12.

16.7K 397 87
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER TWELVE

(Kathryn)

"Tatay Daniel, ang bagal mo kumilos."

"Takte, wag mo akong tawaging tatay!" sigaw niya sa akin.

May field trip si baby Xyriel ngayon at kasama niya si tita Ai. Last day na rin ni baby Xyriel sa school at bakasyon na nila. Hinabilin na rin sa akin ni tita Ai si Daniel. May pupuntahan kami. Sobrang naapektuhan si Daniel sa pagbebreak nila ni Mich. Medyo nabawasan ang pagkaingay niya. Kapag tahimik, bigla nalang siyang magdadrama. Sobrang mahal niya si Mich.

Ang swerte ni Mich.

"Yehey! Natapos ka na rin. Sino ba talagang babae sa atin? Ang bagal mo kumilos. Para kang gay! Hihihihihi!" nakangiti kong saad kay Daniel. Ang cute ng porma niya. Jeans at simpleng tee. Pero ang hot ng dating. Hihihihihi. Hindi halatang heart broken.

"San ba tayo pupunta at nagmamadali ka?" 

"Baka kasi umiyak ka na naman." Sinamaan niya ako ng tingin at nagpeace sign lang ako. Binigay ko sa kanya yung address. "Sabi ni tita Ai, dito muna tayo magsestay. Susunod nalang daw sila mamaya pagkatapos ng field trip." saad ko.

"Oh ba't parang isang linggo tayo doon? Ang dami mong dala. May maleta pa!" pagrereklamo niya. Hihihi. Ang cute ni Daniel pag nagagalit.

Pero ang dami naman niyang reklamo.

"Ang OA mo naman. Four days lang tayo doon kasi kailangan daw nating umuwi bago mag-November 1. Pupunta daw sa sementeryo. Tsaka magthank you ka na nga lang sa akin. Pinagempake pa kita. You're so tamad." sabi ko.

"Nahawaan ka na ni Xyriel sa kaconyohan. Ang arte mo." panlalait niya sa akin.

Nginitian ko siya at kumaripas ng takbo papunta sa parking lot. Nakaupo na sa driver's seat ang driver nila tita Ai. Nakalimutan ko ang pangalan, eh. 

"Hello po!!" Sabi ko nalang at umupo sa likod niya. Inilabas ko na ang kumot ko sa bag ko. Ang lamig-lamig talaga sa kotse nila Daniel. Kaya prepared ako. Hihihihihi!

Pagkapasok ni Daniel ay nagulat siya dahil may kumot ako.

Hihihi, kasalanan ng kotse nila. Ang lamig. >_________<

"May kumot ka pang dala, ah." nakangisi niyang sabi. Syempre, pinaghandaan ko talaga 'tong araw na 'to. Kailangan sulitin ang sembreak, ika nga ni Robi, na palaging tulog.

Nginitian ko lang si Daniel at pumikit na.

Time to sleep, hihihihihihihi.

(Daniel)

Ilang araw na rin ang nakalipas nang mangyari ang paghihiwalay namin ni Mich. Hindi ko alam kung bakit... kung bakit siya bumitaw. Parang kailan lang ang saya-saya namin. Pero biglang mapuputol ang kasiyahan na iyon. Gusto ko siyang maging masaya at magiging masaya lang siya kapag binitawan ko na siya kasi... hindi na niya ako mahal.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon