Chapter 12

33.1K 784 27
                                    

        “There’s a hundred and four days of summer vacation and school comes along just to end it…”

        Dumukot uli ako ng Mr. Chips sa tabi ko habang pinapanood ‘yung opening ng Phineas and Ferb. Nag-mamarathon kami ngayon nila Chris at Mary Jane sa hospital. Hindi ko na nga alam kung pang-ilang episode na namin ‘to ngayong gabi. Magkakatabi kami ngayong nakahiga sa may sofa bed. Sa gitna namin ni MJ ay si Chris.

        Ilang araw ko ng hindi nakikita si Trevor. Ang sabi ng Daddy nila nasa Cebu daw ang convention at after daw nun may pupuntahan pa siyang business deal for del Julio group. Hindi ko na muna siya sinubukang tawagan ulit, baka mamaya makaistorbo lang ako. Hindi ko alam kung kailan ba siya uuwi. Basta ang sabi lang ni Tito June, pag na-close na daw ‘yung deal. Alam ko namang bumabangon uli ang del Julio group dito sa Pinas kaya iniintindi ko na lang.

        Umupo ako para uminom ng tubig. Pagkasilip ko sa dalawa, tulog na pala. Hininaan ko na ‘yung TV saka humiga ulit.

        Mayamaya lang ay dinalaw na din ako ng antok.

        Pakiramdam ko saglit pa lang ako nakakatulog ng maramdamang may mabigat na dumagan sa may tiyan at dibdib ko. Hindi ko naman alam malikot palang matulog ‘tong si Chris.

        Pagtingin ko sa may dibdib ko, nagtaka ako kung bakit parang lumaki ata ‘yung ulo ni Chris. Lumingon ako sa kaliwa ko at nakitang nakatalikod sa akin si Chris. Sinilip ko agad yung ulong nakapatong sa dibdib ko.

        Napangiti agad ako ng makita kung sino ‘yun. Hinawakan ko siya sa ulo at hinalikan. Humigpit ‘yung yakap niya sa akin at inangat na niya ‘yung ulo niya para harapin ako. Gising siya at mukhang pagod na pagod. Parang wala pang tulog.

        “I miss you,” he whispered at me. “Not seeing you feels like not seeing the sun anymore.”

        My lips trembled hearing it from him. “I miss you too.” I cupped his cheek and brushed my thumb on the circles under his eyes. “You look weary. Are you okay?”

        He smiled and nodded. “I am now.”

        Tignan mo ‘to. Pagod na’t lahat lahat, nagagawa pa din akong pakiligin. “How’s the business deal?”

        “It went fine. What are you doing while I’m gone?”

        “Thinking of you,” I said, smiling.

        He reached for my face and run his thumb on my lips. “I love you.” He leaned closer and gave me a quick kiss.

        “I love you too,” I murmured at him. I stared at his exhausted eyes. “You should get a decent sleep.”

        “I have to go in the office in an hour.”

        Napatingin ako sa orasan sa taas ng TV. Six o’clock na pala ng umaga. Akala ko madaling araw pa lang. “You’ve just got home from a business deal. Get some rest, boss.”

        “I’ll just read the reports from the COO then I’ll go home.”

        “Good.”

        “I’ll send your dress in your condo later,” sabi niya sabay upo.

        Napaupo na din ako. “Dress? For what?”

        “Did you forget? Tonight is George’s fashion show,” he said while brushing his hair.

        “Pupunta pa tayo? Eh kung nagpapahinga ka na lang.”

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon