Chapter 10 - Her First Fight

253 17 1
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

"Oo at yun ang sinira niyong moment kagabi." Ikinuwento ko sa kanila yung muntikan nang kiss kagabi na kung hindi sila dumating ay may first kiss nako.

"Oh my, sorry naman malay ba namin." Sabi ni Trisha.

"Haha. Okay lang yun."

May kumatok sa may room namin, si Vincent. Ewan ko kung bakit ko siya kilala. Talagang updated lang talaga ako sa mga bagong tao dito.

"Hi!" Sabi niya sabay kamot sa batok niya. Halatang mahiyain. Hahaha, "Pinabibigay nga pala ni Miss Anciro. Para yan sa Christmas party."

Kausap niya ko pero hindi siya sakin nakatingin. Yung totoo?

Teka... kay Vea ba siya nakatingin? O kay Trisha?

"Ah, anung pangalan niya?" Tanong niya. Tiningnan ko pang mabuti kung kanino siya nakatingin.

"Si Vea."

"Ah, ganun ba. Sige mauna nako marami pakong dadalhan, e."

Grabe, di manlang nakipagkilala. Talagang tinanong lang ang pangalan ni Vea. Tsk

Pumasok nako sa room at pinabasa kayna Vea at Trisha yung invitation.

"Psst, Vea, type ka ata ni kuyang masipag,"

Biglang sumagot si Trisha. "Uy Vea, may Prince kana, diba?" nagulat ako dun ah. Hindi ko in-expect yun.

"Hindi pa naman kayo Vea, diba?" sabi ko na parang nangaasar. Biglang nanahimik si Trisha sa isang tabi at kunwari nagtetext.

Tsk. Akala niya ba maloloko niya kami. Kasasabi niya lang kanina na wala siyang load kanina. Liar.

Pilit kong tinitingnan yung phone niya pero ayaw niya talaga ipakita sakin.

"Isha, sinong katext mo? Meron nga ba? O nagkukunwarian ka lang na may katext ka? Wala ka kayang load."

"Pwede ba, tigil na! Ang dami mong tanong. Nagpaload ako kanina kaya nakakatext ako! At may katext talaga ako! Si Lester! Ok, na ba? Oh may kulang pa!?" Oooops, parang napikon ko ata siya. Masyado ba akong makulit?

"Hala, Gab! Lagot! Naasar na siya." Sabi ni Vea.

"Sorry naman, please wag kana magalit." sabi ko sabay pout.

"Oo na." sabi niya pero halatang pilit..

"Hindi mo pako pinapatawad ,e. Please, h'wag kana magalit." Pangungulit ko pa. Ayun kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa nauwi sa pillow fight ang tampo niya.

Lumabas na kami para bumili ng pagkain. Habang nababa kami sa hagdan nakita ko si Trevor na naka-upo sa hagdan. Syempre dahil sa hindi mapaliwanag na nararamdaman ko, binilisan ko ang lakad ko at nagkunwaring di ko sya nakita.

"Uy, Gab-" sabi ni Vea na hindi niya na natuloy dahil sinenyasan ko siya na tumahimik.

Nung nakalagpas na kami kay Trevor, biglang may humila sa braso ko. Malamang si Trevor na yun. Bakit naman ngayun pa sa harap ng mga kaibigan ko?

"Hey Mrs. Mitchell, bakit mo ko iniiwasan?" Wait, what? Mrs. Mitchell daw? Surname niya yun, eh.

"Mrs. Mitchell? Hindi ako ang nanay mo." Sagot ko.

"Nanay ko? Hindi talaga ikaw ang nanay ko, dahil ibang iba ka sa kanya. Pero yan ang future surname mo." Wow naman! Hindi ko in-expect yun. Tss. Nakakakilig tuloy.

"Siguro dapat muna natin silang iwan." sabi ni Trisha

"Yeah right, masisisra nanaman natin yung moment nila, e." sagot naman ni Vea na in-emphasize pa talaga yung nanaman.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon