11.

18K 406 154
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER ELEVEN

(Kathryn)

"Baka masaktan ka... ayaw kong mangyari yun sayo."
"Baka masaktan ka... ayaw kong mangyari yun sayo."
"Baka masaktan ka... ayaw kong mangyari yun sayo."

Ilang days na gumugulo sa isip ko 'yung sinabi sa akin ni Daniel. Hindi ko alam kung slow ba ako o magulo lang talaga yung sinabi niya. Masasaktan ba talaga ako? Wala naman kasi akong alam sa mga relasyon-relasyon. Ang tanging alam ko lang ay yung pisikal na sakit. Hindi ako aware na pwede ka rin palang masaktan, emotionally. Omo! Feeling ko isa na akong ganap na tao na nage-emote. Parang 'yung mga napapanuod ko sa movies. Hihihihihihihi.

Pero sa totoo lang, natatakot ako.

Natatakot akong masaktan.

"Argh! Bakit kasi college lang ang may sembreak? Ang unfair naman, ate Kathryn, eh!" sigaw ni baby Xyriel. Bumalik ako sa reality nang makita kong nakapout si baby Xyriel sa harap ko na nakasuot na ng super duper cute nilang uniform. Cutiepatootie!

Bumangon ako sa bed ko at kinuha ang pabango ko sa may table. Gustong-gusto ni baby Xyriel yung amoy neto, eh. Hihihihihi. Pareho talaga kami ng taste. Or smell? Hihihihi!

"Okay lang 'yan, baby Xyriel. Ibebake nalang kita ng cake pag-uwi mo." sabi ko kay baby Xyriel habang iniispray ko sa kanya yung pabango.

Agad namang ngumiti si baby Xyriel at niyakap ako. "Yehey. Thanks, ate Kathryn. By the way, may napansin ka ba kay kuya Daniel? Ang tahimik niya kanina noong kumakain tayo ng breakfast." seryosong sabi ni baby Xyriel.

"Baka bad mood na naman. Hihi. Kakausapin ko na lang siya later. Basta galingan mo sa school ah? Baby Xyriel, fighting." sabi ko sa kanya at nakipagbeso.

Ngumiti siya at kinuha ang bag niya na nakalagay sa may bed ko. "Thanks ate Kathryn. Fighting! Bye-bye!" masiglang sabi ni baby Xyriel at umalis na.

Wala kasi ngayon si tita Ai. Super duper busy niya. Grand opening kasi ng bagong shop niya sa Pampanga. Kawawa naman si baby Xyriel kung walang mag-aasikaso sa kanya. Eh si Daniel naman, di marunong yun. Hihihihihihihi.

Narinig kong umalis na ang sasakyan. Hihihi. Ang cute, cute, cute, cute talaga ni baby Xyriel sa uniform nila. Ay, si tatay Daniel nga pala.

Makausap nga. Parang may problemang pinagdadaanan eh. Ang quiet niya kasi kanina habang kumakain, eh. Super duper weird.

Hindi naman nakalock 'yung pinto ng kwarto ni Daniel kaya pumasok ako. Nakita ko siyang tumutugtog ng gitara sa terrace. "Tatay Daniel!!!!" sigaw ko sabay lapit sa kanya.

Tinanguan niya lang ako at parang may inaayos siya sa guitar.

Hmmm, confirmed! May problem nga 'tong si Daniel. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ko siya. "Daniel, may problema ka ba? Ang tahimik mo kasi. Nakakapanibago."

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon