Chapter 28

33.1K 730 64
                                    

        Pumarada na ‘yung sinasakyan naming bus sa tapat ng isang malaking gate at nagsibabaan na kaming mga kandidata. Nasa Silang, Cavite kami ngayon. Ang pagkakaalam ko community outreach ang gagawin namin ngayong araw.

        Pinapila kaming mga kandidata at pumasok na sa gate. Bungad ang malaking stone signage sa gilid at nakalagay ang Chosen Children Village. Madaming puno sa paligid. Sa gawing kaliwa ay may isang malaking bungalow. Pumasok kami sa loob at kanya kanyang pwesto sa monoblock chairs.

        Pumunta sa harap ang isang babae na naka-pormal. “Good morning, candidates,” bati niya sa amin. “Welcome to Chosen Children Village. For those of you who didn’t know yet, allow me to give a short background of what Chosen Children Village Foundation Incorporated is…”

        Hinanap ng mata ko si Hye Soo. Mukhang wala pa siya ah.

        Nagpatuloy lang sa pagsasalita ‘yung babae sa harap. “Our foundation is a home for physically and mentally challenged children. Our vision focused on giving them a home environment within a family setting…”

        Bakit wala pa si Hye Soo? Ang alam ko kasabay lang ng bus namin umalis ‘yung sasakyan niya.

        “You will be divided into 4 groups. Candidates 1 to 20 will be designated in the cottages were the toddlers and babies reside. Candidates 21 to 25 on the Javier Nutrition Center. Candidates 25 to 30 at School for our Chosen Children while the remaining 10 will go to different department of our rehab facility…”

        Nakatitig lang ako sa may pinto ng mapansin kong nagtayuan na ‘yung mga kandidata. Napatayo na din ako kaso hindi ko alam kung saan pupunta dahil nagkakanya kanyang direksyon na sila.

        “Ara,” narinig kong tawag sa akin ni Hazel. Napalingon ako sa direksyon niya sa may gawing kanan. “Tara, number 23 ka di ba? Sa may Nutrition Center tayo.”

        ‘Yun. Buti na lang. Lumapit na ako sakanya at sabay kaming lumabas. Kasabay namin ‘yung iba pang kandidata, isang staff ng orphanage at pageant facilitator na pumunta sa kabilang bungalow. Nakalagay sa taas ang ‘Javier Nutrition Center.’

        Parang isang malaking canteen dito sa loob. Tumuloy kami hanggang sa kusina. Malaki din ang kusina at may mga nakahandang mesa na may mga gamit pangluto.

        May isang lalaki na nasa gitnang mesa at nakatalikod. Mukhang busy sa kung ano mang kinakalkal niya. Naka-puting long sleeves polo at slacks siya.

        “Mr. De Venecia,” tawag sakanya nung staff. “The candidates are here.”

        Tinago niya ‘yung phone niya at humarap na sa amin.

        Napakunot agad ‘yung noo ko ng makita kung sino si Mr. De Venecia. Scarred guy!? Este Stephen!?

        “Candidates, Mr. De Venecia is also one of the volunteers today,” sabi sa amin nung pageant facilitator. “Siguro paminsan nakikita kita niyo na siya sa Hotel 8072 dahil siya ay head Chef doon. Mrs. Ye invited her to volunteer also. Siya ang mag-guiguide sainyo ngayon para maghanda ng healthy lunch para sa mga bata.”

        Kumaway sa amin si Stephen ng may ngiti. Sinagot naman siya ng mga kandidata ng ‘Good morning, Chef’ samantalang tinignan ko lang siya ng ‘ikaw-na-naman?’ look.

        “You can choose your respective tables, candidates,” huling sabi nung facilitator saka nagmadaling lumabas sa kusina para sagutin ‘yung tawag sa phone niya.

        Pumunta ako sa table na medyo malayo kay Scarred guy. May maliit na speaker sa table niya na nakakabit sa phone niya. Nag-umpisa na siyang mag-type.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon