Chapter 7

38.8K 793 28
                                    

        In my gold dress and nude pumps with my white satchel bag, I entered the glass door of the BFCI office. Napatingin kaagad sa akin ‘yung babaeng nasa front desk. “Hi! Here for the Binibining Filipina screening?”

        I gave her my sweetest smile. “Yes.”

        “Your name please?”

        “Armanda Godongwae.”

        Sinearch niya ‘yung pangalan ko sa monitor sa harap niya. “Please proceed to Estella Hall at the second floor. Good luck!” mabait niyang sabi sa akin.

        “Thank you.”

        Sumakay ako sa escalator at paakyat pa lang ako, kita ko na ‘yung mga babaeng nakapila. Karamihan may mga kasama. Handler or manager siguro. Oookay. Summer, kaya mo ‘to. I step out the escalator at pumunta sa dulo ng pila. Kailangan ko talagang pumila? Hindi ba pwedeng tutukan ko na lang uli ng baril ‘yung mga judge at sabihin ipasok nila ako? Malamang, Summ. Malamang makapasok ka pagginawa mo ‘yun.

        Ilang segundo pa lang akong nakapila dito sa dulo, pero gusto ko ng pasabugin ‘tong BFCI. Seryoso silang pinapapila nila mga aplikante nilang naka 6-inch heels? Aaaysh. Beauty pageant nga kasi ‘to, Summ. Masanay kang nakatayo magdamag ng naka 6-inch.

        Nagugutom na ako. Gusto ko ng fries, cheeseburger tsaka spaghetti. Teka, natatae na ata ako. Bakit kasi ako nag-milk tea kanina? Kumakalam ‘yung tiyan ko. Hindi ko ma-identify kung najejerbaks ako o natutomguts.

        Sinilip ko ‘yung mga babaeng nakapila sa unahan ko. Lahat sila nakangiti at posturang postura. Gagandang babae. Pansin kong kokonti lang ang independent candidate o ‘yung mga walang kasamang manager. At kabilang na ako dun. Pero walang lugar para sa akin ang kaba sa mga makakalaban ko ngayon, bukod sa tiwala ako sa ganda ko, mas kinakabahan akong ma-disappoint sa akin si Chief dahil hindi namen matutuloy ‘yung mission. May kanya kanya tayong ganda. Nasa nagdadala ‘yan. And that’s what makes your beauty stand out. Kung paano mo ‘to dadalhin gamit ang confidence mo. Aja? Ajaaa!

        Malapit na ako sa entrance ng hall ng lumingon sa akin ‘yung nasa harap ko. Nagkatinginan kame kaya ngumiti na lang ako. At nginitian din naman niya ako. She has sun-kissed skin and long copper brown hair. “Hi,” bati niya sa akin. “My name’s Hazel. Hazel Evangelista.”

        “Armanda Godongwae.” Inabot ko ‘yung nakalahad niyang kamay sa akin. “But you can call me Ara.”

        “Nice to meet you, Ara.”

        Ara. Para malapit lapit sa Era. Hindi ako maninibago pagtinatawag ako. Para na din malakas maka Miss Universe  2013 fourth runner-up Ara Arida.

        Pagpasok ko sa loob ng hall, nasa may mahabang table ‘yung apat na judges. Dalawang babae at dalawang lalaki. Sa tapat nila ay may tig-iisang laptop na nakabukas. Isang mestizang singkit ang nakaagaw ng pansin ko. Pahabang mukha, maiksing buhok na kulay itim, makinis at maputing balat, singkit na mata at matangos na ilong. Palagay ko kilala ko na siya. Ginawa ko na ‘yung isang bagay na nakalimutan kong gawin bago sumabak kay Trevor noon. Na bukod sa aralin kung papano magiging matagumpay ang pagpasok sa mission, aralin din agad kung anong itsura ng iimbestigahan. Finally, Ms. Ye Hye Soo, nagkita din tayo.

        ‘Yung isang babae ay may mahabang itim na buhok at kayumangging balat. ‘Yung dalawang lalaki ay parehas maputi at may itsura. ‘Yung isa naka black long sleeved polo samantalang ‘yung isa ay green.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon