09.

18.6K 376 26
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER NINE

(Daniel)

"Kanino galing 'yang mga bulaklak mo?"

Mga limang buwan na ring nakikitulog at nakikikain si Kathryn sa amin. Noong una, natatawa na naiirita talaga ako sa kanya. Bad trip, manika daw na naging tao. Akala ko nga siraulo na naligaw sa bahay namin. Pero habang tumatagal, mas naniniwala na ako sa kanya. Hindi kaya aswang talaga siya? At kinukulam niya lang kami para maniwala sa kanya? Pero ang labo. Hindi maaari. Sa ganda niya, hindi maaaring aswang siya. At sa hindi kapani-paniwalang dahilan, naging kaibigan ko siya. Naging malapit ako sa manikang 'yon. Aba, first time ko magkaroon ng kaibigang babae. Syempre, hindi kasali si Mich doon kasi asawa ko siya. Aish, sweet ko ata.

At may date kami mamaya. 

"Hello tatay! Uhm, galing po ito kay Richard, kay Junjun, kay Pedro at kay Juanito." nakangiting sabi ni Kathryn habang pinapakita sa akin ang mga bulaklak na binigay ng mga manliligaw niya. Sa limang buwan, halos lahat ng lalake sa university ay nililigawan siya.

Halos pero hindi lahat. Magkaiba yun. Bwahahahaha!

"Ang babantot ng pangalan ng mga manliligaw mo at tigil-tigilan mo nga ako sa pagtawag mo sa akin ng tatay! Wag ka ring ngumiti, para kang ulol!" sigaw ko sa kanya.

Ngumiti pa lalo, nambabadtrip ata!

Sa totoo lang, napakaganda niya kapag ngumingiti.

"Wahihihihihi! Nakakatawa ka talaga pag nagagalit, tatay! Hihihihi! Simula ngayon, tatawagin na kitang tatay. Sabi kasi ni baby Xyriel para ka raw tatay kung umasta! Super strict. Tsaka wag mo namang laitin yung pangalan ng mga kaibigan ko. Buti pa nga sila friendly hindi katulad mo na suplado at palaging magkasalubong kilay!" sabi ni Kathryn.

Kumuha ako ng papel at ginawa ko itong bolang papel.

Mwahahahahahaha, lagot ka sa aking manika ka!

Binato ko yung papel sa noo niya at boom, sapul! "WAHAHAHAHA! PANALO 'YUNG ITSURA MO!!! ANG PANGET MO, KATHRYN!! WAHAHAHAHA!" 

Syempre pangtitrip ko lang 'yon.

Kinuha ni Kathryn ang nalaglag na papel at binato ito sa akin pero nakailag ako. Wahahaha, nakakatawa 'tong manikang 'to. "Okay lang maging panget kaysa sa maging supladong bading katulad mo! Sinisira mo mood ko!!!!"

Ang bilis namang mainis ng manikang iyon.

"Meron ako ngayon, wag mo kong iniinis! Huhuhu. Baby Xyriel, ang sakit ng puson ko. Help!!!" narinig kong sigaw ni Kathryn. Meron pala siya.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko para maligo. May date kami ni Mich. Namiss ko rin 'yung babaeng 'yun. Nagbakasyon sa Pampanga last week. Kailangan bumawi! Wahaha! Hindi ko ba alam kung bakit palaging nagbabakasyon 'yun. Hindi naman Summer. Pero okay lang. Mahal ko naman. Anak ng! Nasobrahan ata ako sa pagiging matamis.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon