Chapter 22

26.4K 713 25
                                    

        Kanina ko pa sinusundan ng tingin ‘yung paggalaw ng pang-segundong kamay ng orasan na nasa harap ko. Mainit na ata ‘yung kinauupuan ko dito sa loob ng opisina ng front office manager. Malamang pinagpapawisan na din ‘yung pwetan ko.

        Matapos nila akong paghintayin sa reception desk kanina, dito naman nila ako paghihintayin ng matagal. Nag-complain ako at nag-request na makita ‘yung cctv footage sa 18th floor para malaman kung may ibang pumasok ba sa room namin. Tinanong naman ni Chai si Hazel kung nakita ba ‘yung kwintas ko, pero wala naman daw. Imposible ding si Hazel ang kumuha. Nauna nga siyang bumaba sa amin at parehas naman kaming nasa practice.

        Wala namang ibang nawala sa mga gamit ko. Anong pakay nung kumuha ng kwintas ko?

        Napalingon ako ng marinig na bumukas ‘yung pinto. Pumasok uli ‘yung babaeng manager. “I’m sorry Ma’am sa abala. Just give the security team five more minutes.”

        Tumayo ako at napahalukipkip. Ako naiinis na sa kaka-five minutes nila ah. Tuwing umagang nakakatamad bumangon lang umuubra sa akin ‘yang five more minutes. “Saang floor ‘yang security team ninyo?” mahinahon kong tanong sakanya pero deep inside asar na ako sa kakahintay.

        Tinignan niya lang ako at hindi inimik na para bang hindi narinig ‘yung tanong ko. “Maghintay na lang po kayo dito. Tutal paba-“

        “Saang floor!?” medyo pagalit kong tanong. Medyo pa lang ‘yun.

        “Pababa na po mayamaya ‘yung security team. For your convenience, maghinta-“

        Aba, makulit talaga. “Pwede ba! Saan nga!?”

        “Ma’am, dito na nga-“

        “Floor lang tinatanong ko! ‘Wag mong sabihin sa akin na hindi mo alam floor ng control room niyo. O sadyang wala naman talaga kayong control room!?” inis kong tanong sakanya. Kanina pa paulit-ulit. Parang sasabihin lang kung anong floor.

        Natahimik siya saglit at napabuntong hininga. “15th po. Pero dito na lang po kayo maghintay. Baba-“

        Natigil siya sa pagsasalita ng dirediretso na akong naglakad palabas ng opisina niya at tumungo sa elevator.

        “Ma’am, dito na lang po kayo maghintay sa office,” habol niya sa akin sa loob ng elevator. Hindi ko siya pinakinggan at pinindot na ‘yung 15th. “Pupunta naman po ‘yung security team para ipakita-“

        Tinapat ko ‘yung palad ko sa mukha niya at natigilan siya sa pagsasalita. “May nakikita ka bang hawak ko o laman ng kamay ko?”

        Napaisip siya bago sumagot. “Wala po.”

        “That’s right. Wala. Parang pake ko sa mga susunod mo pang sasabihin. Wala. Kaya please lang, tumahimik ka na.” Binaba ko na ‘yung kamay ko at napahalukipkip na lang ulit.

        Pagbukas ng elevator door sa 15th floor, bumungad sa amin ‘yung pinto na may nakasulat sa gilid na control room. Agad akong lumabas ng elevator at diretsong tumungo doon. Hinarang naman ako kaagad ng isang guard. “Sandali lang, Miss. Bakit po kayo nandito?”

        “I’ve been waiting for an hour sa baba para lang makita ‘yung footage ng cctv sa iisang floor. Ganun ba kashunga ‘tong security team ninyo at inaabot ng siyam siyam para lang mag-rewind ng cctv!?”

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon