Chapter 24 - The Pain

81 13 0
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Naupo ako para maka-usap ko ng maayos yung dalawa.

"A-Ano bang sinasabi ni mom na may kapatid ako?" Naiiyak na sabi ko.

Umiiyak narin silang dalawa.

"Sumagot kayo.... Please.."

"Gusto mong malaman kung sinong kapatid mo?" -Trisha.

"Trisha naman, kaya nga ako nagtatanong."

"Sa tingin ko hindi ako yung tamang magsabi n-" -Trisha.

"Si Trevor ang kapatid mo.." sinabi ni Vea na seryoso lang ang mukha.

"A-ANO! Vea, hindi ko gusto yang pagbibiro mo."

"PERO, AILENE! YUN YUNG TOTOO."

Mas lalo pang lumakas ang iyak ko.

Kapatid ko siya? Pano?

Ang minahal ko dati na Trevor ay hindi ko pala minahal dahil gusto ko siya... kundi, kapatid ko siya.

Wala akong maintindihan.

Hindi ko na namalayan na nakayakap na silang dalawa sakin.

Ilang minuto pa tumigil nako kaya nagawa ng mag-isip ng utak ko ng ibang bagay.

Naisip ko naman si Ivan. Nang huli ko siyang makita hinang-hina siya.

"Gusto kong makita si Ivan."

"Pero Ailene. Hindi ka pa pwedeng tumayo diyan." -Vea.

"Wala nakong pake." Napaiyak nanaman ako, "ako ang may kasalanan kung bakit siya napahamak."

Tinanggal ko yung dextrose at tumayo at nagdirediretso palabas ng pinto.

Sinundan naman ako nung dalawa.

Lumapit ako sa nurse station.

"Nurse, san po ang room ni Ivan Lesnie?"

"Kaano-ano po kayo ni Mr. Lesnie?"

"Kaibigan niya ko."

"Anu pong pagalan niyo?"

"Gabriella Faulkerson."

"Andun po siya sa room number 416."

Hindi nako nagaksaya ng oras at pumunta na kaagad ako dun. Dito rin kasi sa floor na to kaya hindi nako mahihirapan na puntahan siya.

Walang katok katok ay binuksan ko na agad ang pinto.

Nakatingin lahat ng tao sakin sa loob.

Hindi ko namam kasi alam na may tao. Alam ko nasa Manila lahat ang parents at mga kamag-anak ni Ivan.

"Sorry po, a-akala ko po kasi walang tao." Mahinang sabi ko.

"Sino kaba?" Sabi nung babae na medyo may edad na. Mga kasing edad ni Mom.

"A-Ako po si Gabriella."

Napatayo siya. "So, you are Gabriella Faulkerson." Masungit niyang sabi.

Napatango naman ako ng nag-aalangan.

Lumapit siya unti-unti hanggang sa isang ruler nalang pagitan namin.

*PAK*

Sinampal niya ako at agad naman akong hinawakan nung dalawang kaibigan ko.

Napahawak ako sa pisngi ko na sinampal niya.

"ANG KAPAL DIN NAMAN NG MUKHA MONG MAGPAKITA DITO. IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT MUNTIKAN NA S'YANG MAMATAY!"

Iyak lang ako ng iyak, "S-Sorry po."

"AT NGAYON, WALA KANG IBANG SASABIHIN KUNDI SORRY? LUMAYAS KA!" Sabi niya saka turo sa pinto.

"Ma, tama na yan." Awat naman ng asawa niya.

"Gab, mabuti pa nga kung aalis nalang tayo." -Vea.

Hinigit na nila ako palabas ng kwarto at binalik sa kwarto ko.

Hindi parin ako tumitigil sa iyak.

"Tama na yan." -Trisha.

"M-Masama ba a-akong tao?" Sabi ko ng humahagulgol parin sa iyak.

"Hindi, tahan na." -Trisha.

Una, nalaman kong kapatid ko si Trevor. Pangalawa, nalaman kong patay na siya at pangatlo galit na galit sakin ang pamilya ni Ivan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ang sakit sakit. Sana pala namatay nalang ako ng subukan akong patayin ni Trevor.

Dumating na si Mom at nakita niya na sobrang nasasaktan nako.

"Nak.." sabi niya saka lumapit at niyakap ako.

"Mom, pagod na pagod nako. Ayoko ng mabuhay."

Naramdaman kong pumatak ang luha niya sa likod ko.

"H'wag mong sasabihin yan... tandaan mo, ang Diyos ang nagbibigay ng mga pagsubok sa buhay natin. Ang mga pagsubok ay dinedepende niya sa tao. Kaya niya binigay ang pagsubok na yan ay dahil alam niyang malalagpasan mo. Malalagpasan natin."

Lumakas ng kaunti yug loob ko.

Pero hindi ko parin maiwasan na mag-isip na tama lang naman na ako ang sisihin sa pagkapahamak ni Ivan. Kung hindi naman dahil sakin.. hindi siya mapapahamak.

"Mom, may isang lugar nalang akong kailangag puntahan. Kapag hindi ako pumunta dun, hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Saan yun, nak?"

"Sa simbahan."

Someone's POV

"Baby... hindi ka pa lalabas diyan? Ilang araw ka nang nakakulong dyan sa kwarto mo." Sabi ni Mommy sa may pintuan.

Iyak lang ako ng iyak.

"Ma, umalis na lang kayo! Kailangan kong mapag-isa."

"Pero bunso, tuwing napunta ako dito lagi mo nalang yang sinasabi. Hindi ka narin nakain."

"MA, SABI NANG UMALIS NA KAYO!"

Labag man sa kalooban kong sigawan siya ay kailangan kong gawin. Para lubayan na niya ako.

Bakit ako nagkaganito?

Dahil sa isang babaeng may kagagawan kug bakit namatay ang pinakamamahal ko.

Ilang taon akong nagtiyaga na pagmasdan lang siya. At nang magtagal ay nalaman kong sila na.

Nagparaya ako at nanahimik lang sa isang tabi.

At ngayon malalaman kong PATAY NA SIYA! Ang taong pinakamamahal ko.

Kwes, kung akala niya ganun ganun lang yun. Nagkakamali siya.

Ipaghihiganti ko si Trevor. Ipaghihiganti ko siya. Magkamatayan man kami!

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon