22.

12.6K 363 64
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER TWENTY TWO

(Kathryn)

"Manika, buksan mo 'yung pinto!"

Ang ingay naman ni tatay Daniel! Nagising tuloy ako. Tiningnan ko ang cellphone ko at chineck ko 'yung time. 3:45 am na. Five am naman dapat nasa university na kami. Omo! Super duper excited talaga ako sa camping na ito. Buti nalang at nakapagimpake ako kagabi, pagkauwi namin sa mall. Para akong zombie na naglakad sa may pintuan at binuksan ito.

"Anong problema, Daniel?" Tanong ko sa kanya habang kinukusot-kusot ko pa ang mata kong may muta. Hihihihi! Super himbing ng tulog ko. Safe and sound! Hihihihi. Hindi ako pinansin ni Daniel. Pumasok siya sa loob ng kwarto ko at dumeretso sa closet ko. Lumaki ang mata ko nang makita ang bubuksan niyang cabinet. Dali-dali akong tumakbo para pigilan si Daniel na buksan iyon."Omo! Daniel, wag mong bubuksan 'yan! May bomba diyan!" Sigaw ko.

"Ha? Bomba? Sira ka ba, manika?

Napapalo ako sa noo ko. Kathryn naman! Anong bomba ba ang pinagsasabi mo? "Ah! Wag mo 'tong bubuksan. Nandito nakatago ang mga..." Hindi ko maituloy ang aking sasabihin ko. Feeling ko super duper namumula na ako. Huhuhu! Super early pa pero kung ano-ano ng nangyayari sa akin! Si tatay Daniel kasi. Ang aga mambulabog! Ano bang pakay niya?

Don't tell me... gusto niyang hiramin ang mga damit ko?!

Nakita kong nagsmirk si Daniel. "Mga ano? Underwear mo?" Saad niya.

"Uwaaa! Daniel! Sinira mo na ang pagkatao ko!! Uwaaaa! Bakit?! Huhuhu, Daniel! Nakakainis ka!" Sigaw ko kay Daniel at pinaghahampas siya sa braso.

Uwaaaa! Ang bastos ni Daniel!

Pinitik ni Daniel ang noo ko. "Ano ka ba! Hindi ko naman titingnan 'yun. Tsaka wag ka ngang maginarte! Akala mo kung inano ka!" Sigaw niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at itinabi ako sa gilid ng closet. May kinuha siyang pants at longsleeves. Pagkatapos ay sinarado na niya ang closet ko. Inabot niya sa akin ang kinuha niyang damit. "Manika, ito ang susuotin mo ngayon. Baka kasi magshorts ka na naman. Iyan ang susuotin mo. Malinaw?"

Ah. 'Yun pala ang pakay ni Daniel.

"Aye, aye, tatay!" Saad ko at nagsalute sign pa. Ginulo ni Daniel ang buhok ko at lumabas na ng kwarto ko. Dali-dali kong nilock ang pintuan ng room ko. Omo!

Ang early pa pero ang bilis na agad ng tibok ng heart ko!!

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang damit na inabot sa akin ni Daniel. Nagpatuyo ako ng buhok at itinali ito. Kinuha ko na rin ang maleta ko. Hihi. Joke lang! Malaking back pack at isang maliit na shoulder bag lang ang dala ko. Dinala ko na rin ang consent ko na pinirmahan ni tita Ai. Grabe. Super duper bait talaga ni tita Ai. Binigyan pa niya ako ng money para sa mga babayaran.

Pagkalabas ko ng room ay dumeretso ako sa kusina. "Good morning, tita Ai!"

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon