26.

11K 437 140
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER TWENTY SIX

(Sofia)

Pagkagising ko, wala na si Kathryn sa kwarto. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at sobrang pula ng mata ko. Sobrang galit ako. Kay Paul, Kay Mich. Pinagkatiwalaan ko sila. Kahit na naghihinala ako, binigay ko pa rin kay Paul 'yung trust ko kasi mahal ko siya. Pero anong ginawa niya? Ginago niya ako. Sinaktan niya ako. Niloko niya ako. Walang hiya siya.

Napatigil ako sa table sapagkat may papel na nakapatong dito. Binasa ko ang sulat at mukhang kay Kathryn galing ito. 'Sofia, mauna na muna ako, ha? Kailangan ko na munang umalis. Masakit pala 'no? Wala kang ibang gustong gawin kung hindi protektahan ang taong mahal mo pero hindi ka niya paniniwalaan. Hay. Pero thank you. Salamat kasi super duper nice mo sa akin kahit ngayon lang tayo nagkausap. Alam kong mabait kang tao. Hindi mo deserve masaktan. Pero don't worry. Magiging maayos ang lahat. Sabi mo pa nga, diba? May plano ang Diyos. Kaya wag ka ng umiyak. Tama na 'yung iniyak mo kanina. Kausapin mo si Paul at i-slap mo siya ng malakas, ah? Bye, Sofia! Naniniwala akong may mamimeet ka ring someone special na ite'treasure ka. -Rynryn'

Pagkatapos kong basahin ang sulat ni Kathryn, naalala ko ang nakangiti niyang mukha. Pero ngayon, pakiramdam ko... hindi na siya nakangiti. "Wala kang ibang gustong gawin kung hindi protektahan ang taong mahal mo pero hindi ka niya paniniwalaan."

Mahal ni Kathryn... si Daniel.

P-pero... sinaktan ni Daniel si Kathryn.

Hindi na ako nagtoothbrush o nagsuklay man lang. Padabog akong lumabas ng kwarto at dumeretso sa kwarto nila Daniel. Kumatok ako nang sobrang lakas hangga't nabuksan ito.

"Hoy, Sofia! Problema mo? Ba't parang pupu-,"

Hindi ko na pinatapos si Robi sa pagsasalita. "Nasan si Daniel?! Sabihin mo sa kanya na may kakausap sa kanya! Dalian mo!!!" Sigaw ko.

"Hayop, kumalma ka!" Saad niya. Tumingin siya sa loob ng kwarto. "Daniel, may naghahanap sayo! Dalian mo! Baka makagat ako!" Sigaw ni Robi.

Nakarinig ako ng mga yapak at nakita ko si Daniel. Hinila ko siya palabas ng kwarto. "So-sofia, t-teka, ano ba!" Reklamo niya. Tiningnan ko siya ng masama. Naging mabuti sa akin si Kathryn. Sinamahan niya ako sa panahong umiiyak ako. Ngayon, ako naman ang tatayo para sa kanya. Para sa kaibigan ko. "May problema ba?" Tanong ni Daniel.

"Tarantado ka! Sundan mo ko. Mag-uusap tayo."

Naglakad ako papunta sa likod ng lobby at naramdaman kong sinusundan ako ni Daniel. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Daniel. Kailangan na niyang magising sa katotohanan.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ni Daniel.

Sinamaan ko ulit ng tingin si Daniel. "Tungkol sa kabobohan mo. Magiging straight to the point ako sayo, Daniel. Gusto ko lang sabihin sayo na gago ka kasi sinaktan mo si Kathryn. Gago ka kasi pinoprotektahan ka lang niya pero hindi mo siya pinaniwalaan." Sigaw ko. "Daniel, kung ano man ang sinabi sayo ni Kathryn, totoo lahat 'yon. Nakita ko rin! Nakita kong nakikipaghalikan 'yang malandi mong girlfriend pati 'yung sira kong boyfriend. Kitang-kita ng dalawa kong mata. Kitang-kita ng mata ko kung... pano sila nanggago." Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Tuwing naaalala ko 'yung eksena kagabi... sobra talaga akong nasasaktan.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon