Chapter 36

34.7K 755 54
                                    

        Naramdaman ko ang malamig na dampi ng kamay sa aking braso habang ako’y nakatagilid ng higa. Dahan dahan ‘tong umakyat papunta sa aking balikat. Kasunod nito ang mainit na paghinga sa aking batok. Bahagya akong napangiti dahil sa kiliti ng dumampi ang mainit na labi sa aking tenga.

        “Sunday morning rain is falling,” mahinang kanta ng sexyng lalaki na nasa likod ko. Nanatili akong nakapikit. “Steal some covers share some skin.” Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok sa aking leeg at pisngi sabay lagay ng mabilis na halik sa aking leeg. “Clouds are shrouding us in moments unforgettable. You twist to fit the mold that I am in.” Napahagikgik ako ng bigla niyang hipan ang butas ng tenga ko. “But things just get so crazy living life gets hard to do. And I would gladly hit the road get up and go if I knew.” Naglakbay ang kamay niya sa tiyan at puson ko. “That someday it would lead me back to you.”

        Pinulupot niya ang braso niya sa aking tiyan at pinatong ang baba sa aking balikat. “That may be all I need,” patuloy niya sa pagkanta. “In darkness you are all I see. Come and rest your bones with me. Driving slow on Sunday morning. And I never want to leave.”

        Dinilat ko na ang mata ko at hinarap siya. Konti pang pagpapakilig nito mapupunit na labi ko sa lawak ng ngiti ko. Sinalubong ako ng ngiti sa mga mata at labi niya. Ang sarap naman gumising araw-araw ng ganito. Hinawakan ko ang pisngi niya, “Good morning, my sexy beast boss.”

        “Good morning, my sexy, smartmouth, bright and gorgeous one and only commander,” labas ipin na ngiti niyang sabi sa akin.

        Lalapit pa sana siya para bigyan ako ng halik sa labi ng biglang may kumatok sa pinto. “Room service,” sigaw ng boses ng babae mula sa labas.

        Napapalatak si Trevor at natawa naman ako sa dismayado niyang reaksyon. Tinanggal ko na ang kumot na nakatakip sa akin at tumayo ng kama. “Ah!” Napahawak ako sa binti ko ng ilakad ko ito. Darn you, Mr. Del Julio. My legs are sore. Kulang na ata ako sa exercise.

        “Sore legs?” tanong ni Trevor na nakahiga pa din sa kama. “I told you I’m a good exercise trainer… in bed,” nakangisi nitong sabi. “Now come back here and let me love you.”

        Aaaysh. Umagang umaga pinapairal pagkapilyo. Inikutan ko lang siya ng mata at dinilaan.

        Kumatok na uli ‘yung room service kaya pumunta na ako sa banyo. Tumayo naman si Trevor at nagsuot ng pants.

        Nakaligo na kami at nagaayos na, sinilip ko ang phone ko para tignan kung may text si Chai. Kaso low bat na ito at wala na talagang power. Hindi na ako nakapag-charge kahapon. Naghanap ako ng charger at nakita sa bedside table ang phone ni Trevor na naka-charge. Pinindot ko ang home button. Nakapatay ito at yung battery icon na nag-chcharge ang lumabas sa screen. Mukhang kaka-charge pa lang.

        “Boss,” sigaw ko para tawagin ang atensyon ni Trevor. “Pahiram charger.”

        Binubutones na niya ‘yung long sleeves polo niya. “Sure. Unplug my phone.”

        And so I did. Sinuot ko muna ang tshirt at board shorts niya. Mamaya na ako magpapalit pagtapos mag-breakfast.

        Lumabas na kami para makisalo sa breakfast. Mamayang hapon na din ang balik namin sa Manila. Nagpunta kami sa may dining area kung saan nagdinner kagabi ang mga kandidata. Isang malaking terrace dining area ito. Tanaw na tanaw ang dagat at kabuoan ng resort. Nasa third floor kasi ito. Ang sarap sa pakiramdam nung hangin at ambiance. May mga round table na pang-limahan ang nandidito.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon