Chapter 8 - The Nightmare

266 18 1
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Pagkatapos nun, napadaan kami sa CR kung saan maraming namamatay.

Hindi ko alam pero may nagtutulak saking pumasok ako dun.

"Gab, dun kana mag-CR sa room mo! Gabi na, oh!" Sabi ni Ivan.

"Sandali lang---"

Bigla akong may narinig na medyo nakakatakot na tunog mula sa CR.

Bigla nalang akong tumakbo papunta sa loob. Kahit medyo madilim hindi ako natakot. Basta para kasing may nagsasabi sakin na kailangan kong tingnan kung anu mang meron sa loob.

"Gab!" Sigaw ni Ivan na nanatili lang sa labas.

Pagpasok ko sa loob nakita ko ang walang buhay na katawan ni Arianne. Ang alam ko kapatid ni Austin si Arianne dahil parehas sila ng surname.

"A-Arianne." Nanigas nalang ako sa kinatatayuan ko.

Anung klaseng tao ang gagawa nito. At b-bakit?

Bigla akong nagising.

Panaginip lang pala yun. Buti naman. Hindi ko kayang makita si Arianne ng ganun. Pawis na pawis narin ako dahil sa takot at kaba.

Teka? Bakit nga pala ko nandito? Ang alam ko kasama ko lang sa library kahapon si Ivan. Bakit nandito nako sa kwarto?

Biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Gab, gising kanaba?" tawag ni Ivan.

"oo, sandali lang."

Binuksan ko na ang pinto kahit di pa ko nakakapag-ayos.

Ivan Lesnie's POV

Grabe naman ang buhok ni Gab. Hindi pa nagsusuklay. Hays. Sigurado ako kung si Trevor ang kumatok dito nag-ayos na agad to bago buksan ang pinto.

Pero maganda parin naman.

Kinuwento ko sa kanya na habang nasa may sulok kami ng library nakatulog siya at hindi ko na siya magising dahil sobrang himbing na nang tulog niya.

Tulog mantika kasi siya. Hahahaha.

Binuhat ko nalang siya papunta sa room niya. Buti nalang nasa bag niya lang yung susi. Kinuwento niya sakin ang panaginip niya. Halata mo nga sa mukha niya na takot na takot siya. Pawis na pawis rin kasi siya,

Kahit di ko pa kilala yung Arianne na yun nagaalala parin ako.

Habang naguusap kami may mga dumaan na siguro nasa sampu o pataas pang tao. May mga dala silang bag. Hala! San punta nila?

"Ella, San kayo pupunta?" tanong ni Gab sa isa niyang kilala dun.

"Aalis na kami dito. Marami nang namamatay at hindi namin alam baka sumunod na kami o kayo." Sabi nung Ella sa isang maarte na boses. Palakad na sana siya pero parang may nakalimutan siyang sabihin kaya tumigil ulit siya, "By the way, h'wag kang masyadong feeling close. Hindi porket pinayagan kitang sumabay sakin nung birthday ni Trevor ay we're friends na, ok?"

Tuluyan na siyang umalis. Kung hindi lang talaga masamang pumatol sa babae baka nasuntok ko na siya. Ayoko ng may gumaganun sa babaeng mahal ko.

"Tsk." Bwisit na sabi ko, "bakit ba hindi mo sinagot yun?"

Tumawa siya. Seriously? Nagagawa niya pang tawanan lang yun, "Anu kaba, okay lang yun. Sanay nako sa ugali ng babaeng 'yan."

"Teka, tungkol nga pala sa pag-alis nila, di kaba nagbabalak na umalis na din?"

Nawala ang ngiti sa mukha niya, "Hindi naman ako takot mamatay. Lahat naman kasi tayo may naka-takdang oras. Minsang ginagawa lang instrument ang iba." Sabi niya saka pumasok na sa room niya. May pasok parin kasi kami ngayon. Iintayin ko nalang siya.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon