Chapter 6

41.5K 833 16
                                    

        Mr. Chips, Nova, Piattos, Cheezy, Chiz Curls, Mogumogu at Zest-O mango. Ay dyusko pooo. Kasarapsarap. Sunod sunod ‘yung subo ko ng chichirya habang sitting pretty sa sofa at nanonood ng TV. Hinanap ko ‘yung remote sa mga nagkalat na plastic ng chichirya sa sahig.

        Ang sabi ni Chief, prepare, tone and get some beauty rest. Tsh! Kailangan ko pa ba ‘yun? Si Summer Felicity Madrigal Yeo kailangan mag-beauty rest!? Tsh! Eh kahit pa ilagay mo sa coma mga makakalaban ko hindi nila mahahabol beauty ko eh. Exercise!? Tsh! Gabi gabihin pa namin ni Trevor ‘yun eh! Charot!

        Nilipat ko sa Disney Channel ‘yung TV at nanonood na lang ng Phineas and Ferb. Humiga ako sa sofa at tinaas ‘yung dalawa kong paa sa sandalan.

        Lumipas na ang dalawang araw simula nung house blessing nila Anne pero hindi ko pa din nasasabi kay Trevor ‘yung mission ko. Hindi pa din ako nakakahanap ng tyempo. Busy kasi siya nitong mga nakaraang araw. Hindi niya nagustuhan ‘yung kinalabasan ng concept nung creative team.

        Nung Monday, pumunta ako sa headquarters para ibigay na ‘yung application form. Tapos nung Tuesday, pinapunta ako ni Chief sa isang studio. Nag-photoshoot saglit para may ipasa sa portfolio ko. At ngayon, alam ko pinasa na nila ‘yung application ko at ngangabels ako today hirlalu sa condo. Hay nako, wala bang magdadala ng foods for me?

        Biglang nag-ring ‘yung phone ko kaya kinapakapa ko sa ulunan para tignan kung sino ‘yung tumatawag. Sinagot ko agad ng makitang si George ‘yung tumatawag. “Jellow?”

        “Hello, Summ! What time is your out? Let’s go shopping. I miss hanging out with you.”

       Napaupo agad ako. “Sure! Mag-aayos na ako.”

        “Aren’t you-“

        “Meet you at SM Aura! 6pm. Tata!” Hindi ko na siya pinatapos at binabaan na din.

        Naligo at nag-ayos ako agad. Kailangan kong lumabas. Mababaliw ako sa bahay na ‘to. Wala akong makausap. Ay wait, kahit naman nandito ‘yung mga kaibigan ko, nababaliw pa din ako.

        Pagpasok na pagpasok namin ni George sa mall, diretso agad sa F21. Nagkukukuha siya ng damit tas pinagbibigay niya sa akin. “Hoy, George. Hindi mo naman sinabe sa akin na kaya mo ako inaya eh para may alalay ka.”

        “Oh.” Nilingon niya agad ako. “Isukat mo ‘yang mga ‘yan.” Nginitian niya ako at pumili na uli ng mga damit.

        Sinundan ko siya. “Don’t tell me bibilhan mo na naman ako ng mga damit ah.”

        Nilingon niya uli ako at tumango tango.

        Inikutan ko siya ng mata. “George. Hindi mo ako kailangang bilhan ng pagkadami daming damit. Kaya kong bumili ng sarili kong damit.”

        “I know. I know. I just like dressing you,” sweet niyang sabi sabay talikod na uli. Inabutan niya ako ng mini skirt kaso bigla niya uling binawi ‘yun.

        “Uy, bet ko ‘yan,” sabi ko.

        “No. Someone will get angry with me.”

        “Tsh! ‘Wag ka ngang natatakot sa beast boss na ‘yun. Bilhin na natin ‘yuuuun.”

        “No.” Naglakad na siya papunta sa may fitting room. “Remember the last time I bought a mini skirt for you? I think that was just last month. Hindi ako pinansin ni Trevor ng ilang linggo nun. Now go, sukatin mo na ‘yang mga ‘yan.” Pinagtutulak na niya ako papasok sa fitting room.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon