Epilogue

83 8 1
                                    

Sinamahan ko ngayon si mom na bisitahin ang puntod ni dad. Hindi ko man lang siya naabutan.

"Sana nakasama ko pa siya no, mom? Hindi ko man lang siya nakita. Ni hindi niya pa ko kilala."

"Kaya nga ipapakilala kita sa kanya."

Naglakad na kami papunta naman sa kung nasaan si dad.

Naunang lumapit si mom.

"Oh. Bakit ayaw mo pa lumapit? Halika dito. Hwag kang mahiya sa dad mo." Nginitian niya ko. Kaya naman lumapit narin ako. "Seb, eto nga pala si Gabriella. Siya yung bunso natin. Yung excited ka nang makita dati. Yung.. Pinakikinggan mo pa sa tyan ko kapag nasipa siya. Siya na yan ngayon. Siguro destined talaga at nasa dugo niya na ang maging tulad natin. Na kahit anong pilit nating ilayo siya sa buhay na katulad ng meron tayo. Wala tayong magagawa."

Nginitian ko ulit si mom. "Dad.." Tumulo na yung luha ko. "Wala akong masabe. Pero dad.. Kahit wala na kayo alam ko namang binabantayan niyo parin kami ni mom.

Lumapit ako sa puntod niya saka nilagay ang bulaklak na hawak ko dun. Napaiyak ako. Ewan ko ba pero masakit parin sakin hanggang ngayon ang lahat. Kung sana dati kasing lakas nako nang kung anong lakas meron ako ngayon.. Sana nailigtas ko siya.

"Hi, Ivan. Miss mo na ba ko?" Ngumiti ako ng mapait. "Ako kasi. Miss na miss na kita. Three years na ang nakalipas. Eto ako ngayon, engaged na. Siguro may reason naman lahat. Siguro hindi tayo para sa isa't isa. Pero kahit anong mangyari hindi kita makakalimutan. Isa ka sa mga magagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Thank you sa lahat."

***

"Oh my! You're so pretty Gabriella!" Sabi ni Trisha.

"Dati pa siya maganda!" Sabi naman ni Vea.

"Wala naman akong sinabing hindi siya maganda dati eh! Palibhasa bitter ka lang dahil hindi ka napagkaitan ng ganda!"

"Aba't-"

"Oh, tama na yan. Magsisimula nanaman kayo." Hays. Buti naman at sinaway na sila ni mommy. Ang ingay eh.

Tumawa ng mahina si Trisha, "Ang bitter porket yung pinili lang na damit ni Gab eh yung pinili ko."

"Eh sa-"

"Vea. Tama na yan."

Umarte nang naiiyak si Vea, "Tita naman, bakit ako nalang lagi sinasaway niyo. Si Isha din naman eh!"

Napatawa nalang si mom. Ang kulit ng dalawang to.

"Hwag kang mag-alala. Isusuot ko din yung napili mong damit pagnadumihan to." Sabi ko.

"Ano ba yan. Lagi nalang nalang akong choice." -Vea.

"Asus. Tigilan mo na. Hahahaha. Nagmumukha ka nang tanga. Saka Gab, hwag mong sabihing kapag nadumihan. Mamaya sadyain niyang dumihan para magpalit ka." -Trisha.

"Hoy, Isha! Hwag mo nga akong igaya sayo!" -Vea.

"Kayo ngang dalawa ay lumabas muna. Nako. Hindi naman ata kayo titigil kahit anong saway ko sa inyo." -Mom.

"Tita. Hindi na po." -Vea.

"Sorry na po. Pleaseeee. Hwag niyo po kaming palabasin." -Trisha.

"No. Ang kulit niyo talaga. Labas na. Maguusap pa kami ni Gab."

Pagkalabas nung dalawa nagkaroon ng kapayapaan dito. Hays. Seryoso, kanina pa kasi sila. Hahahaha. Pero still, mas mihamahal ko sila lalo araw araw.

Lumapit sakin si mom. "Anak, sigurado ka naba talaga kay Stephen? Hwag mo sanang masamain yung tanong ko. Pero-"

Ngumiti ako sa kanya. "Mom, mahal ko po si Jacob. Sigurado din po ako na mamahalin niya ko ng lubos. Hindi niya po ako pababayaan."

Tumulo ang luha niya. "Kung saan ka masaya. Dun ako."

"Mom. Tama na yan. Hindi pa naman ako ikakasal eh. Engagement party palang to. Hehehe." Napapaiyak narin tuloy ako. "Tama na nga mom. Masisira ang make-up natin eh."

"Aba. Kahit na. Maganda nang sigurado."

"Mom, pagtagal tagal makikilala mo rin ng lubos si Jacob."

"Basta patay sakin yang Jacob na yan pag sinaktan ka niya." Tumawa nalang kami.

Maya maya lumabas narin kami. Maraming pang ginawa na nakaayon dun sa program. Ang dami ko ring nakilalang mga kamag-anak ni Jacob. Ang sarap pala sa pakiramdam.

Maya maya pa nagsimula na yung dance for all.

Syempre una kaming nagsayaw ni Jacob. Nakakahiya naman. Hindi naman namin to pinraktice. Hindi ako marunong magsayaw. Sa totoo lang first time kong sasasayaw ngayon. Hindi kasi ako sumasali sa mga JS nung highschool. Ayan tuloy..

Inilagay niya ang kaliwa kong kamay sa balikat niya tapos humawak siya sa waist ko. Saka niya naman hinawakan ang kanan kong kamay.

Nakatingin lang kami sa isa't isa.

"Ang ganda naman ng soon to be Mrs. Harris."

"Salamat. Ang gwapo din naman ng mapapangasawa ko eh." Tumawa ko.

"Yan ang gusto ko sayo eh. Hmm." Nilapit niya ang mukha niya sakin.

Nailang tuloy ako kaya umiwas ako ng tingin.

"Ngayon kapa nailang. Ikakasal na tayo."

"Eh kasi naman-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may naramdaman akong malambot na bagay sa mga labi ko. First kiss ko to. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Nagpalakpakan ang mga tao.

"Oh ayan.. Para sa susunod. Hindi kana maiilang. Lalo na't pag kasal na tayo baka asdfghjkl." Hindi ko naintindihan yung sunod niyang sinabi dahil sa lakas ng palakpakan.

"Ano?"

"Wala.."

"Teka! Si Lhara yun ah!"

"San?" Tumingin siya sa kung saan ko nakatingin.

"Ah si Lhara Natividad, kilala mo siya? Kaibigan kasi ng family namin ang mga Natividad kaya nandito rin siya."

Ang tagal ko rin siyang hindi nakita ah. Ang huli ata ay dun pa sa ospital nung hinalikan niya si- Argh! Naalala ko pa tuloy yun. Alam niya na kayang wala na si Ivan? Ilang taon narin naman ang nakalipas kaya sigurado akong alam niya na din.

"Baka sa susunod nga tayo naman ang umattend sa engagement party niya."

"I-Ikakasal na siya?"

"Yep, hindi ko lang alam kung sino yung lalaki. Siguro ilang months nalang. Pinaplano pa lang nila eh."

Maya maya tumayo yung katabi niyang lalaki at parang inaaya siyang sumayaw. Siguro yun yung mapapangasawa niya.

Tumayo sila kaya lang nakatalikod yung lalaki kaya hindi ko makita yung mukha niya. Parang sobrang saya ni Lhara.

Tiningnan ko si Jacob sa mga mata niya. Bakit ganun? Hindi ako kasing saya ni Lhara? Parehas lang naman namin kasama ang taong mahal namin. Masaya din naman ako pero pag tinitingnan ko yung mata ni Lhara at mga ngiti niya, ibang iba yung kanya.

Tiningnan ko ulit sina Lhara. Nakaside view na sila ngayon kaya kita ko na yung mukha nung lalaki.

Napabitaw ako kay Jacob.

"May problema ba Gab?" Halatang nag-aalala na siya sakin sa tono niya.

Hindi ko na siya nasagot dahil tumakbo agad ako papalapit kay na Lhara.

Bago pa man ako makalapit, namatay na ang mga ilaw.

"Ivan!"

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon