Chapter 23

29.3K 715 27
                                    

        Tinanggal ko na ‘yung earphones sa tenga ko ng huminto na ‘yung shuttle bus na sinasakyan namin. Isa isa ng nagtayuan ‘yung mga kandidata at bumaba.

        Nasa Tomas Morato kami ngayon. Today’s destination is a make-up studio.

        Dirediretso kaming pumasok papunta sa loob ng studio. Para kaming nasa loob ng make-up shop. Kaliwa’t kanan pati sa gitna, may mga stand ng mga make-up. Iba’t ibang kulay ng eyeshadow ang nasa aisle. Sa kanan ang iba’t ibang tone ng foundation at blush-on. Sa kaliwa ay ‘yung mga lipstick at ibat-ibang klase ng cream.

        Naglakad kami hanggang sa pinakadulo at pumasok sa isang kwarto na mistulang mini-auditorium.

        May mga steel chairs sa tapat ng platform. Nasa may platform ang ilang vanity dresser.

        Nagmadali akong maglakad at inunahan na ‘yung ibang kandidata ng makita kung saan nakaupo si Hye Soo. Kailangan matuloy ‘yung binabalak ko ngayong araw.

        Tahimik akong umupo sa tabi niya. Sinisilip ko siya sa gilid ng mata ko. Hindi niya ako nilingon at nakatingin lang sa harap.

        May isang lalaking kalbo na nakapormal ang umakyat sa platform. “Good morning, gorgeous candidates of Binibining Filipina,” masigla nitong bati sa amin. “I am Steve Georgio, the co-founder of Le Make up Studio Team. Our team is pleased to be part of the Philippine’s prestigious beauty pageant’s training. We will help you practice the make-up techniques to achieve your timeless look and never go out of style…”

        Patuloy na nagsalita ‘yung lalaki pero hindi ko na siya binigyan ng atensyon.

        Biglang tumayo si Hye Soo at naglakad papunta sa likod. Napatingin ako sa upuan niya. Iniwan niya lang ‘yung bag niya. Nilingon ko siya sa likod at dirediretso siyang lumabas ng mini-auditorium. Bumalik ‘yung tingin ko sa bag niya. I raid ko na kaya ‘to?

        Kaso may tao sa likod namin at baka mamaya akalain pang klepto ako. Nawala ‘yung atensyon ko sa bag ng mapansin ‘yung flash ng camera. Nasa gilid ng platform ‘yung photographer na nakasuot ng Artography shirt. Kinukunan niya si Mr. Georgio sa stage habang nag-dedemo ng make-up kay Priscilla. Tsh. Napaikot na lang ako ng mata.

        Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa din bumabalik si Hye Soo. Tumayo muna ako at lumabas ng mini auditorium. Napatigil ako sa paglalakad ng makita si Trevor na papunta naman sa auditorium. Napatigil din siya sa paglalakad ng magtama ‘yung tingin namin.

        Para kaming hindi magkakilala dito na tumigil ang mga mundo at na love at first sight sa isa’t-isa.

        Sinimulan ko ng maglakad pero hindi pa din namin tinatanggal ang titig sa isa’t-isa. Ano baaa. Nakakatunaw kayaaa. Nakakatunaw ng puso. I miss you badly, boss. I wanted to hug you.

        Nahiwalay lang ang tingin ko ng lumagpas na ako sakanya. Diretso akong lumabas ng studio. Lumapit ako sa guard at nagtanong, “Kuya, saan po may malapit na convenience store o coffee shop dito?”

        Tinuro niya ‘yung kabilang building sa tawid at nakita ko ‘yung maliit na coffee shop doon. Tumakbo ako patawid at tumungo sa shop.

        Umorder ako ng macchiato. Sa may couch ako umupo malapit sa bintana. Kinuha ko ‘yung magazine sa coffee table at ayun na lang ang binasa habang hinihintay ‘yung order ko.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon