Chapter 46 - Lucas Faulkerson's Downfall

59 8 0
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Ang sakit ng ulo ko. Damn. Anu bang nangyari.

"Gising kana pala."

Napabangon ako bigla saka aktong huhugutin ang baril pero wala nga pala kong baril. Argh.

"Gab.."

"J-Jacob. Nasan ako? Don't tell me kasabwat ka nila?"

Natawa siya, "No, I'm not. Relax."

Jacob Harris' POV

*flashback*

Ilang araw ko nang pinapa-track si Gabriella sa kanila. Ang hirap sa totoo lang. Napakamaingat niya sa lahat ng galaw niya at sinigurado niyang wala siyang kahit anong device na madadala na pwede naming magamit para mahanap siya.

Hindi ko na talaga alam kung ano ang pumapasok sa isip niya. Napakahirap niya nang basahin kumpara dati.

"Stephen, nasa Japan siya. Ito ang eksaktong lugar kung nasaan siya ngayon." Sabi ni Anthony saka inabot sakin ang isang address. "Gusto narin namin siyang makausap para linawin ang mga ilang bagay."

Kasabay ng paghahanap namin kay Gabriella, hindi narin nila ako tinantanan tungkol sa pagtawag ng "Gabriella" ni Sofia kay Gab.

Pati ang kapatid ko ayaw akong tantanan katatanong kung sino talaga si Gabriella.

Agad kaming nakagawa ng paraan para makapunta ng Japan as soon as possible. Dahil pwedeng magiba agad siya ng location.

When we reached Japan hindi kami nagpahinga. Agad agad pumunta na kami kung nasaan siya.

Sa kasamaang palad wala na siya dun. Pero naiwan niya ang mga ginamit niya para hanapin si Lucas Faulkerson. Sino ba si Lucas Faulkerson sa kanya?

Buti nalang kasama namin ang buong organization at nandito si Harold para makakuha ng informations kahit gaano pa pagmukaing normal na laptop lang ni Gabriella ang ginamit niya para mahanap si Lucas.

Sa ngayon parang hindi ko pa siya kilala. Na ang alam ko palang sa kanya ay wala pa sa kalhati ng buong pagkatao niya.

Nahirapan pa kaming hanapin kung saang room sila nandun. Sa laki ba naman ng company ni Faulkerson.

Wala na silang pinapalampas. Inisa isa namin lahat ng rooms. Lahat ng haharang sa dinadaanan nila pinapatay na nila.

Wala narin akong pake. Basta patuloy lang ako sa paghahanap.

Nagulat nalang ako ng may lumabas sa isang room na binuksan ko. Akala ko matutuluyan nako. Pero may bumaril sa kanya mula sa likuran ko.

Taylor..

"Magiingat ka. Gamitin mo parin ang senses mo. H'wag puro si Ga--- Crizzia ang iniisip mo." Masungit na sabi niya sakin.

Takte! Bakit bigla akong kinutuban dito sa may pinto sa harapan ko. Ito kasi ang pinakamalaking room sa lahat. Pagbukas ko kusa nang gumalaw ang kamay ko at pinagbabaril ang mga tao na nasa loob nun

Ganun din naman ang ginawa ng mga kasama ko. Sa isang iglap lang. Kaya bukod samin, wala nang malay lahat ng nasa kwartong 'to.

Nang mahagip ng mata ko si Gabriella agad ko siyang binuhat at dinala sa headquarters namin dito sa Japan.

***

"May gusto sana kong sabihin sayo." Mahinang sabi sakin ni Taylor.

"Anu yun?"

"Ano kasi---"

Bigla nalang bumukas ang pinto at, "HARRIS, SI CRIZZIA NAWAWALA SA KWARTO NIYA!"

"ANO!?"

Shet. Ano bang nasa isip niya? Mahina pa ang katawan niya dahil sa sinaksak sa kanyang gamot.

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Hinang hina pa ko pero ayoko ng magsayang ng oras. Dahil kapag pinatagal ko pa 'to. Sigurado ako na makakalaban ko narin pati ang sarili kong ina.

Kahit naman galit ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pagpatay sa totoo kong ama. Ayoko parin siyang makaaway ng CATASTROPHE.

Kaya nga eto ako at pauwi na ng Pilipinas para magkausap na kami. Dahil alam ko.. Kahit anong oras pwede na niyang malaman ang pagkamatay ni Lucas.

Pagbukas ko ng office ni mom. Ilang baril agad ang nakatutok sakin. Mukhang binabalita na sa kanya ang nangyari dahil madaming tauhan niya ang nandito.

"Go ahead. Papatay niyo nako sa kanila! Tutal matagal nanaman akong patay para sa inyo, mom.."

"G-Gabriella?" Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko.

Tumingin siya sa mga underlings niya at sinenyasan na ibaba ang mga armas na nakatutok sakin.

"We need to talk. Tayo lang dalawa."

"Saka nalang ulit natin pagusapan ang tungkol dito. Umalis na kayo." Sabi niya saka nagalisan na lahat ng underlings niya.

Nang kami nalang dalawa ang natira lalapitan niya sana ko para yakapin pero lumayo ako.

"Bakit mo tinago lahat 'to sakin?"
Doon bumuhos na parehas ang luha namin.

"Pano mo---"

"SAGUTIN MO NALANG, MA!" Ang sakiy sakit sa pakiramdan na ginaganito ko siya. Pero gusto kong magpakatatag sa harapan niya.

Ayokong ipakitang mahina ako.

"Ayokong madamay ka pa. Gusto kong mamuhay ka ng normal."

Ngumisi ako, "SA TINGIN MO BA NABUBUHAY AKO NG NORMAL NGAYON!?"

Hindi siya makasagot. Puro iyak lang ang maririnig mo.

"YOU LET IVAN DIED INFRONT OF ME! YOU KNOW HOW PAINFUL THAT IS? HUH!? AT LAHAT NG YON GINAWA MO PARA LANG MAGPANGGAP NA ISA KA LANG NORMAL NA INA NA MAHINA AT HINDI KAYANG LUMABAN!"

"S-Sorry."

"SORRY? SORRY FOR WHAT? FOR LETTING IVAN DIE!? OR FOR KILLING YOUR OWN HUSBAND AND MY REAL FATHE---"

Sinampal niya ko. Ito ang unang pagkakataon na sinaktan niya ko.

"I didn't kill your father. Mahal na mahal ko siya."

"Kaya pala ipinagpalit mo siya kay Lucas."

Paalis na sana ko ng pigilan niya ko.

"Makinig ka muna. Hindi mo pa alam ang buong katotohanan."

"Fine!" Sabi ko saka padabog na naupo sa isang upuan sa tapat ng table niya.

Naupo naman siya sa harapan ko saka hinawakan ang mga kamay ko.

"Mga panahong magkasama pa kami ng dad mo at pinagbubuntis pa kita, nakakatanggap nako ng mga threats. Tulad ng papatayin nila ang dad mo at si Trevor. Siguro isa na to sa naging dahilan kung bakit itinago ko sayo ang lahat. Ayokong matulad ka sa dad mo."

Nakikita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo. Baka matapos nito wala nakong mukhang maiharap sa kanya sa dami ng masasakit na salita na nasabi ko sa kanya.

"They killed Sebastian." Lalo pa siyang naiyak, "And they said isusunod na nila si Trevor kapag hindi nakipagmerge ang Heartless sa Death."

Gusto ko nalang lamunin ng lupa ngayon dahil sa mga nasabi ko kanina. Patuloy narin ang pagtulo ng mga luha ko. Na parang kahit anong pigil hindi ko kayang pigilan.

"W-Wala akong n-nagawa." Niyakap ko siya dahil dun.

"Sa tingin ko naman mom.. Patas na ngayon na naipaghigante ko na ang pamilya natin."

"Naging masaya ka ba anak?"

Isang tanong na napaisip ako. Naging masaya nga ba ako sa mga pinaggagawa ko?

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon