29.

11.8K 474 152
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER TWENTY NINE

(Kathryn)

"Kasi.. hindi na ako pwedeng manatili dito. Sorry kasi hindi na ako pwedeng manatili sa tabi mo. Paalam, Daniel. Mahal na mahal kita."

Naglakad ako palayo kay Daniel. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, para bang tinutusok ang puso ko. Pagkatapos nito, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung anong magiging desisyon ko. Babalik ba ako sa Barbie World at bubuharin lahat ng alaala ko sa Planet Earth? O mananatili ako sa Planet Earth? Ngunit mabubura lahat ng mga masasayang alaala.

"MANIKA!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong sumigaw si Daniel. Hindi ko na napigilan ang luha ko. "An-ano bang pinagsasabi mo?!" Sigaw niya.

Lumingon ako kay Daniel.

Sorry, Daniel. Gusto kong magstay sa tabi mo. Gusto kong hintayin ang araw na mamahalin mo rin ako. Pero ang complicated kasi, eh. "Sorry..." Bulong ko sa sarili. Alam kong hindi mo ko maririnig. Pasensya na, Daniel. Hindi ko natupad 'yung promise kong hindi kita iiwan.

"Diba sinabi mong hindi ka muna aalis? Diba hihintayin mo pa ang araw na sasabihin ko sayong mahal kita? Diba... hindi mo ko iiwan?!" Sigaw ni Daniel. Gusto ko siyang yakapin at sabihing joke lang ang lahat. Pero alam kong hindi na pwede. "Kathryn, wag ka ng umalis. Dito ka nalang sa tabi ko. Wag ka ng bumalik sa mundo niyo. Dito ka na lang sa mundo ko."

Tinalikuran ko muli si Daniel at tumakbo palayo. Super sakit ng puso ko. Feeling ko mabibiyak ito. Parang sina'slice ng kutsilyo. Ang sakit-sakit. Hindi pa nga nagsisimula, pero nasa ending na kaagad. Tapos na agad. Wala na. Wala na...

"Kathryn..."

Napatigil ako sa pagtakbo nang may tumawag sa akin. Lumapit sa akin si Barbie Superior at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Kailangan mo ng pumili." Saad niya.

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata.

"B-barbie Superior... b-bakit p-po si Mich ang mahal ni Daniel? Sinabi po niyo sa akin na ako ang gusto ni Daniel noong bata kami. P-pero..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Niyakap ako ni Barbie Superior at hinaplos ang buhok ko. "Dahil sa sobrang galit sayo ni Mich, binaligtad niya ang kwento. Sinabi niya kay Daniel na siya ang nagligtas sa kanya. At ikaw, pumunta ka raw ng ibang bansa. Naniwala si Daniel sapagkat hindi naman alam ng magulang niyo ang ginagawa ni Mich. Bago ka bumalik dito sa Planet Earth, mayroong tampo sayo si Daniel sapagkat akala niya iniwan mo siya."

P-pero bakit?

Kung mahal ni Mich si Daniel... bakit niya niloko si Daniel?

Narealize ba niya na hindi niya pala mahal si Daniel? Labo!

"Hindi tunay na mahal ni Mich si Daniel. Atensyon lang naman ang kailangan niya. Pakiramdam niya kasi mag-isa lang siya sa mundong ito. Kasi akala niya ikaw ang perfect." Saad ni Barbie Superior. Nabasa ba niya mind ko? "Ginagamit niya lang si Daniel."

Gusto ko sanang makausap ang kapatid ko.

Sana... magbago siya. Kasi alam kong maraming nagmamahal sa kanya. Sigurado akong mahal din siya ng magulang namin.

"Pero bilang ate ni Mic-,"

"Po? Mas matanda pala ako kay Mich? Bakit same year lang po kami? Bakit halos magkaedad lang po kami?" Sigaw ko. Parang ang dami ko pang kailangang malaman.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon