06.

20.5K 458 84
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER SIX

 (Kathryn)

"Malandi.. flirt.. ikaw 'yun."

"Oooh, really? Though, di ko naman talaga alam ang meaning ng mga sinabi mo. I am a sophisticated lady and I have class. I don't know kung masama or good ba 'yang sinabi mo. Pero kapag may kausap ako, I make sure na hindi tumatalsik ang laway ko. Pero kung ganyan ka talaga magsalita ay sabihin mo nalang sa akin. Para makapagdala ako ng shield sa laway mo. And girl, kailangan mo na yatang magtoothbrush. Hindi naman sa pagiging rude pero kailangan mo na yatang magtoothbrush." nakangiti kong sabi kay Mich.

Omo! Sinamaan ako ng tingin ni Daniel. Hindi ko talaga sinasadya pero super duper uminit ang ulo ko nang tumalsik sa akin ang laway ni Mich. Ewww. Gross! Nakakairita talaga and nararamdaman ko na ata ang sinasabi ni baby Xyriel na bad vibes.

Tiningnan ko si Mich at omo!! Malapit ng lumanding ang kamay niya sa beautiful face ko. Napapikit nalang ako kasi...creepy si Mich. Save me. Este my face!

Oh no!! Wag ang face ko!!! 

"Hey! Wag mo ngang sasampalin ang ate Kathryn ko! Freak!" narinig ko nalang ang sigaw ni baby Xyriel. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko si baby Xyriel sa harap ko. Omo!! Sinave ako ni baby Xyriel sa kamay ni Mich!!

I love you baby Xyriel!!

Ahihihihi, nakaligtas ang face ko!

"Yah! Kuya! Bakit nandito yang Mich na 'yan? My gosh! May balak pa yata siyang sampalin si ate Kathryn. Buti na lang at dumating ako. Urgh!!" sigaw ni baby Xyriel.

"Aish! Ang gulo niyo, ha! Maghiwa-hiwalay nga tayong lahat. Xy at ikaw, Kathryn, pumunta kayo kung saan niyo gusto at maglilibot kami ni Mich!" sigaw ni Daniel na parang iritadong-iritado siya. Nakita ko naman na binelatan ni Mich si baby Xyriel.

Omo! Bad Mich! Bad Mich!

"Nope! Anong maghiwa-hiwalay? Sasama kami sa inyo. Don't worry. Hindi naman kami manggugulo sa landia- lambingan niyo pala!" nakangiting sabi ni baby Xyriel. Oooohhh. Sa tingin ko may plano si baby Xyriel. Ahihihihihi. Cute! Cute!

"Baby, wag na natin silang pansinin, okay? Hayaan mo na silang sumunod sa atin. Basta kailangan mag-enjoy tayo kasi magkasama tayo." sabi ni Mich sabay yakap kay Daniel. Omo! Nararamdaman ko na naman na umiinit ang ulo ko.

Huhuhuhu. Kathryn, control!

Nagsimula ng maglakad si Mich at si Daniel. Katulad nga ng sinabi ni baby Xyriel, sumunod kami sa kanila. Si baby Xyriel nga sobrang higpit ng hawak sa kamay ko. Parang mababali na yung mga bones ko. Pero nginingitian ko na lang siya.

Huhuhu, di ko talaga sinasadya pero kanina pa mainit ang ulo ko kay Mich. Kakaiba ang aura niya ngayon. First time ko lang 'tong maramdaman, actually. Parang may kakaiba talaga. Parang may kakaiba akong nararamdaman sa presence niya. Parang anytime gusto ko siyang pagtripan. Huhuhu, may sumasapi atang bad spirit ata sa akin.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon