Chapter 5 - Another Victim

344 18 1
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

"AAAAACHINGGG!"

"Yucks! Ano ba yan, Gab. Kanina kapa hatching ng hatching dyan." Trisha.

"Nagpaulan ka pa kasi, alam mo namang mahina ang resistensya mo." Ivan.

"Trisha, kamusta na si Vea?"

"Hinayaan ko muna syang matulog bago ko pumunta dto."

"Buti naman. Sana maging maayos na siya."

"Ahm.. Gab, sorry talaga. Sana inintindi ka nalang namin saka di namin ni-judge agad si Crizza."

"Wala yu—AAAAACHINGGG, alam ko namang nag-aalala lang kayo sakin."

"Buti nalang at may ganto kaming kaibigan, mabilis magpatawad." Sabi ni Trisha mg malambing.

"Asus!" Sabi ko.

"Oh, tama na ang mga drama niyo. Mga babae talaga." Nakalimutan kong andito pa pala si Trevor. Hahaha.

"Fafa Trevor, kung ayaw mo ng drama hwag ka dito sa room ni Gab." Natawa ko bigla sa sinabi ni Trisha. Nahawa na ata sa kasungitan ni Vea. "Teka, ano pa nga palang ginagawa mo dito?"

"Binabantayan ko kasi 'tong si my loves, baka mamaya magkasakit kasi naulanan." Sabi ni Trevor saka tumawa. Ano daw? My loves. Naglinis naman ako ng tenga, ah.

"Ayiee." asar ni Trisha

"Tss. Ano namang magagawa ng pagbabantay? HIndi ba siya magkakasakit?" pabulong na sabi ni Ivan pero sapat na para marinig namin.

Hindi nalang sya pinansin ni Trevor.

"Alis narin ako. May gagawin parin ako." Sabi ni Trevor.

"Sige, ingat ka."

Pagkalabas na pagkalabas ni Trevor nagsalita ulit si Ivan ng pabulong, "Buti naman."

"Uy!" Trisha.

"Anak ng tokwa! Ano ba Trisha!? Bakit ka nanggugulat diyan!?"

"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Trevor ah!?"

Veatrice Daniels' POV

*one week later*

Sobrang nagsisisi ako sa mga nagawa ko ng namatay si dad. Alam ko na hindi niya magugustuhan ang inasal ko noon. Pati ang mga kaibigan ko pilit ko pang inilalayo sakin.

Lunch break ngayon at nagiisa akong kumain sa cafeteria. Hindi pa siguro alam ng dalawa na pumasok nako. Isang linggo din kasi akong hindi pumasok.

Nasa kalagitnaan palang ako ng pagkain ko ng may naupo sa harapan kong lalaki.

"Pwede bang maki-share? Wala na kasing ibang table."

Tiningnan ko siya saka inirapan, "Nakaupo kana dyan, may magagawa pa ba ko?"

"Ang sungit naman." pabulong niyang sabi pero alam ko namang pinaririnig niya talaga yun sakin.

"Anong sabi mo!?"

"Wala po, sabi ko may magagawa ka naman eh. Pwede mo naman akong paalisin kung ayaw mo kong katabi. Pero alam ko namang hindi mo yung gagawin."

"At gaano ka naman kasigurado na hindi kita papaalisin!?" 

Tinuro niya ang sarili niya, "Sa gwapo kong to? Wala pa kayang nagpapaalis sakin. Yung iba nga gustong gusto pakong makatabi. Maswerte ka pa nga eh."

Aish! Ayoko talaga sa mahahanging tao! "Alis!"

"H-Huh?" Parang nagulat siya sa sinabi ko.

"Sabi ko alis!"

"Bakit sayo ba to!?"

Inirapan ko siya, "Ang sabi mo kanina kung ayaw ko may magagawa naman ako. Tas ngayon, ayaw mong umalis!"

Tumingin siya sa paligid. Napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Maya maya pa may nagtaas ng kamay sa dalawang table ang layo samin. "Kuyang pogi dito ka nalang maupo. Ang luwag luwag pa ng space oh!"

Ngumisi siya sakin bago tumayo, "I told you. Maraming gusto akong makatabi." sabi niya saka kindat. Yucks!

Naglakad na siya papunta dun sa may tumawag na babae.

"Yiee! Tatabi satin si kuya!"

"Ayan na! Lalapit na! Gosh!"

"Oh my! Mas gwapo siya sa malapitan!"

Aish! Ang haharot!

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Nagiikot ikot muna kami ng campus pagkatapos kumain. Pumasok na kaya si Vea?

"Uy, alam mo bang may namatay nanaman kanina, si Jem." sabi nung isang babae sa kumpol ng babaeng nagkwekwentuhan sa isang gilid.

"Ah, grabe! Kamamatay lang ni Kaila!" sagot nung isa.

Napaisip nanaman ako. Bakit sila namatay? May susunod pa ba? kaibigan ko ba? o ako? Sana h'wag naman. Sino ba ang pumapatay?

"Friend! Natatakot nako. Nagtataasan na ang mga balahibo. Parang kailan lang nakasalubong ko pa siya, ngayon wala na siya." sabi ni Trisha saka paulit ulit na pinunasan ang mga braso niya para bumaba ang balahibo.

"Balita ko, iniimbestigahan daw ang mga transferee. Sa ngayon wala pang ibang suspect kundi si Crizza. Dahil siya din ang suspect sa pagkamatay ni Kaila."

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon