Chapter 43 - Conclusion

52 9 0
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

(A/N: Sabaw 'tong update, promise.. pfft. Kung gusto niyong i-skip okay lang kasi hindi naman makakaapekto sa daloy ng story. Libre lait. HAHAHA. Pero basahin niyo narin pala. Baka malito kayo, e.)

Pagbuklat ko nang sumunod na page may nakaipit na papel. Nakatupi ito at parang pinunit lang sa isa pang notebook.

Binuklat ko yun. Isipin mo yun? Ang buhay ko pala ay puno nang kasinungalingan. Siguro kaya nga pinapaniwala ko rin sila sa kasinungalingan na hindi ako si Gab para makaganti ako.

Pero bakit ganun? Ako ang nasasaktan sa ginagawa ko. At pinakamasama pa, pati mga naging totoo saking kaibigan nasasaktan ko.

Sinimulan ko nang basahin ang nakasulat sa papel. Pinagkumpara ko ang sulat kanina sa hawak kong papel. Mukhang hindi kay Trevor 'to.

Ako nga ang nagmatapang na witness. Dati ko nang alam ang mga bagay na ito pero natatakot akong sabihin ito sa iba dahil baka malagay din sa manganib ang buhay ko. Sinabi ko na kay Miss Anciro ang lahat lahat na nung gabing namatay si Arianne. Kitang kita ng dalawang mata ko na hinila ni Trevor papasok ng CR si Arianne na wala ng buhay. Wala akong nagawa dahil ayokong madamay. Mukhang ayaw pang maniwala sakin ni Miss Anciro. Dahil hindi naman talaga ka panipaniwala ang mga sinasabi ko. Mayaman si Trevor, sikat, mabait at halos lahat ng mabubuting bagay nasa kanya na at walang dahilan para gawin niya yun. Kahit ako hindi makapaniwala sa nakita ko ng gabing yun.

So lahat nang sinabi niya sakin noon ay totoo. Dapat naniwala na ko sayo una palang nang hindi na umabot sa ganito.

Biglang may tumawag sa telepono. Nakita daw nun yung killer sa may 3rd floor. Hindi siya nagpakilala. Dahil dun agad na umalis sina Miss Anciro sa office at iniwan nila ako dung mag-isa. Habang nagiisa ako sa may office tinitingnan ko ang mga decoration dun. Narinig ko ang pintong unti unting bumubukas.

Sa halip matakot o mainis ko kay Trevor sa sama nang mga pinaggagagawa niya noon.. Napangiti pako.

Nasa dugo talaga namin 'to. Ang talino niya! Sigurado ako na siya ang tumawag na nakita daw ang killer para maiwang mag-isa si Nicole.

Tinanong ko pa kung si Miss Anciro siya habang nakahawak ako sa magkabila kong braso. Nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Trevor. Pumasok siya sa loob ng office. Nakangiti sya pero parang nakakatakot siya. Parang nababaliw na siya

Lumapit siya sakin at may dinukot siya sa bulsa niya. Kutsilyo. Puno ako nang takot nang mga panahong iyon. Hirap na hirap akong huminga. Na para bang kahit anong oras pedeng katapusan ko na. Nagmakaawa rin ako sa kanya na h'wag niya kong patayin. Hindi naman daw niya ko papatayin basta sumama lang ako sa kanya. Nang mga panahong yun.. tanggap ko na. Tanggap ko nang kamatayan ang kahahantungan ko. Bigla niyang nilabas yung kutsilyo niya at muntikan nang maisaksak sakin napigilan lang ng kamay ko. Sobrang lakas nya. Sinipa ko siya at sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng bato. Kukuhanin ko na ang bato ng nahiwa niya ang may binti ko dahil nakahiga siya. Agad kong kinuha ang bato at binagsak yun sa kanya. Nakatulog siya dahil humihinga pa.

Hindi ko na itinuloy ang pagbabasa dahil sa totoo lang.. Boring ang binabasa ko. Saka alam ko nanaman ang susunod na mangyayari. So bakit pako magsasayang ng oras sa pagbabasa?

Binalikan ko na ang pagbabasa ng diary ni Trevor.

That girl! Oo nga, pwede siyang makapagsumbong. Pero sino namang maniniwala sa kanya? Stupid. Bakit naman iisipin ng taong papatay ako. Nang bumalik nako sa room ko naabutan ko dun si Miss Anciro para tanungin ako kung ako ang killer. Isa pa siyang tanga e. Syempre, ide-deny kko yun. kahit sino naman siguro ang killer ide-deny yun. Habang kinaka-usap niya ko biglang may tumawag sa kanya, nasa clinic daw si Nicole at sinabing sinugatan ko siya sa binti. She asked me kung ako ang gumawa nun. Alam niyo nanaman siguro ang sagot ko 'no?

Para ma-convice sinabi ko pa na kahit itanong niya pa kay Lester.. buong araw lang akong nasa room ko. Kaya lang naman ako naglakas ng loob na sabihin yun dahil alam kong walang paki-elam si Lester sa napasok at nalabas ng kwartong 'to. Umalis siya pero na mukhang masama ang tinggin sakin. Pake ko? Patayin ko din siya e.

*End of Flashback*

"Gusto mo raw akong maka-usap?" Tanong sakin ni Harold.

"Have a seat." Sabi ko at nang umupo na siya sinabi ko na sa kanya ang kailangan ko, "You told me before na ang Hoodlum ay pinaghalo lang na Death Gang at Heartless Empire? Am I right?"

"Yes."

"Alin ang pinamumunuan ni Shannel Faulkerson?"

"Heartless Empire."

"Ano ang mas malakas sa dalawa? Noong hindi pa sila nag sasama?"

"Still, the Heartless."

Napangiti ako, "Now, I get it?"

"Alin?"

"It's none of your business. You may go, now. Thank you for the information." Sunod-sunod kong sabi sa kanya para wala nang palag.

Malinaw na sakin lahat.. Kung sino ang totoong antagonist sa kwentong 'to na sinimulan niya.

Lucas Faulkerson, married my mother para maging malakas ang organization niya para matuloy ang plano niya na pabagsakin ang CATASTROPHE. I can't believe this. Ama ko ba talaga siya?

Pero hindi ko alam kung paano nagawa ni mom na patayin si Sebastian. Sa mga research ko naman. minahal niya talaga si Sebastian. Anung ginawa ni Lucas para mapasunod si mom? Ang gulo.

Basta ang malinaw lang sakin.. yun ang dahilan kung bakit nabaliw si Trevor. Kung bakit madaming namatay sa Dorm. Kung bakit namatay siya. At kung bakit namatay si Ivan.

Siguro nga, mahal ko parin siya hanggang ngayon. Kaya hindi ko matanggap ang lahat. Puno ng poot ang puso ko. Galit.

Dapat magdusa sila higit pa sa pagdudusa ko. Lahat ng kasinungalingan nila dapat nilang pagbayaran. Intayin lang nila ko. Dahil nagsisimula palang ako.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon