20.

13.4K 383 65
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER TWENTY

(Kathryn)

"Hindi ako inlove." Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Huhuhu. Ilang araw na akong nababahala sa sinabi sa akin ni Trina. Pero hindi pa rin ako naniniwala. Kilala ko ang sarili ko. Alam kong hindi ako inlove. Nagagwapuhan lang talaga ako kay Daniel. "Hindi ka inlove, Kathryn. Maganda ka lang. Pero hindi ka inlove, okay?" Pagkukumbinsi ko sa aking sarili.

Tiningnan ko ulit ang itsura ko sa salamin. Ilang segundo rin ako nakipagtitigan sa sarili ko. Omo! Pakiramdam ko nagiging crazy na ako. Ginulo ko ang aking buhok sa sobrang frustration. 

"Ate Ka-, OMG!" Napatalon ako nang biglang bumukas ang pintuan at sumigaw si baby Xyriel. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Anong ginawa mo sa ate Kathryn ko? Ibalik mo siya sa amin! Wag mo siyang kunin!!" Sigaw ni baby Xyriel sa akin.

Omo! Hindi naman ata ako ang nababaliw. 

Feeling ko si baby Xyriel ang tunay na crazy. Hihihi!

"Baby Xyriel, okay ka lang ba?" Lumuhod ako para magkasingtangkad lang kami ni baby Xyriel. Kumalma naman si baby Xyriel at bigla akong niyakap.

"Nakakatakot ka naman, ate, eh! Akala ko iiwan mo na kami." Bumitaw si baby Xyriel at tinuro ang mukha ko. "Bakit ba kasi ang gulo ng buhok mo, ate? No offense pero mukha kang monster." Malambing na pahayag ni baby Xyriel.

Dahan-dahan akong tumingin sa salamin para may suspense at omo! Para nga akong monster. Kamukha ko 'yung babae sa isang show sa ABS-CBN. 'Yung babaeng hairy. Dali-dali akong kumuha ng suklay at sinuklay ang mahaba kong buhok.

"Uwaa! Baby Xyriel, sorry kung natakot kita. Ano palang kailangan mo? Bakit ka biglang pumasok ng room ko?" Nakangiting kong tanong kay baby Xyriel.

Tinaasan naman ako ng kilay ni baby Xyriel! Omo, cute, cute!! "Duh?! Ate Kathryn, hindi mo ba alam kung anong date ngayon? Hindi mo ba alam kung anong meron ngayon?!"

"Ah, Saturday?"

"Yes, ate. At anong meron ngayong Saturday?" Tanong ulit ni baby Xyriel.

Napaisip ako. Ano bang meron ngayong Sabado? Wala naman akong pupuntahan kasi wala akong klase tuwing Saturday. So, bahay mode lang ak-, OMO! Alam ko na kung anong meron ngayong Sabado. "May date si Daniel at si Mich!" Sigaw ko.

Ngumiti si baby Xyriel. "Very good!"

"O, anong meron?" Tanong ko kay baby Xyriel.

Tinaas niya ulit ang kilay niya. "Duh?! Edi mags'stalk tayo. Susundan natin sila sa kanilang date. Para tayong mga secret agents, ate Kathryn!"

"What? Baby Xyriel, ayaw ko. Date nilang dalawa 'yun. Bad kapag nanggulo pa tayo." Sabi ko kay baby Xyriel kahit gusto ko talagang sumama. Gusto kong malam kung anong pag-uusapan nila dalawa. Omo!! Ang bad ko na talaga. Feeling ko tuluyan na akong sinapian ng bad spirit.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon