02.

26.4K 566 83
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER TWO

(Kathryn)

"Ano ba ang girlfriend? Babaeng kaibigan?"

"Pwede. Pero hindi totally kaibigan lang. Kasi kapag sinabi mong girlfriend, ibang meaning na yun. Ibang level na kasi yun! Parang meron ng click. Meron ng spark. Meron ng label. Ibig sabihin babaeng karelasyon. Ibig sabihin mahal ni lalake si babae at niligawan ni lalake si babae at kapag pumayag si babae na maging sila, girlfriend na si babae. Kumbaga, label ni babae ang girlfriend. Kaya kung tatanungin si babae kung anong relationship nila ni lalake, ang magiging sagot ni babae ay girlfriend. Gets mo na ba ate?" Explain sa akin ni baby Xyriel.

Nakakahiya naman. Mas marami pang alam ang batang ito kaysa sa akin.

To think na mas matanda ako sa kanya ng ilang taon. Omo talaga!

"Bata ka ba talaga? Ba't ang dami mong alam?"

"Ate naman! Ang dami-dami kong sinabi. Nahirapan ako sa kakaexplain tapos ganyan lang sasabihin mo sa akin? Aba, nagkakalokohan na tayo dito." Sabi ni baby Xyriel.

Wiiiiiiiih! Ang cute talaga ng batang 'to magpout. *u*

Ngumiti ako at pinisil ko ang ilong niya. "Gets ko naman. Ang girlfriend ni Mich ay si Daniel." Sabi ko kay baby Xyriel. Hihi, baka umiyak kapag di ko pa nagets.

"Ate!" Napapalo si baby Xyriel sa noo niya. Tama naman yung sinabi ko diba? "Mali naman, eh! Girlfriend ni kuya Daniel si Mich. Baliktad yung sinabi mo!"

"Iiiiih parang ganun na rin yung sinabi ko, baliktad lang! Ano ba yan?! Sumasakit ang ulo ko diyan, eh! Omo, i'm hungry na tuloy. C'mon baby Xyriel. Let's eat na. Ang sakit naman sa ulo ng love. Ang hirap intindihin. See? Nasa girlfriend stage palang tayo pero nahihilo na ako." Pabiro kong sabi kay baby Xyriel. Para nga siyang hindi baby, eh. Bata pa lang ang dami ng alam.

Or matalino talaga mga taong bata?

Or batang tao? Omo, it's weird. o_O

Marami pa talaga akong kailangang matutunan!

"Sumasakit rin ang ulo ko, ate. Let's eat nalang. Bumili si mama ng Nutella kahapon and kailangan mong i-try iyon. It's yummy!"

Dumeretso na kami sa kusina ni baby Xyriel. Nandito ang girlfriend 'daw' ni Daniel na si Mich. Pero akala ko kanina na ang 'girlfriend' ay 'babaeng kaibigan'. Pero mali pala ako. May mas malalim pa pala na meaning yun. Hindi ko kasi alam kaya pinaexplain ko kay baby Xyriel. Wala kasi sa Barbie World nun, eh. Wala nga atang status-status doon. Dito sa planet earth? Ay ewan ko nalang. Si tita Ai naman pumunta sa ibang bansa kaninang umaga para asikasuhin yung branch nila doon.

Ang galing no? May ibang bansa pa pala.

Ibig sabihin, malaki ang planet earth.

Pwede kayang mag-around the earth?

Chi, parang may mali? Around the earth? Parang may mali naman. Ano nga ba yun? Kapag gusto mong libutin ang planet earth? Hmp!

Nagmimix na mga words sa utak ko. Hihi, may utak rin ako no!

"Hmmm.. mabait ba si ate Mich mo na girlfriend ni kuya Daniel mo?" tanong ko kay baby Xyriel habang kinakain ko ang tinapay na may Nutella. Yummy!

"Secret lang natin to ate ha? Pero ayaw ko talaga kay Mich! Ewan ko lang. Para kasing bad vibes ang hatid niya sa akin. Sensitive kasi ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Isang tingin ko pa lang sa isang tao, alam ko na kung makakavibes ko siya o hindi. At yang si Mich, ang init ng dugo ko sa kanya. Masama ang kutob ko sa kanya. Lagapak ang ugali! Wapak! As in wapak talaga. Nakakabadtrip ang presence niya. NAKAKASTRESS." singhal ni baby Xyriel.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon