Chapter 35

33.3K 648 40
                                    

I sit here on my knees, at the end of his bed, watching him asleep. Ganito pa lang ang feeling ni Edward Cullen habang pinapanuod matulog si Bella. Pakiramdam mo you had all the time in the world para kabisaduhin lahat ng features niya.

This is how he looks like when I first saw him. Magulong buhok, jawline na masarap tambayan and his slightly parted lips na mamaya ay gagawin kong almusal.

Ang biceps na nakadisplay buhat sa suot niyang white sando. Hay, nako, my Sleeping Handsome.

I started to crawl on top of him. Perfect ang kantang Animals ng Maroon 5 sa ginagawa ko ngayon. I rest my arms between his head, gently sit on his abdomen, and started to place warm and light kisses on his neck.

My lips reached his ears and I started to bite it softly. His breathing became heavy. I traced his jaw using my lips, his light stubble tickling me. Then my lips landed to his. I smile as I feel his hands finding its way to the small of my back through my legs. He responded on my playful kisses, my bite on his lips and my soft chuckles.

I break the kiss and open my eyes. Our eyes met. “Happy Birthday, handsome,” I greeted with a full smile.

“This is way better than a morning coffee or a birthday cake,” he said in his husky voice.

Umayos ako ng upo sa may binti niya at kinuha ‘yung relo sa bulsa ko. Inabot ko ‘yung kamay niya na nakahawak sa bewang ko at sinuot sakanya ‘yung relo. Bumangon siya at umupo. Inangat niya ‘yung pulso niya para tignan ‘yung relo. Nakangiti siya habang ini-eksamina ito. “It’s beautiful,” he whispered. Tinitigan niya ako sa mata at kitang kita mo ang saya sa mata at labi niya. He cupped my cheek, “Thank you, commander. But you are way more beautiful than this.”

“Hmp. Binobola mo naman ako eh,” pa-demure kong sagot.

“Aah, binobola,” nakangisi nitong sabi. Kinulong niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang kanyang mga palad saka ako pinaulanan ng halik sa labi.

Wala naman akong magawa kundi humagikgik. Sinubukan kong hulihin ang lower lip niya at malambot na kinagat ito. Nagtagumpay naman ako at saka binigyan siya ng malalim na halik.

Bumaba ang mga kamay niya papunta sa bewang ko. Inikot niya ako pahiga at pumaibabaw sa akin. Ramdam ko ang matigas at mainit niyang katawan sa akin. Mas lalong lumalim ang mga halik niya at unti unti ng bumibilis at umiiksi ang paghinga ko. Nag-umpisang maglakbay ang mga kamay ko mula sa tiyan niya, paakyat sa dibdib niya, hanggang sa makaabot sa leeg niya.

I want more.

My heart wants more.

My body wants more.

I break the kiss and look diretly into his eyes. Love and lust swamped in his eyes. “Boss,” hingal kong sabi. “I-“ naputol ang sasabihin ko, at napangiwi sa gulat ng biglang tumunog ang cellphone niyang nakatapat lang sa tenga ko. Parehas kaming napatingin dito.

Ms. Ye ang nabasa kong pangalan sa screen.

HY? Ano namang kailangan ni Hye Soo sa boyfriend ko?

Kinuha niya ito at tinignan ako.

“Go on,” sabi ko sabay tango.

Muli niya akong hinalikan sa labi at saka bumangon para sagutin ang tawag. “Good morning, Ms. Ye…” masigla nitong bati. Naglakad siya palayo at lumabas sa may terrace.

Tumayo na din ako at dumiretso papunta sa walk-in closet niya. Hinanda ko na ang suit and tie na isusuot niya ngayong araw. At dahil birthday niya, red slanted stripes ang pinili kong necktie niya.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon