Chapter 20

29K 671 22
                                    

        Sinuot ko na ‘yung blouse ko at nilingon ‘yung sarili ko sa salamin. Kinuha ko ‘yung towel na nakasabit sa upuan ng dresser at pinunasan ‘yung buhok ko.

        Kakatapos lang ng photoshoot at balik ang mga kandidata sa kanikanilang kwarto. And speaking of candidates, turns out the girl who was hugging my boyfriend a while ago is also a Binibining Filipina candidate. Tsh. At habang nagpo-photoshoot, walang ginawa ‘tong si gurlat kundi sumunod sa boypren ko.

        Nag-usap kami ni Trevor ng masinsinan bago bumalik sa skypark. Napagkasunduan namin na hindi kami pwedeng umarteng magkakilala. I can do that. Best actress kaya ako.

        Nag-vibrate ‘yung phone ko sa dresser. Binasa ko ‘yung text galing kay Trevor.

        Lobby. Near the stage. Waiting for you…

 

        Sinabit ko na ‘yung towel sa likod ng pinto saka lumabas ng room. Pagdating ko sa tapat ng elevator, narinig ko ‘yung boses ni Priscilla na papalapit. “He’s actually the owner of Machismo magazine.”

        “’Yung men’s magazine?” tanong ng kasama niyang babae. Huminto sila sa likod ko. Mukhang makakasabay ko pa ‘to sa loob ng elevator ah.

        “Yeah. Such a hottie, right?”

        Bumukas na ‘yung pinto ng elevator at sumakay na din ako. At tama nga ako, kasabay ko sila pababa. Dinner na kasi at pinapababa ni Hye Soo lahat ng kandidata para sabay sabay na kumain. Pinindot ko na ‘yung ground floor.

        “Bakit naman siya nandito?” tanong ulit ng kasama niya. Tingin ko PA niya.

        “Sabi niya isa daw sila sa mga sponsors. Tsaka nagbukas daw ‘yung company nila ng art and photography magazine at i-fefeature daw ang Filipina beauty. But you know what? I think he’s here for me. Destiny works in mysterious ways.”

        Bigla akong naubo. Wow severe. Lakas din pala ng tiwala sa sarili nitong babaeng ‘to eh. Napalingon lang sa akin ‘yung kasama ni Priscilla at nginitian ko lang siya.

        “Paano mo naman nasabi?” kinikilig na tanong nung kasama ni Priscilla.

        “Can’t you feel the connection between us kanina? We’re just so perfect together.”

        “I know right, girl.”

        Napa-cross arms na lang ako sa narinig ko. Isa pang banat nito, babanatan ko na talaga ‘to.

        “Just wait and see, magkakabalikan din kami,” sabi ni Priscilla na may malawak na ngiti. ‘Ge, ngiti pa, malapit na gagawin kong bibig ni joker ‘yang bibig mo. Kairita.

        Nakarating na kami sa ground floor at muntik ko ng sipain palabas ‘tong Priscillang ‘to. Dahil mabait ako, syempre hindi ko gagawin ‘yun. Naglakad na sila papunta sa left wing kung nasaan ‘yung mga restaurant. Samantalang dumiretso naman ako sa may lobby.

        Sa may left side ako umupo. Malayo kay Trevor. Nasa may stage siya malapit nakaupo. Sinagot ko ‘yung phone ko ng tumawag na siya.

        “Told you I’ll behave,” Trevor said over the line.

        “May kasalanan ka pa sa akin,” mataray kong sabi ng hindi tumitingin sa gawi niya. “We haven’t talked about that Priscilla yet.”

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon