Chapter 34

30.3K 638 152
                                    

        Binuksan ko ang wifi sa phone ko at kumonekta sa wifi ng hospital. Dumekwatro ako at nilubog ang sarili sa pagkakaupo dito sa couch, kulang na lang humiga na ako.

        Nagbukas ako ng browser at sinearch ang Maurin Sato. Hiniwalay ko muna ang paningin ko sa screen ng phone habang nag-loload ito, sinilip ko si Chris na nakaupo sa tapat ko habang naglalaro ng COC at si MJ na nasa tabi ni Chris na nagbabasa ng Just One Day ni Gayle Forman.

        Pagkatapos ng training kaninang umaga, dumiretso kaming mga kandidata sa Cubao para sa fitting ng national costume at gowns. Karamihan ng mga designer ay mga taga-Cebu. Nakita namin ‘yung ibang mga gawa nila at mapapahanga ka nga naman talaga sa talento ng mga Pinoy.

        Katulad ng dati, diretso pa din si Hye Soo sa kwarto niya pagdating sa hotel. Nag-iisip na kami ng plano ngayon ni Chai kung papaano namin mapapasok ang kwarto niya.

        Lumabas na ang search result at muli kong tinuon ang atensyon sa phone ko. No public news or press release about her. ‘Yung ibang resulta ay mga kapangalan niya lang. Pinaka-una sa resulta ang website ng Sato Hotel Group. Pinuntahan ko ito. Good thing mayroon itong language option. Nilagay ko ito sa Ingles.

        Mukhang kilala at popular na sa Japan ang kumpanya na ito. Madami na silang napatayong hotel sa iba’t-ibang dako ng Japan. Kabilang dito ang Osaka, Tokyo, Kyoto, Hiroshima, Fukukoa, Okinawa at madami pang iba.

        Pumunta ako sa About Us tab ng site. Binasa ko ang Hotel Overview nila, tulad ng nabasa ko sa Home nila, nag-ooperate sila sa iba’t-ibang dako ng Japan. Hinanap ko ang expansion nila dito sa Pilipinas, pero hindi ito nabanggit.

        Sa baba ay nakalagay ang Corporate Executives. Yoshiko Sato ang tumatayong CEO ng hotel group. Malaki ang pagkakahawig niya kay Rin. Para silang pinagbiyak na bunga. Hindi ka na magdadalawang isip kung siya ang nanay ni Rin.

        Sa tabi niya ay ang litrato ni Maurin Sato, COO ng kumpanya. Maurin Sato. Wala pang De Venecia. Ini-scroll ko pababa ang site papunta sa footer.

        Copyright 2012 Sato Hotel Group Japan. All Rights Reserved.

        The site is not updated.

        Nagbukas ulit ako ng panibagong tab at sinearch naman si Yoshiko Sato. Ini-scan ko ang search result. Binuksan ko ang isang article ng may mabasang has died at the age of 52.

                TOKYO- Japan’s hotelier and property tycoon Yoshiko Sato, succumbed to heart failure at the age of 52 after being treated for an unspecified illness.

        Nakasaad dito na namatay siya noong June 23, 2013. Isa lang ang anak niya at wala siyang asawa. She inherited her wealth through her family.

        The rest of the article ay patungkol na sa kung papano naitayo ng pamilya niya ang hotel.

        Yoshiko Sato is already dead, which means Sato Hotel Group is now owned by her only heiress, Maurin Sato.

        Sunod kong sinearch ang Sato Hotel Group. Lumabas ang mga artikulo tungkol sa mga opening ng hotel nila at mga blogs.

        Sa pinakababang artikulo, nabasa ko ang HY Beauty… at Sato Hotel… sa summary ng isang blog. Binuksan ko ito.

        Traveler ang may-ari ng blog. Nabanggit niya na once siyang nakapunta sa isang HY beauty boutique sa Korea at nagustuhan niya ang service nila. Kaya naman natuwa siya ng malaman na HY Beauty ang nag-ooffer ng beauty and fitness centre sa hotel na pinagtutuluyan niya. Sato Hotel in Tokyo.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon