Chapter 24

30.4K 733 55
                                    

        Itinali ko ng mataas ang buhok ko habang tinitignan ang kabuoan ko sa harap ng salamin. Tonight, I’m feeling sexy and free. Charot. Tonight, I am catwoman. F na F ni Summer Yeo ang kanyang catsuit outfit.

        Inayos ko ‘yung wireless earpiece sa tenga ko. Pati ‘yung mini microphone na nakaipit sa bra ko eh sinugurado kong maayos.

        Gagamit kami ng battery powered hoist machine na hahatak sa amin para mapadali ang pag-akyat namin ni Chai sa helipad. Ang plano ay magpapanggap na janitor ‘yung dalawang back-up. Nakatago sa mop bucket ‘yung hoist machine at sa mobile trash bin ‘yung mga equipments na iaakyat nila sa helipad.

        Mayamaya lang, narinig ko na ang boses ni Chai sa earpiece. “Commander sexy, malasadong itlog speaking. I’m with Channing Tatum and Matt Bomer already. Be ready in a sec.”

        Hinablot ko na ‘yung face mask na pang-Jabbawockeez sa dresser at dahan dahang binuksan ‘yung pinto ng aking kwarto. Madilim na sa labas. Mukhang tulog na din si Hazel. Diretso akong pumunta sa may balcony habang sinusuot ‘yung mask.

        Nandito na sa kanang gilid ng balkon ‘yung rappelling rope. Hindi naman magkakadikit ang balkon dito at may puwang na pader sa gilid ng bawat balkon. May puting panyong nakatali sa harang ng balcony palantandaan na ito ‘yung floor at kwarto ko.

        Inabot ko ‘yung tali at binuksan ‘yung carabiner sa may puson ko na nakakabit sa aking body harness. Ikinabit at tinali ko ito ng maayos. Hinatak hatak ko ‘yung rope pagkalock ng carabiner para masiguradong nakakabit na nga ito ng maayos.

        Inayos ko ‘yung gloves ko saka sumampa sa harang ng balkon at humawak sa pader. “Malasadong itlog, commander sexy ready to take off.”

        “Roger that,” sagot ni Chai.

        Hinawak ko ang dalawang kamay ko sa lubid. Bumwelo na ako at tumalon sa harang palayo sa balcony. Nilapat ko ‘yung paa ko sa pader sa gilid ng balkon at nagsimula na akong hatakin pataas ng lubid.

        Feels like spiderwoman, beybe. Nilakad ko ang paa ko sa pader habang hinihila ako ng lubid. Ramdam ko 'yung pagtama ng hangin sa akin. Finocus ko lang 'yung paningin ko sa pader na nilalakaran ko. Pinipigilan kong tumingin sa baba at baka mamaya eh masuka ako.

        Dito kami dumaan ni Chai dahil kung lalabas kami at gagamit ng elevator o hagdan paakyat sa helipad, makikita kami sa cctv at baka magtaka ‘yung security team at bantayan kami. Baka mamaya ay mainit ang mata ng mga ‘yun sa akin.

        Malapit na ako sa taas ng biglang huminto ‘yung pagandar. Nagtaka ako. Napatingin ako sa taas at bigla na lang akong dirediretsong bumagsak.

        Napatili ako pero mayamaya lang ay mabilis na tumigil ‘yung pagbagsak ko. Humigpit ‘yung harness sa katawan ko dahil sa pwersa ng pagbagsak at biglaang paghinto. “Aw!” Nagmuka akong swing dito at tumama ‘yung katawan ko sa gilid ng isang balkon. “Aw!” Anakng! Ang sakit nun ah! Nawala sa ayos ‘yung mask ko. Tinaas ko ito sa ulo ko at tumingin sa taas. Papatayin ata ako nitong mga ‘to eh.

        Napalingon ako sa kaliwang balkon ng marinig na bumukas ‘yung pinto. Fudge! Fudge! Fudge! Mabilis na kumabog ‘yung puso ko. Napatingin ulit ako sa taas. Anakngteteng wala ba silang balak na iakyat ako!?

        “Commander?” sabi ng isang sexyng boses na halatang kakagising lang.

        Mas lalong bumilis ‘yung tibok ng puso ko kulang na lang lumabas na siya sa dibdib ko. Dahan dahan kong nilingon ‘yung tao sa balkon. A sexy beast wearing an opened robe showing a glimpse of his firm chest appeared. Gulp.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon