CHAPTER NINETEEN

17.8K 245 69
                                    

[KATHY'S POV]

"Mahalin mo ko." Paulit-ulit sa utak ko ang sinabing yon ni Damon. Ang tanong, paano? Paano ko mamahalin ang kagaya niya? Magiging masaya ba kami kapag nangyari yon? Magiging kami ba ... habangbuhay?

Natulala ako.

Napaisip.

Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Alam ko sa sarili ko na magiging masaya ako sa kanya, na makukuntento ako, na makakaya ko ang lahat ... at alam ko sa sarili ko na siya ang gusto kong makasama habangbuhay. Kahit saang lupalop pa kami ng mundo makarating. Kahit umabot man sa langit o sa impyerno ... alam ko, siya lang ang mamahalin ko ng ganito.

"Kathy ano ba ... wag mo na ngang isipin yon." Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.

Bakit ang hirap ng lahat para sa amin?

Ang hirap-hirap.

Lahat imposible.

Yung makasama ko siya.

Yung maging masaya kami.

Yung maging okay kami.

Yung mahalin niya ako.

Kahit ang katauhan niya mismo, imposible.

Dinaig pa namin sina Edward at Bella ng Twilight. I thought being in love with a vampire is complicated ... and here I am, in love with the devil's son.

Why is it so hard and too complicated to love? I just can't imagine myself being in hell while Julia could live her normal life with the man I love.

Hindi ko kaya.

"Mahal mo siya, di ba?" Tanong ko sa sarili ko sa harapan pa rin ng salamin.

Kahit hindi ko sagutin ang tanong na yon.

Alam ko at kitang-kita ko sa mga mata ko na – mahal na mahal ko siya.

Seven years is not a joke. Pitong taon kong inalagaan ang nararamdaman ko para kay Damon. Sa pitong taon na lumipas, wala akong ibang ginusto at pinangarap kundi siya lang.

"Kung kaya ko lang sabihin mahal kita Damon ... sasabihin ko yun sa'yo, kahit na ilang milyong beses pa – nang paulit-ulit hanggang magsawa ka."

Biglang humangin ng malakas. Hanggang sa nakaramdam ako ng kakaibang kilabot mula sa aking likuran.



"Kaya mo naman eh ... bakit hindi mo subukan?"

Tumakbo ako sa gilid ng pinto sa sobrang gulat at takot. Paano siya nakapasok sa kwarto ko?

"A-anong ginagawa mo ditto?! P-paano kang nakapasok?" Nagkakandautal kong tanong sa kanya.

"Sabi mo nga, walang imposible sakin. And besides, I've been doing this for a long time."

Nasinagan ng liwanag ng buwan ang mukha niya. He was smiling at me. Tapos, dahan-dahan siyang lumalapit sakin.

"W-what? You mean-"

"Yes ..."

Ngayon, napatunayan kong totoo nga na may nakatingin sa'yo habang natutulog kung bigla kang magigising ng walang dahilan sa madaling araw.

"Tama ba lahat ng narinig ko Kathy?"

"H-ha? Anong narinig? Wala naman akong sinasabi ah!" Pagtanggi ko.

"Demonyo ako. Hindi ako bingi."

"H-hindi ikaw yon!"

Bahagya siyang ngumiti saka siya tumitig sakin. "Ako kaya kong sabihin sa'yong mahal kita ... kahit ilang milyong beses pa. Nang paulit-ulit hanggang magsawa ka."

Naramdaman kong nanginit ang mukha ko.

Kasabay nun ang mabilis na mabilis na pagtibok ng puso ko. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang bilis.

"Kaya kong patunayan yun sa'yo. Kaya kong iparamdam. Kaya kong panindigan Kathy ..."

Nang titigan ko siya sa mata ay nakita ko kung gaano siya katotoo sa mga sinasabi niya. Dahil doon, nanghina ako. Lalo na ng makita ko kung paano niya tiniis ang sakit na dulot ng markang yon sa kanyang kamay. I can't imagine how painful it is habang tumutulo ang dugo mula ditto.

"I-I love you but-"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. It was focused and intensed. His kiss made me close my eyes and made me breathe faster and faster until I felt dizzy and I think I might black out.

Then he suddenly stopped and touched my face. "I want nothing in this world – but you. You became my everything – my weakness, my strength, my happiness, my pain. Ikaw lahat eh ... ikaw lang. I love you, no buts. And I just want you to trust me."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi dahil sa mga sinabi niya kundi dahil sa paghalik niya sakin. That was my first kiss. And I swear to God, I almost forgot my name.

Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ito inilapat sa dibdib niya. I could feel his heart beating. It beats triple times than mine.

"Please Kathy ... I need to know what you were thinking."

Then death flashed before me. I could see Damon's face changing into something horrible. His eyes became red and his lips were as black as coal.

Napaatras ako sa takot.

Kung ang pagmamahal lang na 'to ang magiging dahilan para tuluyang maging demonyo si Damon, handa akong kalimutan na mahal ko siya, manatili lang siyang tao.

"Umuwi ka na Damon."

"Hindi ako aalis ditto hanggang hindi mo sinasabi sakin ang nararamdaman mo." Pagmamatigas niya.

"Gusto mo talagang malaman? Sige, mahal kita. Oo, mahal kita! Pero hindi ko kayang magmahal ng kagaya mo. Mas gugustuhin ko pang mahalin si Erick, mahalin ang isang tao kaysa sa isang demonyo!"

I know this would be the biggest mistake of my life. I know I'll regret it someday but I just did what I think is right.

Human can't love a devil and a devil can't just love a human. And we both just have to accept it.

"Alam kong sinasabi mo lang yan kasi natatakot ka. Sinasabi mo lang yan dahil ayaw mong magtiwala sakin."

"I'm sorry. But that's the truth. I can't love you coz I can't trust you."

Walang anu-ano'y bigla niya na lamang akong niyakap. Mahigpit yon. Yung tipong ayaw na niya akong bitawan.

"Alam kong hindi yon totoo Kathy. But whatever your reason is, I'll respect it. Just don't expect me to be here for you anymore. I'll make it easy for you to forget me."

Pagkasabi niya noon at unti-unti na niya akong binitawan. Hanggang sa unti-unti na siyang nawala sa harap ko. Wala na si Damon. At siguro ... panghabangbuhay ng pagkawala yon.

Napaluhod ako habang umiiyak ...

Hindi ako duwag.

Ayoko lang masaktan si Damon nang dahil sakin.

Ayokong mahirapan siya.

Sa ganitong paraan ... pareho kaming matatahimik.

Pareho kaming magiging masaya.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon