Chapter 25 - Mothers

74 12 0
                                    

Ivan's POV

"Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yan! May gana pa siyang pumunta dito. At eto pa, wala talagang manners... hindi man lang marunong kumatok."

Nagising ako ng yun ang una kong narinig. Sino ba 'to.

Nang mahimasmasan ako na-realize ko na si Mama yun.

"M-Ma?" Mahinang sabi ko.

Napatingin naman agad siya sakin.

"Anak! Gising kana." Niyakap niya ako ng mahigpit. Ganun din ang tuwa ng iba kong kamag-anak. "Buti nalang nagising kana. Na-miss kita."

Pinaghahalikan niya ko sa noo saka sa pisngi.

Ganyan talaga si Mama. Dati nga ayaw niya pakong paalisin samin. Sabi niya kahit hatid-sundo nalang daw niya ako sa school kahit gano kalayo.

Bago pako nagpatuloy sa paglipat ko sa dorm, hindi lang ata isang balde ng luha ang binuhos niya. Daig pa ang namatayan.

Aaminin ko rin na sobrang protective sakin ng nanay kong 'to.

"Siya nga pala ma.. bakit bago ko magising narinig kong parang galit na galit ka?" Tanong ko sa kanya.

"Wala yun anak." Pagsisinungaling niya.

Sumabat naman agad si papa, "pano yang Mama mo, galit na galit dun sa Gabriella ba yun?"

"Pa, tumahimik ka dyan." -Mama.

"Ma, bakit naman kayo magagalit kay Gab?"

Napakamot siya sa ulo at nagbuntong hininga, "pano ba naman kasi. Diba siya yung may kasalanan kung bakit nangyari yan sayo."

"Ma, wala siyang kasalanan... si Trevor ang may kasalanan ng lahat."

"Anak naman. Kung hindi dahil sa kanya hindi ka mapagdidiskitahan ni Trevor."

"Ma, pwede h'wag mo siyang sisihin." Napabuntong hininga ako. "Anu bang nangyari kanina?"

Sa halip na sagutin ni Mama, si Papa ang sumagot.

Ang isa pang ugali ni Mama ay hindi siya marunong tumanggap ng pagkakamali. Never ko pa siyang narinig na nag-sorry.

"Kanina kasi, pumasok dito si Gabriella. Pinagtabuyan siya ng Mama mo. Sinampa-"

"Kailangan pabang sabihin yan?" -Mama.

"Ma! Bakit niyo naman siya pinagtabuyan?" Medyo galit na sabi ko.

"Ivan Lesnie!" Buong sinabi ni Mama ang pangalan ko. Alam kong galit na siya dahil sinasabi niya lang ng buo ang pangalan ko pag galit na siya, "MASAMA ANG EPEKTO SA'YO NG BABAENG 'YUN. KAYA MAS MABUTI SIGURO KUNG LAYUAN MO NALANG SIYA!"

"Pero-"

"WALA NG PERO PERO. KUNG HINDI MO KO SUSUNDIN, KALIMUTAN MO NANG MAY INA KA!" Tumayo siya at lumabas.

"Ma!" Sabi ni Papa saka hinabol si Mama.

Ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal ko si Gab pero mahal ko rin naman ang Mama ko.

Hindi ko pwedeng basta basta nalang iwasan si Gab.

Ayoko mang suwayin si Mama pero hindi ko siya kayang sundin. Lalo na't si Gab na ang pinag-uusapan.

Hindi pwedeng kung kailang wala na si Trevor at wala nakong kaagaw saka naman siya eeksena.

Tinanggal ko ang dextrose na nasa kamay ko at palabas nako ng pinto nasalita ang pinsan ko.

"Kuya, san ka pupunta?" Tanong ng pinsan ko.

"Pupuntahan ko lang si Gab."

"But kuy--"

Hindi ko na siya pinatapos at natuloy tuloy sa paglalakad.

Medyo mabagal pako maglakad at paika-ika pa. Ang sakit kaya ng ginawa sakin ni Trevor.

Kulang nalang patayin na niya ko.

Tinanong ko dun sa nurse kung saan ang kwarto ni Gab.

"Hindi po ba kayo nagkita kanina?" May pagtatakang tanong niya.

"H-Hindi e."

"Sige po. Andun po siya sa 424."

"Sige, thank you."

Kumatok ako.

Ilang segundo pa bumukas na yung pinto.

"Oh, Ivan?" Si Trisha yung nagbukas ng pinto. Halatang nagulat siyang makita ako.

Tiningnan ko yung buong kwarto. Pero wala dun si Gab.

"Si Gab?" tanong ko sa kanya.

"P-Pumunta lang sila sa Chapel dyan."

Hinanap ko kung san yung chapel at nakita kong andun nga siya. Nakaluhod siya at nakikita ko sa mga mata niya na umiiyak siya.

Tumayo ang Mommy niya at agad akong nahagip ng mata niya.

Lumapit siya sakin.

"T-Tita."

"Ivan, alam kong nadamay ka lang sa nangyari."

"Tita no, ginusto kong maging involve dito. Simula palang involve nako dito."

"Pero Ivan, alam mo na galit na ang parents mo kay Gab. Sobrang nasaktan ang anak ko sa sinabi ng mga magulang mo. Alam kong pinapaiwas ka na nila kay Gab. Sumunod ka nalang."

"Pero mahal ko po si Gab."

"Mahal mo din ba ang mga magulang mo?

"Opo."

"Sundin mo sila."

Wala nakong nagawa at bumalik nalang ako sa room ko.

Pagbalik ko nakita ko dun si Mama. Ang sama ng tingin niya sakin.

"San ka nanggaling!?" Galit na tanong niya kaya napayuko nalang ako, "kay na Gabriella ba?"

Lumapit siya sakin, "O-Opo."

*PAK*

Isang malakas na sampal ang dumampi sa mukha ko.

"SINABIHAN NA KITA KANINA, PERO ANONG GINAWA MO!?"

Napa-iyak ako. Ngayon lang ako nasampal ni Mama. Ngayon din lang kami nag-away.

"NILANDI KANANAMAN BA NYA!? GANUN BA SIYA KAHALAGA PARA SUWAYIN MO KO!? AT--"

"Ma, tama na! Pumunta ko dun para lang maihingi kayo ng sorry kay Gab. Pero ano? Itinaboy din lang ako ng nanay niya. At alam niyo yung masakit, kayo ang dahilan kung bakit ayaw niya na kong palapitin kay Gab. MASAYA NA BA KAYO?"

"IVAN! HINDI KO GUSTO ANG INAASAL MO SA MAMA MO?" Sabat ni Papa.

"MAHAL KO SI GAB, AT KUNG HINDI NIYO MATANGGAP YUN.. SIGE! PERI H'WAG NIYO SIYANG ILAYO SAKIN!"

Sabi ko saka tuloy tuloy na naglakad palabas ng kwarto. Bahala na kung saan makapunta.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon