Chapter 7 (Part 1) - The Killer?

301 19 1
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

"OMG!!!!!!!" Sigaw ni Trisha sa kilig. Mas kinilig pa kaysa sakin. Kinuwento ko kasi sa kanila yung nangyari kahapon.

"Hindi parin ako boto sa Trevor na yan." Vea.

"Awwtsu. Bitter ka lang friend kasi wala kang lovelife." Trisha.

"Nahiya naman ako sa lovelife mo." Vea.

"At least ako nage-enjoy sa lovelife ng iba. Eh ikaw? Wala na ngang lovelife, pati ba naman lovelife ng iba pagbi-bitteran."

Tinignan siya ng masama ni Vea. "Alam mo-"

"Tumahimik na nga kayo pinagtitinginan na tayo." pagsasaway ko sa kanila. Hays, lagi nang magkakontra sa desisyon eh.

"Whatever." Vea.

"Pero hindi pa ba talaga kayo?" Ngingiti-ngiting sabi ni Trisha sabay taas ng mga kilay.

Sasagot na sana ko pero may nauna na sakin.

"Malapit na." Si Trevor. Bakit ba lagi nalang siyang ganyan? Bala tuluyan nakong ma-fall niyan sa kanya.

Naupo siya sa tabi ko saka inabot ang isang bulaklak.

"Para sa pinakamamahal kong babae."

"Yieee." Sabi ni Trisha sabay palo sa braso ni Vea.

"Aish! Trisha!!!! Yan na nga ba ang sinasabi ko. Nakakapanakit kana pag kinikillig ka!" Namumula na siya sa inis.

Nag-peace sign si Trisha, "Sorry na po. Hindi na."

Tiningnan ako ni Vea.

"Hoy, Gabriella. Mukha ka nang kamatis dyan! HIndi bagay sayo." sigaw ni Vea.

"Yieee." Trisha.

Hindi ko alam kung yun bang pamumula ko ay dahil sa nahihiya sa mga taong nakapaligid o dahil talaga sa kilig. Kung makapagpakilig kasi 'tong lalaking 'to. Siya na talaga.

"S-Salamat." Sabi ko kay Trevor.

"Anything for you."

"Tara na nga, Gab! Ma-late pa tayo sa next class natin." Vea.

Inirapan siya ni Trisha, "Kahit kailan panira ng moment."

Tiningnan siya ni Vea ng masama, "H'wag mo kong simulan Trisha Smith."

"Pikon, haha!"

"TRISHA SMITH!!!"

***

Nang makarating na kami sa classroom grabe ang tinginan nang mga kaklase ko. Yung iba pinapatay na ata ako sa tingin.

"Eww, narinig ko sa canteen na sinasabi niyang nililigawan siya ni Trevor."

"Really? Hindi ba siya kinikilabutan sa mga sinasabi niya? Malabong patulan siya ng isang Trevor Mitchell."

"Sa tagal ni Trevor dito. Hindi siya nagka-girlfriend. O kahit noon pa man. Tas dyan lang siya babagsak."

Kung makaasta 'tong mga to, akala mo naman wala ako sa harapan nila.

Maya maya pa, nilapitan na nila ako. Hindi ata nakatiis. Mga papansin.

Tatlo sila. Itinulak nung isa yung balikat ko, "Hoy, babae! Totoo bang sinabi mo daw na nililigawan ka ni Trevor!?"

Sasagot na sana ako pero umepal naman yung isang babae, "Akala mo siguro maganda ka? Yucks! Masyado kang feeler."

"Mangarap ka nalang. Dahil bago mapunta sayo si Trevor. Dadaan ka muna samin."

Hindi ko nalang sila pinansin. Useless makipag-away sa mga ganitong tao. Alam kong sa huli ako parin ang talo pagdating sa sagutan.

Kinuha ko ang librong nasa table ko saka binasa. Bala sila dyan.

Biglang hinablot nung isa yung libro ko. Saka dumampi ang mabibigat niyang palad sa mukha ko.

"Ngayon, nagtetengang kawali ka!" Napahawak ako sa pisngi ko. Huhuhu. Ang sakit nun ah.

Argh! Maigsi lang ang pasensya ko.

Tumayo ako at inagaw ang libro ko sa kanya, "Alam mo ba kung bakit ayaw kitang patulan?"

Halatang nagulat sila sa ginawa ko. Dahil sa may pagkaagresibo kong pagkuha ng libro tapos ay mahinahon lang ang pagsasalita ko.

Nginitian ko sila ng nakakaloko. "Ayokong bumaba sa level niyo. Level niyo na konting tsismis lang, nagoover react na. Isa pa, bakit ba ako ang inaaway niyo? Natatakot ba kayo na baka dahil sakin hindi na kayo magkaroon ng pagkakataon na mapansin ni Trevor."

Ang sama ng tingin nila sakin. Kwes hindi ako papatalo.

"Ito ang tandaan niyo." tinuro ko sila isa-isa. "Kung ngayon palang na hindi pa kami ni Trevor, hindi na kayo pinapansin.."

Lumapit ako sa tenga nung nasa gitna at bumulong.

"Pano pa pag nasakin na ang buong atensyon niya."

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hilahin ang buhok ko. Argh! Madaya, dito sila expert eh.

Nung una hindi pako lumalaban, pero ng pagtulung-tulungan nila ako, lumaban narin ako. Lugi naman no. Isa lang ako tatlo sila.

"MALANDI KA! ANONG GAYUMA BA ANG GINAMIT MO KAY TREVOR!?"

"BAKIT GAGAMITIN MO DIN!?" May pang-aasar na sabi ko. Wrong move! Mas diniinan pa nila ang pagkakasabunot sakin.

"HINDI KAPA NAKUNTENTO! IKAW NA NGA ANG TOP STUDENT. PATI YUNG PINAKAGWAPO SA SCHOOL KUKUNIN MO PA!"

"Tigil!!!" Napatigil kaming apat. Tumakbo papalapit samin si Ivan saka ako inakbayan. Huh? "Ano bang sinasabi nyon nililigawan siya ni Trevor?"

Tumingin siya sa paligid.

"Guys, makinig kayong lahat.." Agad naman niyang nakuha ang atensyon ng lahat. "Ang babaeng to ay girlfriend ko."

Biglang lumakas ang bulungan sa paligid. Samantalang ako hindi ko alam kung papaano magrereact sa sinabi ni Ivan.

"Isa lang ang ibig sabihin nun.. Walang ibang pwedeng manligaw sa kanya dahil akin na siya."

Tiningnan ko siya. Tinanguan niya lang ako at parang sinasabing sakyan ko nalang.

"Kaya kapag naulit pang sinaktan niyo siya. Sakin kayo mananagot. Maliwanag!?" sabi niya sa tatlong babae na nakatulala lang

Iniintay niya ang sagot pero wala paring reaksyon ang tatlo na mukhang nagulat sa sinabi niya.

"Maliwanag!?"

Agad na napatango ng maraming beses ang tatlo. Halatang natakot sa mga binitiwang salita ni Ivan.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon