Chapter 58 - Jack's Loft

5.6K 66 14
                                    

Dedicated to yanashi :)

mabilis ba ang dedication ko sayo? hehe ;)

natuwa kasi ako ng sobra dahil ni-like mo ang fb fanpage! :)

maraming salamat sa pag-add sa RL, sa pag-vote, sa pag-fan at sobra akong natuwa sa comment mo :)

i am super thankful! :)

thank you thank you thank you! :)
-------------------------
hi guys! :)

special mention to Jervis Cajustin Barraza! in-add din niya ang fb fanpage! thank you! :)

kahit hindi nag-35 votes lahat ng recent UDs, eto UD parin ako..

hindi ko kayo matiis e.. kahit na natitiis nyo ako..

naks emote! char! ;)

so ayan eto lang muna upload ko..

please VOTE and COMMENT :)

be a fan if you like..

thank you! :)

-----------------------------------------------------------------------

Chapter 58 - Jack's Loft

(Alex)

 

Katatapos lang namin mag-dinner ni James dito sa Jack’s Loft sa Eastwood.

Hindi naman talaga ako mahilig sa ibang meat. Seafood meat lang.

Seafood lover ako.

At walang seafood dito.

Dapat sa Friday’s na lang kasi at least dun may Cream Dory or Salmon.

Nagulat din si James nung dito ko siya inaya.

Ang totoo, gusto ko uminom.

Masarap kasi ang cocktails dito.


“Ay naku Potpy ko, iba iba na yang iniinom mo, baka iba na ang mix niyan sa tiyan mo nyan” Sabi ni James sakin.

“Sarap eh hehe. Eto tikman mo naman to.” Inabot ko ang Tequila Sunrise kay James.

Uminom naman siya.

“Oo nga masarap lahat ng ininom mo pero pag naghalo halo yan sa tiyan mo hay naku bahala ka.” Natatawa naman niyang sinabi.

Umiinom kami at nagkwewentuhan.

Tumingin ako sa mga tao sa paligid.

May nakita akong isang taong nag-iisa sa di kalayuang table.

Parang familiar.


“Kate?” Medyo malakas kong tinanong.


Tumingin siya sakin at medyo nag-smile.

Parang stressed out siya.

Anlaki ng eyebags niya.

“Dito ka sa table namin!” Sigaw ko sa kanya.

May hesitation sa mukha niya pero tumayo naman ito at naglakad.

Umupo siya sa table namin.


“Gusto mo uminom? Treat namin.” Nag-smile si James kay Kate.


Ngumiti din ng konti si Kate.

Sumenyas kami ng menu sa waiter.

Pumili si Kate.

Maya maya dumating ang inorder niyang Zombie.

“Ininom ko din yan kanina. Mamaya oorderin ko yan ulit.” Nag-smile ako ng nakakaloko kay James.

“Hay nako Potpy ko. Tsk.” Sabi lang ni James pero natatawa.


“Kelan kaya ako magkakaroon ng ganyang klaseng happiness noh Alex?” Biglang nagtanong si Kate at uminom ng zombie niya.


Nag-worry ako bigla.

Alam ko naman what’s wrong eh.

Sinabi ni Apol samin ni James kanina na wala na sila ni Kate.

Pero may iba pa rin kay Kate eh.

Parang may iba pa bukod sa paghihiwalay nila.

Kaya nagtanong parin ako..


“Kate, why? What’s wrong?” I touched her arm.

 “Alam mo ang kapal ng mukha kong maki-table sa inyo ngayon. Sorry ha. Malungkot lang talaga ako.” Namumuo yung luha niya sa mga mata niya.

“Ano ka ba Kate. We’re friends.” Nag-smile ako sa kanya.

“Pag nalaman mo kaya ang totoo, you’d still consider me as a friend? I’m really sorry Alex.” Biglang umiyak si Kate.

“Kate—“

“Inagaw ko si Apol sayo. Nasaktan ka dahil sakin. Hindi ko inisip na magiging kaibigan kita. Hindi ko alam na ganyan ka kabait. You don’t deserve to get hurt like that.” Nagtuloy tuloy ang pag-iyak ni Kate.

“That was all in the past Kate. I’m ok now. I’m happy now. Wag mo na isipin yun. Tapos na yun. Ang mahalaga, magkakaibigan tayo lahat.” Hinimas ko ang likod niya.

Tinignan ko si James.

Tahimik lang siya.

Huminga ng malalim si Kate at nagsalita..




“Alex and James, hindi ko alam kung anong mangyayare. Hindi ko alam kung mapapatawad nyo ako lalo ka na Alex. Pero hindi na ako matahimik. I want you both to know everything”

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon