CHAPTER TWENTY-TWO

17.6K 244 102
                                    

[KATHY'S POV]

"N-naiintindihan ko." Pagsisinungaling ko kay Damon.

"I just came here to see you and to make sure that you are okay."

"I-I'm fine."

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. Hindi ko na napigilan ang sakit. Hindi ko na kaya ang pagpapanggap na ayos lang ako.

Tumayo ako saka ko siya biglang niyakap.

"I-I'm sorry ... Gusto lang kitang yakapin kahit ngayon lang. Gusto ko lang maramdaman na nandito ka bago mo ako iwan."

Naramdaman ko ang mga braso niya na dahan-dahang yumayakap sakin.

"I want you to live your life without me Kathy. I need you to be strong. I want you to stay safe. Dahil hindi na kita kayang protektahan kagaya ng dati. Hindi ko na magagawang bantayan ka sa lahat ng oras."

Para akong biglang namatay nang marinig ko yon. Sana pinatay na lang ako ni Damon. Sana namatay na lang ako.

"Damon ..." Halos hindi na ako makapagsalita. Iyon na lang tanging kaya kong sabihin sa lahat ng sinabi niya.

"I have to leave."

"No." Humigpit ang yakap ko sa kanya. "Dito ka lang ... please, ditto ka lang." Pakiusap ko sa kanya.

Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakayakap niya sakin. Saka niya unti-unting inalis ang mga yakap ko.

"I'm sorry Kathy ..."



Yun na ang huling beses na kinausap ako ni Damon.

Lumipas ang mga oras at araw. May mga pagkakataon na nakikita ko si Damon sa school pero hindi niya ako kinausap, hindi niya ako pinapansin. Nasa iisang lugar kami minsan pero pakiramdam ko ay nasa magkaibang mundo kami. Ang layo-layo niya, sobrang layo niya sakin.

Nagsisisi ako sa lahat.

Bakit ba hindi ko siya pinagkatiwalaan?

Bakit ba hindi ko siya binigyan ng chance na mahalin ako?

Bakit ba hindi ako pumayag sa gusto niya?

Bakit ba hindi ko na lang hinayaan ang sarili ko na ... mahalin siya?

"Kathy, tulala ka na naman." Puna ni Sthep sakin habang nakaupo kami sa lobby. "Kung si Damon na naman yan, tama na. Mababaliw ka lang sa pag-iisip sa kanya."

"Alam mo ba Chum kung sino ang pinakamaswerteng tao sa mundo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa malayo.

"Sino?"

"Yun ay yung taong mahal ng taong mahal ko." I took a deep breath to calm down myself. I'm about to cry again and I'm tired of it.

"Bakit hindi mo subukang sabihin sakin kung ano ang nararamdaman mo? Maiintindihan ko naman. Pipilitin kong intindihin ka Chum. Bestfriends tayo di ba?"

Tumango ako. "Kung sasabihin ko bang nagmahal ako ng demonyo, maniniwala ka ba?"

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Sthep. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na ikinukwento sa kanya ang mga hindi kapani-paniwalang pangyayari sa buhay ko.




Hindi ko alam kung paano kami inabot ng gabi ni Sthep sa lobby. Siguro, sa haba na rin ng mga naikwento ko sa kanya.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon