Chapter 25

30.5K 688 51
                                    

        I crossed my legs and folded my arms as I sit in a steel chair at the back of the studio. The Vamp’s sped up version of Oh Cecilia repeatedly playing while I watch half of the candidates dance and catwalk in their high heels.

        Maraming salamat sa kung sino man ang nakaimbento ng eye concealer. Kahit papano hindi halata ‘yung eyebags ko. Pero hindi matatakpan ng eye concealer ang mata kong kanina pa gustong pumikit. Lagpas bente kwatro oras na akong dilat. Mag-aalas singko na ng madaling araw ako nakabalik sa kwarto ko kanina.

        Sa kagustuhan kong lumabas na sa elevator dahil sa akyat babang tingin ni Priscilla eh maling floor pala ‘yung binabaan ko. Sa 20th floor ako bumaba eh ang kwarto namin eh sa 18th floor. Bwisit. Ganda ganda ng exit ko tas mali pala ‘yung floor na binabaan ko.

        Pagdating ko naman sa kwarto, gumawa pa ako ng written report tungkol sa kinalabasan nung mission. At dahil bothered ako kung anong ginawa ni Trevor at Priscilla, kulang na lang itype ko eh ‘bitch kang Priscilla ka’, ‘bitch na punong puno ng garapata’, ‘bat di ka pa mamatay’, ‘mukha kang ulupong’, ‘ay, de, ulupong ka talagang malandi ka’, ‘masyado kang makati pati boypren ko napagkamalan mong pangkamot’, ‘aba, ang gwapong pangkamot naman ni Trevor’, ‘mamili ka kung saan kita ipapakamot, sa kuko ni Wolverine o sa lingkaw ni kamatayan?’, ‘sagot agad pundyeta’

        At dahil diyan, hindi ko nagawa ng maayos ‘yung report ko. Ang saya saya, di ba? Let’s clap our hands!

        Pagtingin ko sa phone ko bago humiga, alas syete na ng umaga at isang oras na lang kailangan ko ng mag-ayos para sa training. May ilang text at missed calls din si Trevor pero hindi ko sinagot. Baka mapagbutunan ko lang siya ng init ng ulo ko.

        At dahil isang oras na lang ang natitira, umupo na lang sa trono ang lola niyo. At habang nagbabawas, may pumasok na panibagong plano sa isip ko, na mamayang gabi namin gagawin.

        Mamayang gabi kasi i-iintroduce ang official candidates ng Binibining Filipina sa media. Kaya din nasa hotel si Trevor, at lahat ng sponsors, para sa paghahanda sa party.

        Ngayon eh nag-ppractice kami under sexy heels fitness club. Tinuturuan kami para sa short production number mamayang gabi. At dahil mataas ang tiwala ko sa sarili ko, hindi ko kailangan magpractice, galing galing kong sumayaw nung highschool at elementary ako eh. Champion ‘to tuwing may showdown sa corridor, noh.

        Hindi ko ulit kasama si Chai ngayon. Pumunta siya sa headquarters para i-submit ‘yung report ko at ihanda ‘yung gagamitin namin para mamaya.

        Tinignan ko si Hye Soo na nakaupo sa harapan habang pinapanood ‘yung ibang kandidata. Saka ko lang napansin na nandito na din si Trevor. Umupo siya sa tabi ni Hye Soo at nagbatian ‘yung dalawa.

        At kung hindi nga naman kasi talaga papansin ang babaeng ulupong, bigla bigla na lang humaharang at pumwesto sa tapat ni Trevor, at doon nagsasasayaw. ‘Ge, bwisitin mo pa ako lalo. Hindi pa sapat ‘yung pambbwisit mo kaninang madaling araw eh, di ba?

        Eh magpapatalo ba naman ako? Tumayo na ako at dumiretso sa tabi ni Priscilla. Tumabitabi ka, papakitaan kita paano sumayaw. Sinimulan kong sumabay sa ibang kandidata at sinayaw ‘yung steps na tinuro sa amin kaninang umaga.

        Umabante si Priscilla at mas lalong lumapit kay Trevor. Sinilip ko si Trevor pero sa akin siya nakatingin. Pinandilatan ko siya ng mata na nagsasabing subukan-mong-tignan-yang-nasa-harap-mo-makakatikim-ka-sakin.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon