Chapter 33

28K 642 40
                                    

        Sinuot ko ang jacket ko at sinarado ang zipper nito hanggang dibdib. Kinuha ko ‘yung cap sa bedside table, lumabas, at ni-lock ang kwarto ko.

        Tinawagan ko si Detective Suarez kanina. Gusto ko siyang makausap tungkol sa nadiskobre ko kanina since involved ang PH’s Finest.

        I hailed a cab and told the driver to take me to Blue Wave Marquinton.

        Binabantayan ko ‘yung front view mirror at baka may sumusunod na sa akin. Sinuot ko ‘yung cap ko at inabutan ng bayad ‘yung driver paghinto niya sa Blue Wave. Pumasok ako sa coffee shop at hinanap si Detective Suarez. Agad ko naman siyang nakita. Inaasahan kong kami lang dalawa ang magkikita kaso mayroon pala siyang kasama. Babae din.

        Lumapit ako sakanila at bumati. Magkatabi sila at umupo ako sa tapat nila. Napatitig ako sa kasama ni Detective Suarez.

        “Remember her?” tanong sa akin ni Detective Suarez.

        Napailing lang ako.

        “Kasama namin siya nila Chief dumalaw sayo noon nung nagising ka from coma. ‘Yung nakasama din namin sa operasyon noong Hotel Valiant incident,” kwento niya.

        Oh. I now remember her. Siya nga ‘yung isa pang babae na hindi ko kilala pero kasama nilang dumalaw noon. “Nice to see you again,” bati ko sakanya sabay abot ng kanang kamay.

        Binigyan niya ako ng ngiti pero tinignan niya lang ‘yung kamay ko. “Nice to see you too.” Imbis na iabot din sa akin ang kanang kamay para makapag-shakehands kami, kaliwa ang nilahad niya.

        Tinitigan ko ang kamay niya at nagtaka. Baka kaliwete lang. Ganun ba pag kaliwete? Kaliwa din pinapang-shakehands? Binaba ko na lang ang kanang kamay ko at kaliwa ang inabot sakanya. “May I know your name?”

        “Detective Fuente,” tipid niyang sagot.

        Gusto ko sanang itanong kung bakit kailangan kasama siya dito. Kaso ang bastos naman ata ng dating.

        “So, ano na nga pala ‘yung pag-uusapan natin, Officer Yeo?” tanong sa akin ni Detective Suarez.

        “Magkatrabaho kayong dalawa?” tanong ko sakanila.

        Tumango naman si Detective Suarez. “We’re currently working for a same case. Saktong napatawag ka nung papunta na kami sa headquarters para aralin ‘yung kaso. Ibababa ko na lang muna sana siya doon. Kaya lang sumama na siya para din makita ka ulit.”

        “Ah, ganun ba,” walang gana kong sagot. Makita ako ulit? Bakit, close ba kami? “Oorder muna ako ng kape para sa atin.” Tumayo ako at pumunta sa counter.

        I’m not comfortable with that Detective Fuente around. Lumingon ako para silipin sila, nagtama ang tingin namin ni Fuente pero inalis niya din agad ‘yung tingin niya sa akin.

        Okay, kasama siya sa operasyon sa Hotel Valiant at dinalaw niya ako nung magising ako. I don’t even know her name. Ngayon lang. Kung kasama siya sa Hotel Valiant incident, malamang kilala niya ang PH’s Finest.

        I don’t think I should say a word about PH’s Finest right now. I still don’t know who the hell this Detective Fuente is. This mission is giving me trust issues.

        Pagbalik ko sa table namin, inabot ko sakanila ‘yung mga kape at donut nila. Umupo ako sa tapat ni Fuente.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon