CHAPTER FOURTEEN

18.4K 224 31
                                    

[KATHY'S POV]

Absent ako kahapon sa klase ko. Sinamahan ko si Erick sa park. We were just laughing the whole day. And I must admit it, I'm happy and I feel safe when I'm with him.

Akala ko isang masayang araw ulit ang mangyayari ngayon, pero nagkamali ako nang makita ko si Damon sa lobby.

Mayroon akong napansing kakaiba sa kanya.

He became powerful than before. Nakakatakot ang presensiya na ipinapakita niya, hindi lang sakin, siguro pati na rin sa ibang tao.

Hindi kaya, mas lalo na siyang naging masama ngayon?

Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla niyang ibaling ang tingin niya sa direksiyon ko. Huli na para umiwas ako ng tingin sa kanya.

Magkasalubong ang kilay niyang nakatitig sakin. His eyes were so powerful and seductive at the same time. Yung ilong niya na kasing taas ng pride niya. And his lips look like its ready for a kiss. No wonder why every girl in this university was dying to be with him.

Natauhan ako ng bigla siyang umiwas ng tingin sakin. Saka siya tumayo at umalis. Ako naman, dumiretso na ako sa klase ko.


Siguro nasa kalagitnaan na ng klase ng biglang nagkaroon ng announcement. Mayroon kasi kaming speakers sa apat na sulok ng classroom. So that whenever they need to make an announcement, hindi na naming kailangan pang i-meeting or sabihan isa-isa.

"Announcement to all, we will have – teka, sandali-" Sabi ng announcer na tila ba nakikipagagawan sa mikropono.

Kasunod noon ay ang malakas na tawanan ng mga estudyante sa loob ng classroom. Tahimik lang ako.

And I'd give up forever to touch you

Coz I know that you feel me somehow ...


Unti-unti akong kinilabutan ng marinig ko ang boses na yon. Alam na alam ko kung sino ang kumakanta. Paano ba naman, apat na taon ko siyang pinapanuod tuwing tumutugtog sila nung high school. At bukod pa don, sinasamahan ko rin siyang tumugtog lately ... nung personal slave pa niya ako.


You're the closest to heaven that I'll ever be

And I don't wanna go home right now ...

When all I can taste is this moment ...

And all I can breathe is your life,

Coz sooner or later it's over ...

I just don't wanna miss you tonight.


Unti-unti akong napangiti. Napapikit ako habang pinapakinggan si Damon sa pagkanta. Unti-unting bumalik lahat ng ala-ala. Masasaya at malulungkot na ala-ala na matagal ko ng inaalagaan sa puso at isip ko. Unti-unti ring bumalik yung nararamdaman ko para sa kanya. Kung paano ko siya minahal hanggang sa kung paano ako nabaliw at nagpakatanga sa kanya.


And I don't want the world to see me

Coz I don't think that they'd understand

When everything is made to be broken

I just want you to know WHO I AM

'Bakit kasi nagbago ang tingin mo sa kanya Kathy?' Bigla na lamang sumulpot ang katanungan na yon sa isip ko. Hindi ko yon nasagot.


It's my birthday today!

Madaming bumati sakin. Mga kaklase ko, mga guro pati na rin yung principal namin. Pero kahit ganon, kulang pa rin ang araw ko. Kasi yung birthday wish ko, imposibleng matupad yon.

Sino ba naman ako para batiin ni Damon?

"Tara sa canteen Chum, treat ko." Nakangiti kong anyaya kay Sthep.

"Talaga? Tara!" Sang-ayon naman niya.

Pagpasok namin ng canteen ay natigilan na agad ako. Nakita ko kasi si Damon kasama ang mga kaibigan niya. But a part of me was actually happy, coz Julia wasn't there. She's not with him.

"Ano ba? Anong tinatayu-tayo mo diyan?" Tawag sakin ni Sthep.

"Sige, umorder ka lang." Sabi ko.

"Libre mo ha!"

Tumango lang ako.

Kapag sinuswerte ka nga naman, walang ibang bakanteng mesa kundi sa katabing mesa kung saan nakaupo si Damon at ang mga kaibigan niya.

"Uy! Parang may celebration ah!" Sabi ng isang kaibigan ni Damon na nagkataon namang dating suitor ni Sthep.

"Birthday kasi ni Kathy." Nakangiti naman sagot ni Sthep sa kanya.

Binati nila akong lahat maliban lang kay Damon na noon ay bising-busy sa pagtetext.

"Hoy pare, batiin mo naman si Kathy. Birthday niya ngayon oh!" Puna nang isa sa mga kaibigan ni Damon.

'Eto na ... matutupad na yung wish ko!' Sabi ko sa sarili ko.

"Ah. Sino ba?" Tanong ni Damon.

Tinuro nila ako.

Ngumiti siya.

"Happy Birthday ..."

Hindi niya alam kung gaano ako kasaya ngayon. Kulang na lang pumapalakpak ang tainga ko sa sobrang saya. Pero ang saying nararamdaman ko ay panandalian lang pala.

"Teka pare, hahatiran ko lang ng pagkain si Julia. Hindi daw siya makakababa eh. Masakit daw ang ulo." Paalam ni Damon sa mga kaibigan niya. Napawi bigla ang mga ngiti ko.

'Sana ... sana wala na lang Julia.'

Biglang humangin ng malakas.

Oh how I wish it will come true.


[DAMON'S POV]

Sana ngayon, kuntento na si Kathy. Pinanindigan ko na ang pagiging demonyo ko.

"Master, kung patuloy mong susuwayin ang utos ng itim na anino ... maaaring mas maging kumplikado ang lahat." Sabi ni Kurt.

"Kailan ba hindi naging kumplikado?" Sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Paano kung ibalik ng itim na anino ang babaeng minahal mo? Paano kung ibalik niya si Julia?"

Hindi ako nakasagot.

Paano nga ba kung biglang bumalik si Julia sa buhay ko? Paano kung bumalik ang babaeng minsang naging mundo at buhay ko?

"Tulad ng lagi kong paalala sa'yo Master, wala kang pwedeng itago sa itim na anino. He knows your strengths and weaknesses."

"Then so be it."

Baka sakali, kung sakali man na ibabalik niya ang buhay ni Julia ... hindi na kailangan pang mamatay ni Kathy. At pangako, kung mangyayari man yon, hinding-hindi ko na siya muling lalapitan o gugulihin pa. She deserves to live a normal life. A good one. And that means without me. 

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon