08.

20.6K 413 50
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER EIGHT

(Kathryn)

"Good morning Robi, Khalil at Sam!" 

"Classmate, doon ka na lang. Gusto ko katabi si Kath-Kath." sabi ni Khalil sa katabi kong si Nerisha. Pumayag naman si Nerisha at para bang lumilipad na umupo sa dating upuan ni Khalil. Hihi. Parang naging hearts yung mata niya. "Hello Kath-Kath. Musta tulog mo?"

"Hmm, okay naman! Ikaw?" tanong ko kay Khalil. Cute! Cute!

"Sobrang sarap ng tulog ko kagabi. Alam mo bang napanaginipan kita? Kaya nga oks na oks ang pagtulog ko. Nasa garden tayo tapos palapit nang palapit ang mukh-, ARAY!" natigil si Khalil sa pagkekwento niya kasi binatukan siya ni Daniel.

Hihihihihi. Natutuwa talaga ako sa kanila.

"Anong kababuyan na naman ang pinagiisip mo? Palapit nang palapit ang mukha at anong nangyari? Dinuraan ka ni Kathryn? Khalil, ah! Tigil-tigilan mo si Kathryn. Kaibigan ko 'yan at pag nalaman kong nililigawan mo 'yan, lagot ka sa akin." sabi ni Daniel at pinagpatuloy ang pagbatok niya kay Khalil. Hihihi. Iba na naman mood ni Daniel ngayon!! Medyo nagiging strict naman siya. Parang little sister niya ako. Super protective. Sa totoo lang, I love it. Hihihihi!

"Huhuhuhu, Daniel! Wag mong sirain ang pagkatao ko!!" sigaw ni Khalil.

"Lul." sabi ni Daniel at tinigilan na rin niya si Khalil. Poor Khalil. 

"Anak ng! Para lang tayong nanunuod ng romantic movie. Ang sweet sweet ni Khalil at Daniel. Omg!! Ako number one fan ng loveteam nila!" sigaw ni Sam.

Inakbayan naman ni Robi si Sam. "Omg! Kilig much!"

"Hoy! Magtigil-tigil kayong mga bading kayo." napatigil kaming lahat sa babaeng nagsalita. Omo!! Si Trina na nakita ko sa park na kapatid ni Khalil. Hihi. "Omg Kathryn!!"

Lumabas ako ng room para puntahan si Trina.

"Omo! Omo! Omo! Trina!!" sigaw ko sabay yakap kay Trina.

Kahit isang beses pa lang kami nagkita, feeling ko super close na kami. Hindi ko maexplain ng maayos. Hihihihi! Basta. Parang click kami sa isa't isa. 

"Nakwento ka kasi sa akin ni Khalil kahapon. New ka pala dito." sabi ni Trina at umupo kami sa bench sa may corridor. May mahabang bench kasi doon. "So, how are you na? Sorry kasi di na ako nakacall sayo. Busy kasi."

"Hihi! Okay lang 'yun. Okay naman ako. So funny nga sila Khalil and friends. Ang saya nila kasama. Uhm, si Diego?" tanong ko kay Trina.

"Ewan ko sa lalakeng yun! LQ kami." medyo 'mataray' na sabi ni Trina.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon