luck, iha." 

Pagkatapos ng sinabi ng terror naming professor, umalis na siya.

Gusto ko tuloy maiyak tutal ako nalang naman mag-isa dito sa classroom. Binigyan niya kasi ako ng failing grade sa accounting namin. Hindi naman ako mag-isa eh. Halos kami lahat sa room, bagsak. Tsaka may finals pa kaya makakabawi din ako. Ang iniisip ko lang, papaano ko sasabihin sa daddy ko 'to? Pagagalitan ako nun :'( Baka nga maging grounded pa 'ko ng ilang buwan!

♫ She got a love like woe (whoa ♫

"Hello? Dad?"

[ Nak? Asan ka na? Andito na 'ko sa labas. ]

"Ho? Ba't ho kayo ang sumundo sa 'kin? Si Mang Delfin po? Asan?"

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. [ Mamaya ko nalang sasabihin, nak. Lika na dito.] 

*toot toot*

Sinurprise ba 'ko ni daddy? Baka siya pa ang masurprise sa sasabihin ko :( Waaaaah! Naiiyak na 'ko!

Lumabas na 'ko ng classroom.

Lalo akong kinabahan nang may makita akong nakatayo sa labas ng classroom namin malapit sa door.

"J-Jeffrey? A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong sabi. Bigla akong pinagpawisan. Narinig niya kaya yung usapan namin ng prof ko?

Tumingin siya sa 'kin na expressionless lang ang mukha. Eto ang pinakamahirap na kausap sa lahat. Hindi mo kasi mababasa kung anong nasa isip niya. Palagi kasing nagpo-poker face 'to.

"Hoy! Magsalita ka nga! May narinig ka ba kanina?"

Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa 'kin.

"Bakit Kara, may dapat ba 'kong marinig?"

"W-Wala!" sabay tulak ko sa kanya. "Wag mo ngang malapit-lapit yang mukha mo sa 'kin!"

Nag smirk lang siya at tumingin sa ibang direksyon. Ang weird niya!

"Ewan! Alis na 'ko!" 

Tumalikod na 'ko nang biglang may sinabi siya kaya lumingon uli ako.

"Andyan na pala si Tito Fred sa labas. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang bagsa---"

Tumakbo ako papunta sa kanya at tinakpan ko ang bibig niya. Narinig niya?!

"Narinig mo?!"

Nag-nod lang siya habang hindi nakatingin sa 'kin. Binaba ko na ang mga kamay ko. 

Lalo akong naiiyak! Hindi ko din naman mapapakiusapan 'tong taong to pero bahala na! 

"U-uhm. J-Jeffrey. Pwede bang..." tumingin na siya sa 'kin habang nakataas ang mga kilay na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Pwede bang sa 'tin sa 'tin nalang muna 'yon? 'Di ko pa kasi alam kung papaano ko sasabihin sa parents ko. Lalong-lalo na kay daddy. Please?" nag please sign pa 'ko para mas lalo ko siyang ma convince. Sana!

"Okay!" 

Weh? 'Di nga! Si Jeffrey ba talaga 'to?

"Sure?"

Nag nod lang siya ng paulit-ulit.

"May lagnat ka?"

"Nang-aasar ka ba?"

Umiling kaagad ako. Baka magbago pa ang isip nito.

"Thank you, Jeff! Mabait ka din pala minsan! Thank you!" nayakap ko siya sa sobrang tuwa. 

Kumalas ako kaagad nang marealize ko ang gingawa ko. Kahit siya, halatang nagulat din.

"Tss. Chansing." bulong niya.

"Yabang! Pero dahil mabait ka ngayon, 'di muna kita susungitan. Basta thank you talaga! Ge, aalis na 'ko! Bye--"

"Hep hep. Sinong may sabi sa'yo na ganon nalang 'yon?"

'Huh?" 

'Di ko siya gets pero masama kutob ko dito.

"Papayag lang akong ilihim 'yung sikreto mo sa isang kondisyon."

"KONDISYON?!"

"Oh sige, sumigaw ka pa."

"Sorry naman! Pero anong kondisyon?! Huh? 'Di ko gets!"

"Tss. Ang slow mo talaga! 

"Nanlalait ka pa! Tss. Pero anong kondisyon?"

Sinasabi ko na nga ba eh. Akala ko pa naman, bumait na 'to!

"Be my girlfriend."

"Eh?"

"Oh? Anong mahirap intindihin dun?"

Nakakaduda naman 'to. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Oh? Ba't ganyan ka makatingin?"

"Umamin ka nga, Jeff. Siguro may gusto ka sa 'kin noh?! Tapos bina-blackmail mo lang ako para mapapayag mo 'ko!"

Tumawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko. Kunwari pa nasusuka siya. 

"Asa ka pa! Hindi noh!"

"Eh bakit ganung klaseng kondisyon pa?! Para saan naman yan?"

Sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin na sa ibang direksyon.

"I want Bianca back." in a blank face. No emotions.

-------------------------------------

*to be continued

I Think I'm Falling (ongoing)Where stories live. Discover now