Chapter 54

25.1K 643 23
                                    

Nakatingin siya sa aming dalawa ni Trevor. Nakangiti at nagniningning ang mga mata. "Good afternoon," bati niya at naglakad palapit sa amin. "Do you have a reservation?"

Nagkatinginan kami ni Trevor. We were both stunned. Sino ba naman ang hindi. Hindi ko mapapansin ang pinagkaiba nila ni Sung Ryeong kung hindi lang mahaba ang buhok niya. "Uhm..." balak ko na sanang magsalita.

Hye Soo gasps. Napatingin ulit kami sakanya. Namilog ang mata niya at napatakip ng kamay sa bibig. "Oh My God," she murmured. "You are Mr. Del Julio and Ms. Yeo, right?" gulat niyang tanong. Bakit kilala niya kami? Bigla siyang naghalungkat ng mga papel sa harap niya. "I'm sorry I haven't recognized you sooner. Please don't tell my sister. She might kill me," sabi niya sa tonong pabiro.

"Your sister," I mumbled.

Tumango siya at tila nakita na 'yung papel na hinahanap niya. "Yes. Sung Ryeong. You are her friends, right?"

"Friends," ulit ko sa sinabi niya. Kailan pa?

"She just emailed me this." Pinakita niya sa amin ang hawak niyang papel. Naka-print doon ang litrato namin noong nanalo ako sa shooting range contest sa Sporstfest. Magkakasama kaming tatlo pati na din 'yung ibang organizer at member ng PNSA. Sa kaliwa ko si Trevor at sa kanan naman si Sung Ryeong. "She told me you two will be having a tour here in Rio and you've asked for a tour guide," masigla niyang sabi. "Well," tinuro niya ang sarili niya, "I am willingly at your service!" Nilahad niya ang kamay niya sa amin. "The real Hye Soo Ye, co-owner and manager of Hotel Hae Inn, your personal tour guide for your whole trip in Rio de Jainero."

"Oh," I said under my breath. I didn't expect this. Really did not.

Kinuha ni Trevor ang kamay ni Hye Soo at nakipagkamay. "Trevor Del Julio."

"Pleasure to meet you, Sir," Hye Soo replied. "Allow me to personally accommodate you and Ms. Yeo." Lumabas siya sa front desk at tinawag ang isang bellhop ng hotel. Kinausap niya ito ng malumanay sa Portuguese. Tumango ang bellhop at kinuha na ang mga maleta namin. "Let's go to your room, shall we?" Lumakad na si Hye Soo at dumiretso papunta sa elevator.

Nagkatinginan kami ulit ni Trevor. Nagdadalawang isip kung dapat ba namin siyang sundan.


"Is there any problem?" nakangiting tanong ni Hye Soo na nasa loob na ng elevator at naka-hold sa button sa loob.

Umiling si Trevor at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Nag-umpisa na siyang maglakad at hinila ako papasok sa elevator.

"Ipanema beach is perfect for surfing lovers this winter," Hye Soo said as the elevator door closes. "The water is chilly but the beach still has a nice crowd. We'll start your itinerary tomorrow morning. For now you two should just get some rest from your flight. Or maybe later night you can walk around the beach if you'd like. I hope my sister gave you the list of itinerary I organized. I emailed it to her the night before your flight." Hindi naaalis ang ngiti niya habang kinakausap kami.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sakanya o matatakot. Sa mga oras na 'to naguguluhan ang mga facial muscles ko kung anong reaksyon ang ipapakita ko sakanya. So what I did is just give her my awkward smile. The fck are we doing?

Bumukas na ang elevator at sinundan namin siya papunta sa right hallway. Sa dulo ay may malaking pinto at nilabas niya ang hotel key card sa bulsa niya. Binuksan niya ang pinto at tumabi para papasukin kami. "The best suite Hotel Hae Inn can offer."

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Wala ka bang nakatagong baril or kutsilyo diyan? Muling hinatak ni Trevor ang kamay ko at inayang pumasok sa loob. Nilahad ni Trevor ang kamay niya kay Hye Soo bago tuluyang pumasok para kunin ang hotel key. Binigay naman ito ni Hye Soo. Medyo dumistansya ako ng magkasalubong kami baka mamaya bigla akong lagyan ng gripo.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon