03.

23.5K 499 55
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER THREE

(Kathryn)

"Daniel! Daniel! Daniel!"

"ANAKNG-,! Ano bang problema mong manika ka?! Ba't ka ba nanggugulat? Tsaka bakit ba lumabas ka? Gabing-gabi na oh! Bumalik ka na doon sa loob!! Matulog ka na!" sigaw ni Daniel.

Actually, kakarating lang namin dito sa *toot* beach resort. Super duper cool ng place. Hihihi. First time ko kasi makapunta sa isang beach resort na may water talaga. Kasi hindi naman uso ang ganito sa Barbie World. Halos malls lang naman ang meron doon. Anyway, may nirent si tita Ai na bahay. Ang laki tapos ang cute ng mga kwarto and may centralized aircon pa. So super lamig talaga. Ahihihihi. Pero nakatulog na si tita Ai at baby Xyriel. Napagod siguro sa byahe. Si tita Ai kasi ang nagdrive. Plano rin 'to ni tita Ai. Sabi niya na magouting raw kami bago magsimula ang klase. Gusto ko ng matulog kaya lang di pa naman ako inaantok. Tapos nakita ko si Daniel na nasa labas. Parang may iniisip at nagmumuni-muni. Kaya lumabas na rin ako. Ahihihi.

Ang cute kasi tingnan ni Daniel kaya lumabas ako.

Ewan ko. Gusto kong kurutin yung pisngi niya. Ahihihi.

"Ang dami mo namang tanong, Daniel! Ahihihi. Ang cool pala sa place na 'to! Super duper blessed ko kasi pinaexperience sa akin ni Barbie Superior ang mabuhay bilang isang tao. Ikaw, masaya ka ba? I mean, masaya ba maging tao para sayo?" tanong ko kay Daniel. Narinig ko na parang nagsigh siya tapos umupo siya sa sahig.. ay sa buhangin pala. Hihi!

Sayang! Di ko nakurot yung pisngi niya.

Pareho sila ni baby Xyriel. Cute! Cute!

Umupo rin ako sa tabi ni Daniel.

Bakit parang ang init naman ng buhangin?

Ahihihihihihihi, masarap naman sa feeling.

Ang init sa butt. Ahihihihihihihihihi >_____<

Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ibig sabihin.... masaya ako.

"Minsan, masaya maging tao. Minsan, hindi. Pero kung tutuusin dapat masaya ako. Dapat maging masaya ako. May nanay ako na maalaga, may kapatid ako na makulit tapos may girlfriend ako na palaging nandiyan. Pero hindi ko kasi alam.. pakiramdam ko kasi hindi ako kumpleto. Pakiramdam ko, may kulang pa sa buhay ko." seryosong sabi ni Daniel.

"Siguro yung papa mo." mahina kong saad.

"Syempre naman. Hindi pa rin mawawala sa akin na mangulila. Pero alam ko sa sarili kong may kulang. Hindi ko maipaliwanag. Ang labo."

Napatingin ako kay Daniel. Ewan ko. Pero parang biglang sumeryoso yung aura. Parang biglang sumeryoso ang lahat. Yung makulit at masayahin na ako parang nag-iba. Parang nahawa ako kay Daniel na sobrang seryoso. Hindi ko maexplain kasi first time ko ma-feel ang ganitong bagay.

Omo! Nakakahawa ba ang feelings?

"Kulang? Alam mo ba kung anong kulang?" tanong ko kay Daniel.

Omo! Bakit ganito ako? Di ko magawang tumawa o ngumiti. Grabe, super duper kakaiba. Ewan. Hindi ko gusto ang ganitong feeling. Hindi ko maexplain pero ang panget sa feeling ng ganitong feeling. Ang daming feelings! Hihihihihi!

"Hindi ko naman talaga alam kung anong kulang kasi halos lahat naman ng kailangan ko, nasa akin na. Pero bakit ganoon? Bakit parang hindi pa ako kumpleto?" sabi ni Daniel.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon