Chapter 34 - C1.13.

52 10 0
                                    

Veatrice Daniels' POV

"Oh, God! Anung nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Sabi ko kay Trisha, Pano ba naman napakagulo ng buhok niya at ang haggard na niya.

"Sh*t, what happened?" Sabi naman ni Vhince.

"Muntikan nakong mamatay." Sabi ni Trisha na wala sa sarili.

"ANO!?" Sabay sabay naming sabi.

Kinuwento niya samin ang nangyari sa kanya. Kung alam lang namin sana hindi na namin siya pinabili mag-isa.

"Pero may nagligtas sakin. Isang babae pero di ko nakita ang mukha niya. Suot niya 'tong maskara na 'to." Sabi niya saka inabot samin ang isang black mask.

"Pano mo 'to nakuha?" Tanong ko.

"Tinapon niya 'to nung paalis na siya."

"She's cool!" Nagniningning ang mga mata na sabi ni Prince, "Isipin niyo, walang kalaban laban yung lima. Hindi pa nakakalapit wala nang malay."

"Kailangan natin siyang pasalamatan. Malaki ang utang na loob natin sa kanya." Sabi ni Vhince,

Pinagmasdan ko ang mask at may nakita akong initials na nakalagay dito.

C1.13?

What does it mean?

Imposible basta nalang nakalagay 'to dito ng walang dahilan.

"Mas mabuti siguro kung umuwi nalang tayo." Sabi ko dahil iba ang pakiramdam ko. Parang may nakatingin o nagbabantay samin.

***

Ngayon na ang araw ng paga-apply namin. Natanggap naman kami agad. Dahil isang magandang school din ang pinasukan namin madali lang ang maghanap ng trabaho.

Waitress narin lang ang naging trabaho ko kasi meron na pala silang nakuha para sa plating. Tss.

Kinabukasan nagsimula na kami. Maaga kaming pumasok dahil in-explain pa samin ang mga kailangan naming gawin.

"Tonight, we'll have a very special guest." Sabi nung nagto-tour samin sa resort. Ang ganda nung resort. Kung hindi lang kami andito para magtrabaho.

"Dapat maging sobrang handa kayo. Ayokong mapahiya. Birthday ng anak ng may ari ng resort na 'to. Maiwan ko na kayo, siguro naman alam niyo na ang gagawin niyo. Na-explain ko na earlier."

Tumango nalang kami saka niya kami iniwan.

"Napakaswerte naman ng anak ng may-ari ng resort na 'to." Sabi ni Trisha.

Nagsimula na kaming mag-serve ni Prince sa mga bisita na unti unti nang dumadating.

"Ah, waitress!" Tawag sakin nung isang parang maarteng babae na nakamahabang dress, "Two glasses of water please."

"Yes, Ma'am."

Kumuha ako ng dalawang baso ng tubig gaya ng sinabi niya.

Nung papalapit nako bigla nalang akong nadapa dahil hindi pantay yung lupa.

"What the fuck!?" Sigaw nung babaeng humingi sakin ng tubig kanina. Natapon lang naman sa kanya yung hiningi niyang tubig.

Tumayo ako, "Ma'am, S-Sorry po."

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon