30.

16.2K 694 305
  • Dedicated kay Sa nagbabasa nito!
                                    

BARBIE GIRL
EPILOGUE

(Daniel)

Daniel,
Hi, Daniel!! May trivia ako para sayo. Alam mo ba na first time kong gawin ito sa isang boy? First time kong magsulat ng isang letter para sa isang lalake! Ang amazing ng trivia ko 'no? Anyway, dapat nakasmile ka habang binabasa mo ito. Aba! Ibig sabihin, special ka sa heart ni Manika. Ibig sabihin, mahal talaga kita. Daniel, salamat, ah? Kasi pinaramdam mo sa akin ang mainlove. Ang sarap mainlove kahit alam mong masasaktan ka. Kaya kong i-risk 'yun. Kasi alam kong worth it. Alam kong worth it ka, Daniel. Masaya ako kasi kahit papano nagising ka sa katotohanan. Na kahit hindi ka naniwala sa akin sa una, nagising ka pa rin sa reality. Kahit hindi mo ako mahalin, okay lang. Gusto ko lang maging happy ka. Kasi nagiging happy din ako.

Xby ads

Naalala mo ba noong first day ko dito sa Planet Earth? Super gwapong-gwapo ako sayo. Mas handsome ka pa sa mga boys sa Barbie World.  Pero super duper suplado mo. Hindi ko nga alam kung bakit galit na galit ka sa akin. Ngunit sa una lang pala 'yon. Narealize ko na may nagc'care pala sa akin. Ang sarap sa feeling. Parang ang magical. Hindi ko ineexpect na aabot pala tayo dito. Sa point na maiinlove ako sa isang mortal. Imposible kasi. But then, walang imposible sa love. Iyan ang natutunan ko sa Barbie World. Ang isa ko pang na-learn ay dapat hindi ka nage-expect. Kapag love mo 'yung isang tao, dapat wala kang hihingin pabalik. Mahal mo siya, tapos. Bonus nalang kapag mahal ka rin niya pabalik. Hihi! Feeling ko tuloy official tao na ako! Hihi! <3

Daniel... si Sam, alam kong magkakaayos din kayo. Alam kong magbabalik ang dati niyong samahan. Sorry, ah? Sorry kung nasira ang friendship niyo dahil sa akin. Pero wag kang mag-alala, pag natapos ko na ang misyon ko, makakalimutan na ako ng lahat. At itong letter ko? Magiging abo nalang ito. Mawawala na ito sa mind mo. Gusto kong sabihin sayo na wag mo akong kalimutan. Ayaw kong makalimutan mo ako. Ayaw kong makalimutan kita. Pero ito, ito ang imposible. Sorry, Daniel. Sorry kung sobra na akong nagiging pabigat.

Daniel, gagawa ako ng isang desisyon. Super duper hard ng mga choices. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Hindi ko alam kung anong tama. Hindi ko alam kung anong dapat. Ang hirap kasing pumili. Parang kailangan mong pumili sa dalawang bagay na gustong-gusto mo. Sana, sana hindi ako magsisisi sa gagawin kong desisyon.

Xby ads

Hanggang dito na lang, Daniel. Hindi pa ito sapat sa mga days na nakitira ako sa inyo. Hindi pa ito sapat sa kabaitan niyo. Pero hanggang dito na lang ang makakaya ko. Tsaka medyo masakit na rin kamay ko sa pagsusulat nito, eh. Hihi! Daniel, favor, ah?

Smile.

Be happy.

Love,
Your Barbie Girl.

"Manika naman. Ba't mo ko pinapaiyak?" Mahina kong saad. "Ba't ganun? Bakit lahat sila nakalimutan ka na? Bakit ako... bakit hindi kita kayang makalimutan?"

Napaupo ako sa sahig at tumingin sa langit.

"Manika, hinding-hindi kita kakalimutan. Kaya pwede bang bumalik ka na? Naniniwala akong babalik ka. Bumalik ka, please?" Pakiusap ko sa hangin at ibinato sa dagat ang boteng naglalaman ng sulat ko para kay Kathryn, para kay Manika.

Kahit kailan, hindi ka mawawala sa puso ko, Manika.

"Kathryn, mahal kita."

At naniniwala akong magkikita ulit tayo, Manika. Hanggang patuloy na tumitibok ang puso ko, alam kong muli tayong magkikita...

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon