Chapter 26 - Lhara

53 11 0
                                    

Ivan's POV

Sa paglalakad ko bigla akong may nabangga.

Badtrip. Bakit ba sya paharang harang!? Hindi man lang tumingin sa dinadaanan.

"Bakit ba hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan mo!?" sigaw ko sa kanya. Sorry nalang siya hindi maganda araw ko.

Nalaglag ang mga gamit niya kaya hindi ko nakita ang mukha niya.

"S-Sorry." Sabi niya saka tumingin sakin. Nagulat ako. Damn, hindi ko sinasadyang masabihan siya nun.

"L-Lhara?"

Ngumiti siya, "Ivan!? Ivan!!!!!! Ikaw nga!!" Sigaw niya sa isang mahinhin na boses. Seryoso? Sigaw ko na bang matatawag yun.

Niyakap niya ko ng mahigpit. Kaso nadali niya yung sugat ko.

"Ouch!" Bigla siyang kumawala sa yakap.

"Ooops, sorry. Hala! Ano palang nangyari sayo? Saka bakit ang init ng ulo mo?" Nakita ko sa mga mata niya ang pagkabigla. May hindi pa pala nakakaalam sa nangyari sakin. Alam ko binalita na yun sa news.

"Mahabang kwento. Ikaw ba anung ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Handa naman akong makinig kahit gano pa kahaba yan. Nandito ako kasi binabantayan ko yung pinsan ko. Nagkasakit kasi siya."

"ah, okay. Sisimulan ko na yung kwe--"

"Hindi ko naman sinabing dito. Hehe." Ang cute niya talaga. Atlis nababawasan yung lungkot ko dahil nandito siya, "tara sa canteen. Dun mo yan tuloy. Libre narin kita."

Pumunta na kaming canteen at kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari simula ng huli kaming magkita.

"Ahh. Kaya pala hindi na kayo napasok."

"Yep. Kamusta na nga pala sa school?"

"Ayun, naghari-harian na at reyna-reynahan na ang mga bullies. Nakakainis lang. Saka alam mo ba yung si Sofia,mas lumala na. Iba na siya."

"aba. matinde!" sabi ko saka kami sabay na tumawa!

Kumain na ulit kami. Masarap talaga pag libre. Hehehe.

Kahit papano, hindi ko ganung naiisip ang mga problema ko.

"pero balik sa kwento mo. Grabe naman, sana h'wag nang magalit ang parents mo kay Gab." Sabi niya saka tinuloy ang pagkain.

Nalagyan siya ng sauce sa mukha niya kaya pinahidan ko yun nung tissue na nasa lamesa.

"may amos ka." Sabi ko saka ko siya nginitian. Namula ata siya siguro nahiya. "sana nga hindi na sila magalit, pero tingin ko hindi pa mawawala sa ngayon ang galit nila. Lalo pa't hindi pa ko masyadong magaling."

Napansin kong nakatulala siya kaya winagayway ko ang kamay ko sa unahan niya.

"A-Ay." Nabigla atang sabi niya.

"anyare sa'yo?"

"w-wala may naisip lang ako."

Nang matapos kaming kumain hinatid ko siya sa room ng pinsan niya.

"Thank you."

"anytime." Nginitian ko ulit sya.

Nagulat nalang ako ng bigla niya kong halikan.

As in sa labi.

Isa pang gumulat sakin ay nang marinig ko ang pagbagsak ng isang bagay malapit samin. Agad akong napatingin dun.

Trisha Smith's POV

Lumabas muna ko ng room ni Gab para sana bumili muna ng maiinom. Habang naglalakad ako pabalik hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Nabagsak ko ang mga binili kong inumin.

Napatingin tuloy silang dalawa sakin.

"Trisha!" tawag niya sakin.

Tumakbo agad ako palayo. Kailangan 'tong malaman ni Gab dahil baka umasa lang siya sa wala. Alam kong hinahabol niya ko.

Tumakbo lang ako ng tumakbo pero alam kong hindi ako ganun kabilis, naabutan niya ko at hinawakan ako sa braso. Grabe ang bilis ng lalaking 'to. Alam kong hirap parin syang lumakad pero nahabol niya parin ako.

"kung pipigilan mo ko na sabihin kay Gab ang nakita ko, hindi mo ko mapipigilan!" sigaw ko sa kanya.

"hindi mo naiintindihan. Wala kaming ginagawang masama!"

"WALA? E, ANO YUNG NAKITA KO!? WALA LANG YUN?"

"let me explain, please..." hinayaan ko lang siya magsalita, "hinatid ko lang siya sa room niya at hindi ko alam kung bakit bigla niya nalang ako hinalikan." Tumingin siya sakin na parang sinasabi ay 'please, maniwala ka sakin.'

"and you think na maniniwala ako sayo? Nakita ko kayo habang naghahalikan kanina. Ni hindi mo nga sya pinigilan man lang o itinulak."

"maniwala ka naman sakin please, hindi ko sya kayang itulak. Kilala mo ko, hindi ko rin kayang pagpalit si Gab."

"oo, akala ko kilala na nga kita, hindi pa pala."

"please naman, h'wag mong sabihin sa kanya." Lumuhod siya sa harapan ko.

"sorry, Ivan pero mahal ko ang kaibigan ko." By that position, I left him.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon