Chapter 39

28.4K 600 35
                                    

        Hallway’s clear. Hye Soo’s in her room an hour ago. The clock at the bottom right of my netbook says it’s two o’clock in the morning.

        I heard a buzzing noise through my earpiece. “Ready for the action. Rope’s on it’s way to your balcony,” Veloso said.

 

        Sinara ko na ‘yung netbook at pinasok sa make-up box. Kinuha ko ‘yung theatrical mask sa gilid ng lababo at sinuot ito. I sneaked out and went to the balcony.

        I reached for the rope and locked the carabiner on my harness. Humawak ako ng dalawang kamay sa tali, “Commander sexy, ready for take off,” then the rope pulled me up.

        We’re on our way for OPLAN: Alamin Bakit Nagkukulong Si Hye Soo Sa Kwarto Niya. Tinext ako ni Chai habang kasama ko si Charles. May pumasok daw na lalaki sa kwarto ni Hye Soo. Sa pagkakatanda daw ni Chai, ‘yung lalaki din na ‘yun ang nakita niyang naka-unipormeng pang-doctor na pumasok sa kwarto ni Hye Soo noon. Ilang oras ang hinintay namin bago lumabas yung doctor. Then we came up in to a plan.

        Nasa helipad na din si Chai pagdating ko sa taas. Nilipat nina Manaloto at Veloso ‘yung machine sa gawing kanan ng building. Naunang bumaba si Chai dala dala ang isang backpack saka ako sumunod. Our destination is 15th floor again. But this time it’s the housekeeping room.

        Chai picked the lock of the balcony’s door. Dahan dahan niyang sinilip ang loob. She signaled an okay sign. Binuksan niya ng malaki ‘yung pinto at pumasok na kami. Lumapit ako sa main door at ni-lock ito.

        Puro cabinet at drawer dito sa loob. Pinagsisilip namin ang loob nito at naghanap ng uniporme ng mga housemaid. Nang mahanap ko ito, kumuha ako ng isa at tinawag ang pansin ni Chai. Binato ko ito sakanya at nasalo naman niya. Naghanap ako ng housekeeping cart habang nagpapalit na si Chai.

        Nakakita ako ng isa malapit sa may dulo. May kalakihan. Hinawi ko ang telang takip sa mini cabinet nito. May tatlong partition ang cabinet. Tsk. Hindi ako kasya. Sa gilid ng cabinet ang lalagyan ng garbage bag. Hanggang bewang ko ang taas nito. Mukhang kasya naman ako dito.

        “Mukha na ba akong housemaid?” tanong ni Chai sa likod ko.

        Nilingon ko siya. Suot niya ang pang-housekeeping na uniporme ng hotel at bobcut wig. “You should cut your hair in to that hairstyle. It suits you,” I gave her a compliment. Napaisip tuloy ako, hindi ko alam kung nasagot ko ba ‘yung tanong niya.

        I turn to look inside the garbage bag. An empty garbage bag. “Kasya na siguro ako dito.”

        “Sa basurahan?” di makapaniwala niyang tanong.

        “Fortunately, this one’s empty. I believe I asked for a Swiss knife.” I laid my hand to her.

        Inabot niya sa akin ‘yung dala niyang bag.

        Kinalkal ko ito at binulsa ‘yung Swiss knife. “Get some towels.” Nilagay ko ‘yung bag sa loob at pumasok na din ako. I sit in a fetal position. Saktong sakto ako dito sa loob.

        Sinilip ako ni Chai sa loob at tinabunan ako ng mga towel. “Leggo?”

        “Leggo.”

        Umandar na ‘yung cart at narinig kong bumukas na ‘yung pinto. Narinig ko ang pagbukas ng elevator. Employees elevator ang gagamitin namin.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon