Prologue

77.8K 1.4K 56
                                    

        Silver body hugging dress, red pumps, silver aviator shades, loose curls and a red lips. Mariin kong tinapakan ang brake ng aking smokin’ hot red baby Sci sa tapat ng isang building. Pinatay ang makina, tinanggal ang seatbelt at dahan dahang lumabas ng sasakyan. Sexy and with poise. Sinalubong ako ng mainit na sinag ng araw. Pero syempre mas hot ata ako sa araw. I’m a goddamn lightning. A little trivia for you guys, lightning is five times hotter than the sun. You’re welcome.

        Binagsak ko ang pinto at nilingon ‘yung mga tao sa tapat ng building na nakatingin sa akin. Napalingon ang grupo ng mga binata sa akin habang tuloy tuloy na naglalakad. I gave them a smirk and waved a hand. “Hi, boys,” I seductively said. Napahinto naman ‘yung nasa pinakaunahan nila at sunod sunod na silang sumalampak sa likod ng isa’t isa. I flipped my hair and begun to walk towards the building’s entrance.

        Binuksan  ko ‘yung glass door at dirediretsong naglakad sa hallway. Halos lahat ng babaeng nakaupo at nakapila ay napatingin sa akin. Hindi ko sila pinansin at tuloy tuloy lang naglakad papunta sa pinakaunahan ng pila habang hinahatid ako ng mga tingin nila. Tanging ingay lang ng takong ko ang rinig sa hallway.

      Nang makarating na ako sa unahan, ngitian ko ‘yung lalaking tagabantay sa pinto. Nakanganga siya at tila naguguluhan kung diyosa ba o diwata ang nasa harap niya ngayon. “I’m here for the screening.”

        Bubuksan na niya sana ‘yung pinto ng may biglang umepal na boses ipis sa likod. “Hoy! Ang duga mo naman ata! Kaninang madaling araw pa kami nakapila dito tapos ikaw dirediretso lang diyan sa loob!?”

        Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Aba. Ang lakas ng loob ng babaeng ‘to ah. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Maganda naman. Kahawig ni Coleen Garcia. “Hindi mo ba kilala kung sino ako?” mataray kong tanong sakanya.

        “Bakit!? Kailangan ba kilala kita!? Hoy, pareparehas lang tayong mag-aaudition dito kaya ‘wag kang masyadong mag-inaso diyan!” sigaw niya sa akin.

        Kagandang babae balahura ang bibig. Dahan dahan akong lumapit sakanya at humawak sa isang bewang ko. “Hindi siguro uso ang socialite magazines sayo. Well, base palang sa tela ng damit mo,” hinawakan ko ‘yung dulo ng damit niya, “walang wala na sa tela ng basahan namin.”

        Kumunot lalo ‘yung noo niya at kitang kitang nanggigigil na sa galit.

       “’Wag kang magalit sa akin kung pinanganak akong mas nakakataas sayo. Hindi ko kasalanan ‘yun.”

        “Ang kapal naman ng mukha mo,” nanggagalaiti niyang sabi sa akin.

       “Makapal na kung makapal. At least hindi kasing kapal ng make-up na nakatapal sa mukha mo masabi mo lang na maganda ka,” nakangiti kong sabi sakanya.

        “Sino ka ba!?”

      Binaba ko ‘yung shades ko sa ilong ko at titigan siya sa mata. “’Wag kang mag-alala, dahil paglabas na paglabas ko sa pintong hinihintay nating pasukan lahat, makikilala mo kung sino ako. Baka nga pasalamatan mo pa ako.” Sinuot ko na uli ‘yung shades ko at muli siyang nginitian. “And one more thing, matuto kang gumalang sa mas nakagaganda sayo.” Tumalikod na ako at dirediretsong pumasok sa loob ng screening room. Dapat ganun lang, sassy yet classy. Hindi ‘yung para kang palengkera kung makasigaw.

        Huminto ako sa harap ng mahabang table kung nasaan ang tatlong lalaki. Nagniningning na ang mata ng mga manyak. Taas baba nila akong tinitignan. Binigyan ko sila ng mahiyaing ngiti.

        Biglang tumayo ‘yung isang lalaki at lumapit sa akin. “So, Miss, anong pangalan mo?”

      Nilarolaro ko ‘yung curls ko gamit ang index finger ko. “You can call me babe, darling, honey, sugar or anything you wanna call me,” I said in a flirtatious tone.

     Lumawak lalo ‘yung ngiti nung lalaking lumapit sa akin. Dahan dahan niya akong inikutan. Pagtigil niya sa harap ko, sobrang lapit na niya at magdidikit na ang katawan namin. “Bakit ka naman namin tatanggapin sa modeling agency na ‘to?”

   Modeling agency tatanungin kang bakit ka tatanggapin sa agency nila? Hindi ba dapat pinapagrampa nila ako at pinapagposing? Bakit ba ang daming magagandang shunga ang nag-aapply pa dito? Sabagay, kakasabi ko nga lang eh, magagandang shunga. “No. That’s not the question. The question should be, ‘Bakit hindi niyo ako tatanggapin sa modeling agency na ‘to?’” confident kong tanong.

        Tinignan niya lang ako at tila napaisip.

        “See? Wala kang maisip na sagot di ba?”

      Bigla siyang ngumiti at tinuro turo ako habang palingon lingon sa mga lalaking nasa table. “Gusto ko ‘to ah. Gusto ko ‘to.”

        Mas nilapit niya ‘yung katawan niya sa akin at humawak sa bewang ko. Sht. Sht. Sht. Konting tiis lang, Summer. ‘Yung isang kamay niya ay naglakbay sa likod ng hita ko paakyat sa loob ng skirt.

        Mayamaya pa, biglang tumigil ‘yung kamay niya at napakunot siya ng noo. “Ano ‘to? Bat may mahaba?” nagtataka niyang tanong habang ‘yung kamay niya ay nakahawak parin sa binti ko sa loob ng skirt.

       Tinanggal ko ‘yung shades ko at binato ito sa likod ko. Nginitian ko siya at bigla na lang sinuntok sa ilong. Napabitaw siya sa binti ko at napalakad paurong. Nagsitayuan ‘yung mga lalaking  nasa may table.

        Hinugot ko ‘yung baril na naka-holster sa loob ng skirt ko at tinutok sa noo nung manyak na nasa harap ko. I tilted my head and raised an eyebrow. “Surprise arrest, motherfckrs.”

        Mabilis na bumukas ‘yung pinto at narinig ko ng nagsisihiyawan ‘yung mga babae sa labas. Pumasok dito sa loob ‘yung ibang police officers at wala ng nagawa ‘yung mga gulat na gulat na manyakis.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon