28.

11.7K 437 135
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER TWENTY EIGHT

(Daniel)

"DANIEL! WAKEY-WAKEY!!!"

Nagulat ako nang makita si Kathryn sa loob ng kwarto ko. "Hoy, Manika! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!! Pano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at itinaas niya ang kamay niyang may hawak na susi. "Duh? Syempre binigyan ako ng key ni tita Ai kasi pinilit ko siya. Anyway, kailangan mo ng maligo! May pupuntahan tayo!" 

"Ha? Saan?" 

"Magde'date tayo, tatay Daniel!!! Wag ka masyadong magpagwapo, okay? Akin ka lang for today!!!!!" Sigaw ni Kathryn at tumakbo palabas ng kwarto ko.

Napangiti ako. Oo, nasaktan ako ni Mich. Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi nandito si Kathryn para kulitin ako. Darating ang araw na malilimutan ko rin si Mich. 

Pagkatapos kong mag-ayos, dali-dali akong lumabas ng kwarto ko. Hindi ko maipaliwanag pero naeexcite ako. Pakiramdam ko kasi magiging masaya ang araw na ito. Pakiramdam ko magiging maayos ang araw na ito. Sana nga tama ako. Sana maging maayos ang lahat.

"Ma, si Kathryn?"

"Hindi pa tapos." Tiningnan ako ni mama at lumapit sa akin. "Anak, nakwento sa akin ni Kathryn ang nangyari. Gusto mo bang ipakidnap ko si Mich sa mga aliens?"

Aish. Ang daldal ng manikang 'yon.

"Ma, hayaan na po natin siya. Wag kayong mag-alala, hindi na po ulit ako magpapakabobo. Last ko na 'yon." Nakangiti kong saad kay mama.

"Psh! Dapat lang, kuya! Next time kasi makinig ka sa little sister mo." Maarteng saad ni Xyriel. Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. Bobo ba talaga ako? Ako lang ba talaga ang hindi nakakaalam na masasaktan ako? Tsk. Labo!

Binuksan ko ang ref at kumuha ng C2.

"OH MY GEE! ATE KATHRYN, ANG PRETTY MO!!!!" 

"HALA!!! KATHRYN, BA'T SOBRANG GANDA MO?!"

Napalingon ako sa likod ko at nabuga ko ang iniinom kong C2 nang makita ko si Kathryn. Tae! Hindi ko alam na may igaganda pa pala 'tong manikang 'to!

Ang ibig kong sabihin... maganda na siya.

Pero ngayon, sobrang ganda niya. Sobra-sobra.

Nakasuot siya ng dress na hanggang tuhod at nakatali ang buhok niya. Hindi ko maipaliwanag. Pero grabe... ang ganda-ganda niya.

"Omo! Thank you!" Aniya Kathryn at ngumiti.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon