13.

16.5K 352 38
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER THIRTEEN

(Kathryn)

Nabitawan ko ang picture at bigla na lang nagblur ang paningin ko. Para bang umiikot ang Planet Earth at dumodoble ang mga things sa harapan ko. Super duper nahihilo na talaga ako kaya ipinikit ko muna ang mata ko. After ilang minutes, parang naging steady na ang lahat. Hihihihi. Ang cool. First time ko 'tong nafeel. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko.

Oh my golly! Nasa Barbie World ako?

Paano nangyari iyon? Parang pumikit lang ako and then bulaga!

Amazing talaga powers ni Barbie Superior. "Omo!! Barbie Superior!" Sigaw ko at dali-daling tumakbo palapit kay Barbie Superior. Pagkalapit ko sa kanya ay agad ko siyang hinug. Omo talaga! Super duper unbelievable!! Nakita ko ulit sila. Nandito na ulit ako sa place ko.

"So clingy, eew." Saad ni Barbie Superior at tinulak niya ako palayo.

Hmph! If I know, miss niya talaga ako. Shy lang siya. Hihihihihi. Hmm? Pero bakit kaya ako minagic ni Superior dito? "Sasabihin niyo na ba sa akin 'yung mission ko, Superior? Ang dami kong gusto i-kwento sa inyo. Super duper amazing po doon sa Planet Earth. Tapos ang bait-bait pa po ng mga friends ko doon." Nakangiti kong sabi kay Superior.

"I know, duh. Nakikita ko kaya lahat. Except nalang sa pagtae, pag-ihi at pagligo mo. Eeeww. Ayaw ko ngang makita 'yon." Maarteng saad ni Superior. Hihihihi! Ganyan talaga si Superior. Akala mo super duper arte pero maarte nga talaga siya! Hihihihihi.

"Superior naman! Bakit ba ako nandito?" Sabi ko sabay pout. 

Hinampas ni Superior ang braso ko. Hmmp! If I know, namimiss lang talaga ako ni Barbie Superior. Ayaw pang sabihin, eh. Hihihihihihi! "Wag ka nga magpout. Mas cute pa rin ako sayo. Remember, Superior ako." Saad niya. "Anyway, kaya kita pinatawag dito para sabihin sayo na nalalapit na ang iyong misyon-,"

"Ba't po ba kasi ayaw niyo pang sabihin? Pamysterious type pa kayo, eh!" 

"Mas maganda kung ikaw ang makakatuklas. At ngayon, nakita kong may nadiskubre kang litrato. Itago mo ito. Kakailanganin mo ito sa hinaharap." Seryosong saad ni Superior. Naalala ko ang litratong hawak ko bago ako mapunta dito sa Barbie World. Omo! Baka may kakambal akong tao. Hmmm. Pwede ba 'yon? Hihihihihihihihihihihihi!

"Po? Pakiexplain nga po. Pakielaborate po." Nacoconfuse kasi ako.

"Kailangan mo ng bumalik sa Planet Earth, Kathryn. Humanda ka sa mga haharapin mo." Saad niya at pinat ang ulo ko. "Ibabalik na kita. Mukhang may nag-aalala."

May itatanong pa sana ako kay Barbie Superior kasi hindi ko siya maintindihan. Para bang naging puzzle yung mga sinasabi niya. Super di ko magets. Pero may sinabi siyang parang orasyon at pinitik ang aking noo. Pagkatapos ay nagblur na ulit ang paningin ko.

Omo! Nahihilo na naman ako. Kailangan ko ng i-close ang beautiful eyes ko. After 5 minutes, medyo payapa na ang feeling ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon