27.

10.8K 450 196
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER TWENTY SEVEN

(Daniel)

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si mama. Hindi kasi sinasagot ni Kathryn ang cellphone niya. Nag-aalala ako para sa kanya. Gusto ko siyang kausapin ko. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Gusto kong magsorry sa kanya. Sana hindi pa huli ang lahat.

"Ma!"
"O, 'nak, napatawag ka?"

"Ma, nandiyan po ba si Kathryn?"
"Ha? Diba kasama mo si-,"
"Wala po diyan si Kathryn?"
"Wala pa siya dito, 'nak. Hindi rin siya nagtext sa akin."
"Ma, tawagan niyo po ako kapag umuwi na siya."
"Teka, ano bang nangyayari?"
"Ma... hahanapin ko po si Kathryn."

Tinapos ko na ang tawag at nilagay sa bulsa ng pantalon ko ang aking cellphone. Hindi na ako nagpaalam pa sa prof namin. Hindi ko na rin kinuha ang mga gamit ko.

Kailangan kong mahanap si Kathryn.

Manika... nasan ka ba?

(Kathryn)

Feeling ko umiikot pa rin ang Planet Earth. Nandito kami ngayon sa banyo ng isang hospital. Ginamit ni Tita Kristine ang magic niya para mag-travel sa place na ito. Bago raw niya sabihin ang katotohanan, kailangan ko munang makita ang pinanggalingan ko. Hmm, weird!

"Dati po ba akong nurse?" 

Hinampas ako ni Tita Kristine sa braso. "Aigoo. Wag ka munang maingay." Mahina niyang sabi sa akin. May kinuha siyang dalawang necklace sa dala-dala niyang bag. Hmp! Ang daya ni Barbie Superior. Pwede niyang dalhin ang mga gamit niya kahit saan! "Ya! Suotin mo 'to." Inabot niya sa akin ang isang pink necklace. At dahil maganda ako at masunurin, sinuot ko ito. Napangiti naman si Tita Kristine at sinuot rin ang necklace na hawak niya.

"Ano pong gagawin natin?" Hindi ko maiwasang magtanong. Ang weird naman kasi ng kinikilos ni Tita Kristine. Ang dami-dami ko ng gustong malaman, eh.

"Hindi na tayo makikita ng mga mortal ngayon. Wag na wag mong huhubarin 'yang kwintas na 'yan. Kapag nakita ka, magkakagulo ang lahat. Naiintindihan mo ba ako?" Tanong niya.

Umiling ako. "Bakit po ba kailangan pang maging invisible?" 

"Malalaman mo ang kasagutan kapag naratin na natin ang destination natin." Ngumiti si Tita Kristine at hinawakan ang kamay ko. "Wag kang bibitaw, okay?" 

Nagnod ako.

Pinisil ni Tita Kristine ang aking kamay at nagsimula na siyang maglakad palabas ng banyo. Pagkalabas namin, doon ko lang narealize na invisible talaga kami. Walang pumapansin sa kagandahan namin. Eh, I mean, tumatagos lang sa amin ang mga taong dumadaan. Natakot ako bigla. Ang hirap palang maging invisible. Parang... ang scary.

Ang panget sa feeling ng iniignore.

Tumigil si Tita Kristine sa harap ng isang pintuan.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon