Chapter 3

51.4K 1.1K 71
                                    

        Pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pinto ng unit namin, nakaamoy na ako ng nasusunog. Mabilis kong binagsak ‘yung bag ko sa sofa at pumunta sa kusina. Nadatnan ko si Bridge na nakajacket, naka-gloves at nakahelmet na may hawak na siyanse at kala mo nakikipag-fencing sa tilapia na nasa kawali. “Bridge!”

        Bigla siyang lumingon. “Suuuumm!”

        Lumapit ako sakanya. “Anong nangyayari dito!? Bat ganyan itsura mo!?”

        Tinaas niya ‘yung salamin ng helmet. “Nakakatakot matalsikan ng mantika eh.”

        Aaaysh! Kung di ba naman talaga abnormal ‘tong kaibigan mo. Talagang nag-jacket at helmet pa. “Nasusunog na ‘yung tilapia!”

        “Hindi ko siya ma-side B! Ang hirap kaya!”

        Sinilip ko ‘yung kawali, pinagsabaysabay ng gaga ‘yung limang tilapia. “Sino ba kaseng nagsabeng ikaw ang magluto!? Sabi ko kay Gabbie na siya ang magluto eh!” Inagaw ko naman sakanya ‘yung siyanse. Kala mo naman marunong din ako.

        “Tinext niya kaya ako! Sabe niya gagabihin siya kaya ako na daw ang magluto!”

        Kumuha ako ng pot holder at lumapit sa kawali. Sinubukan kong iikot ‘yung isda kaso ang hirap nilang kunin dahil dikit dikit at punong puno ‘yung kawali. Magiging murdered tilapia ‘to pag nagkataon.

        “Alam ko na!” biglang sigaw ni Bridge.

        Paglingon ko sakanya, kumuha siya ng baso at nilagyan ng tubig galing gripo. “Anong gagawin mo Bridge?”

        Tumakbo siya papunta sa akin at saka ko lang nagets anong gagawin niya. “Lagyan na lang naten ng sabaw!”

        “Bridge ‘wag!” Sinubukan ko siyang pigilan kaso mabilis niyang nabuhos sa kawali ‘yung tubig. “Aaaah!” Bumulwak ‘yung mantika at makapal na usok galing doon. Napatakbo kami sa pinto ng kusina.

        Pakapal na ng pakapal ‘yung usok. Baka mamaya hindi kayanin ng smoke exhaust fan namin. “Briiidge! Patayin mo ‘yung kawaliii!” Niyugyog yugyog ko siya.

        “Eeeeeh!”

        “Patayin mo naaaa!”

        “Eeeeeeeeh! Kailangan natin si Anne! Kailangan natin si Anne! Aaanne! Bat mo kami iniwaaan!” paiyak na sigaw ni Bridge.

        “Hayop ka Kuya Avel! Bakit mo inagaw samin si Aaaanne!”

        Mabilis na bumukas ‘yung pinto namin at dalidaling tumakbo papunta sa amin si Gabbie. “Anong nangyayari dito!?”

        “’Yung kawaliiii!” sigaw ni Bridge sakanya.

        “Huh?” nagtataka niyang tanong.

        “Patayin mo na ‘yung kawali!”

        Agad naman siyang pumasok sa kusina at pinatay ‘yung kawali.

        Nilingon niya uli kami. “What the fck happened here!?” sigaw niya habang palapit uli sa amin. Napalunok lang ako. “Hoy mga babae anong nangyari dito!? At ikaw Bridge bat ganyan get up mo!?”

        “Si Anne,” malungkot na sabi Bridge.

        “Anong si Anne?”

        “Ang sakit sakit Gabbie! Alam mo ba ‘yun!” paiyak na sigaw ni Bridge. “Ang sakit sakit matalsikan ng mantika!”

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon