01.

39.4K 740 146
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER ONE

 (Kathryn)

"Anak, kumalma ka nga!"

"Paano ako kakalma? Ma naman!"

"Shut up, kuya! Ang OA mo, eh! Akala namin may nakita kang ghost or aswang! But look. She's so pretty. Para siyang manika. Hmm, hi ate! What's your name?" Tanong ni baby girl. Hihihi! Ang cute naman ng mga mortal na 'to. Sadya bang good looking ang mga nilalang dito? Hihihi!

Kung good looking lahat ng nilalang dito, ibig sabihin, I belong! Hihihi!

"Hello po. Ako po si Kathryn. Galing ako sa Barbie World o pwede ring tawaging Barbie Village pero mas maganda kasi kapag Barbie World. Hihi! Nandito po ako sa mundo niyo kasi ibinagsak ako dito ng lider namin. Buti nga hindi ako nasaktan, eh. Ahihihihihi. Sabi pa po niya sa akin, may misyon akong kailangang gawin. Though, hindi ko pa po alam kung ano ang misyon ko. Ang alam ko lang po ay kasama kayo sa mission ko. Kaya po siguro dito ako ibinagsak ni Superior. Sana po maniwala kayo na isa akong manika kasi ang haba po ng sinabi ko. Promise po, totoo po ang sinasabi ko. Hindi po ako nagsisinungaling. Bad po kasi magsinungaling. Tsaka, sana po sa atin lang ito. Sana wala pong makaalam na isa akong manika. Dapat po tayo-tayo lang. Kasi po kapag may nakaalam na iba, lagot ako kay Superior. Naniniwala naman po kayo, diba? Na manika ako? Maganda po talaga ako, este manika po talaga ako. Please po, maniwala po kayo." Page-explain ko sa magaganda at gwapong mortal sa harapan ko. Ano bang itatawag ko sa kanila? Hindi ko alam names nila, eh.

Omo, omo! Sana maniwala sila sa akin na manika ako. Sabi kasi ni Superior na kapag hindi daw sila maniwala sa akin ay fail na ako kaagad sa mission. Huhuhu. Sana maniwala sila, kahit isa lang. Basta may maniwala sa akin. Sumakit na nga ang bibig ko sa super duper haba ng sinabi ko!

"Tae! Ang daldal! At anong sabi mo? Manika? Baka aswang!" komento ng lalakeng mortal na gwapo. Omo!! Super duper gwapo niya. Mas gwapo pa siya sa mga boys sa mundo namin. Medyo masungit lang siya. Plus suplado. And hindi talaga siya naniniwala sa akin. Huhuhu! Bakit kaya?! "Kung sino ka man, ang baduy mo. Ibang henerasyon na ito para maniwala pa sa mga sinasabi mo. Bakit ba ayaw mong aminin na magnanakaw ka lang talaga?! O baka aswang ka!” Parang super angry siya sa akin. Wala naman akong ginagawang bad sa kanya.

Tinawag niya pa akong aswang! Hihihihi. Ano bang aswang? Cute ba 'yon? Kasingganda ko ba 'yon? Pero ang masakit, tinawag niya akong baduy. Huhuhu! Ngayon lang ako natawag na baduy. Ako kaya ang pinakafashionable sa Barbie World. Hmp! Ang sungit talaga ni Mr. Pogi. Pero dahil pogi naman siya, pagbibigyan ko ang kasungitan niya. Hihihihi!

Nginitian ko si Mr. Pogi. Hihihi! Ano kayang names nila? Masyado kasi silang nashock sa kagandahan ko. Hihihi! I mean, sa pagdating ko. Hindi tuloy sila nakapagintroduce. "Hindi po ako aswang at hindi rin po ako baduy. Manika talaga ako. Tsaka hindi po ba kayo nagtataka kung paano ako napunta sa bahay niyo? Magic iyon ng lider namin. Ay, oo nga pala!" Itinaas ko ang kaliwa kong paa at ipinakita ko sa kanila 'yung code. Lahat ng manika sa Barbie World ay may mga numerong nakaukit sa kani-kanilang kaliwang paa. Ito ang nagpapatunay na orig ang isang manika. Verified, kumbaga. Feeling ko alam ito ni baby girl. Para kasing mahilig siya sa mga Barbie! Hihi, feeling ko lang. "Ayan oh." 

"Omg, omg! Pwede ba kitang tawaging ate?" sabi ni baby girl. Yay!!! Finally, may naniwala na rin sa akin. Hindi ba kapani-paniwala na manika ako? Maganda naman ako, eh. Yata. Hihihihi!

"Oo naman." Nakangiti kong saad kay baby girl.

"I'm Xyriel, ate Kathryn!!" Sabi ni baby Xyriel at dali-dali siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako. Omo!! Ang cute, cute, cute, cute, cute ng baby girl na 'to. Though, hindi naman siya super baby. Pero kasing-cute niya ang mga baby. Hihihi! Tinuro niya 'yung isang middle-aged na woman pero pretty. "She's my mama Ai." Tinuro naman niya si Mr. Pogi. "At ang freak na 'yan ay ang kuya ko. Si kuya Daniel." Napangiti ako at kumaway sa kanila. Alam ko na rin ang name nila. Hihihi! "Mama, Kuya, totoo ang sinasabi niya. Marami akong mga Barbie dolls at lahat sila may code sa kaliwang paa nila.” Tumakbo si baby Xyriel papunta sa isang room and pagbalik niya may dala siyang isang Barbie doll. Ipinakita niya ang left foot nung doll at may code ito katulad ng akin. “Parehong-pareho sa code na meron si ate Kathryn! Omg!! Hindi ako makapaniwala. I mean, may Barbie alive na dito sa bahay!!"

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon